Protina

Ang mga protina ay malalaking mga molekula na yari sa maliliit na mga yunit na tinatawag na mga asidong amino.

Ginagamit ang mga ito sa paglago at pagkumpuni, gayon din ang pagpapatibay ng mga buto. Tumutulong ito na gumawa ng mga tisyu at mga sihay. Matatagpuan ito sa mga hayop, halaman, halamang-singaw, bakterya, at sa katawan ng tao din. Halimbawa, naglalaman ng napakaraming protina ang mga kalamnan. Kumakain ang mga nagpapanatili ng katawan ng mga pagkain na puno ng protina bilang isang madaling paraan na mapanatili o makakuha ng mataas na antas ng kalamnan na mas ligtas kaysa mag-esteroydes (steroids). May mahalagang bahagi ang mga protina sa mga pagkain tulad ng gatas itlog, karne, isda, mga patani, at nuwes. Kumakain ang mga hayop ng protina upang makakuha ng enerhiya at mga asidong amino. Ginagamit ang mga asidong aminong ito upang gumawa ng bagong mga protina na gagamitin bilang mga ensima (enzymes), mga hormona (hormones), o mga antikuwerpo (antibodies). Isang halimbawa ng mahabang-condensed na protina ay ang Enaptin, na binubuo ng napakaraming molekula ng carbon, hydrogen at oxygen.

Protina
Isang representasyon ng tatlong-dimensyonal na kayarian ng myoglobin na pinapakita ang makulay na mga alpha helix. Ito ang unang protina na nilutas ang kayarian sa pamamagitan ng krystallograp ng x-ray.

Natuklasan ni Berzelius, isang Swekong kimiko, noong 1838 ang mga protina. Bagaman, hindi lubusan na binigyan pansin ang ginagampanan ng mga protina sa mga organismong may buhay hanggang 1926, nang pinakita ni James B. Sumner ang ensimang urease na isang protina. Ang insulin ang unang protina na pinagsunod-sunod ni Frederick Sanger, na nanalo ng Gantimpalang Nobel para sa natamong ito noong 1958. Ang hemoglobin at myoglobin ang unang mga kayarian ng mga protina na nalutasan nina Max Perutz at Sir John Cowdery Kendrew, sa ganoong pagkaayos, noong 1958. Unang natiyak ang tatlong-dimensyonal na kayarian ng parehong mga protina sa pamamagitan ng pagsusuri ng dipraksyon ng x-ray; parahong nanalo si Perutz at Kendrew ng Gantimpalang Nobel sa Kimika noong 1962 para sa mga natuklasang ito.

Mga sanggunian

Protina Protina  Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya at Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wiki sa pagpapalawig nito.

Tags:

AntikuwerpoAsidong aminoBakteryaButoEnaptinEnerhiyaEnsimaGatasHalamanHalamang-singawHayopHormonaIsdaItlogKalamnanKarneKatawanMolekulaNuwesPagkainPataniSihayTao

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Diosdado MacapagalInhinyerong konstruksyonBiyenanDyords JavierBenigno Aquino IIIPagsasalinPamilihanNoli Me Tángere (nobela)Jus sanguinisTalasalitaanUlapGloria Macapagal ArroyoApdoPilibusteroCarlos María de la TorreMariano GómezTalaan ng mga lindol sa PilipinasKinaltas na Kabanata ng Noli me TangereFrancisco BalagtasPanggagahasa sa PilipinasKomisyon sa HalalanSangguniang BarangaySakutingSistemang pang-ekonomiyaBulkang TaalMangingisdaKagawaran ng AgrikulturaKuomintangDaunganIndonesiaMamagPagsusuriAntonio LunaPag-atake sa Pearl HarborPagpapasyaPresasCebuSeverino ReyesPenomenolohiya (pilosopiya)Lipunang pambayanLuha ng BuwayaHimagsikang PransesBundokTalatuntunan ng Kaunlarang PantaoEDSAKomunismoEmilio AguinaldoJaime L. SinKapayapaanBatas CooperKronolohiya ng kasaysayan ng PilipinasPaghahari-harianPosisyong papelNoli Me TangerePusaInggitKanser sa susoRene SaguisagMga katutuboTulay ng San JuanicoMga wika sa PilipinasMarikinaBagyoKalihim-Panlahat ng Mga Bansang NagkakaisaPandanggoIskwalang panubokBawal na gamotPagkamamamayanImplikasyonBahaAgusan del SurPista ng MorionesPag-ibigSasakyang panghimpapawidTalumpatiPartidong NaziPearl HarborIglesia ni Cristo🡆 More