Ang laman, kalamnan, masel, o muskulo (sa Ingles: muscle; sa Latin: musculus, na may kahulugang bubwit o maliit na daga) ay mga nagpapagalaw na mga tisyu ng katawan at hinango mula sa patong na mesodermal ng mga selulang mikrobyong embriyoniko.
Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wiki Tagalog. (Marso 2007) Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito. Binigay na dahilan: wala |
Inuuri ito sa pangsangkabutuhan (iskeletal), pangpuso (kardiyako), o makinis na laman, at tungkulin nitong lumikha ng lakas (puwersa) at magdulot ng galaw, na maaaring lokomosyon o kilos sa loob ng mga lamang loob (organong panloob). Nangyayari ang karamihan sa mga paggalaw ng mga muskulo na hindi tuwirang pinag-iisipan at kinakailangang sa pagsasagip ng buhay, katulad ng galaw ng puso, o peristalsis na nagtutulak sa pagkakaing lumalagos sa sistema ng dihestiyon (sistemang panunaw). Ginagamit ang kusang-loob na paggalaw sa pagpapakilos ng katawan, at maaaring pinuhin at pigilin, katulad ng mga galaw ng mata, o magaspang na kilos tulad ng sa muskulong quadriceps ng hita. May dalawang malawakang uri ng himaymay o pibro ng mga lamang kusang-napapagalaw (boluntaryo), mabagal na pintig at mabilis na pintig. Kumikilos ang mga himaymay na may mabagal na pintig sa loob ng mahahabang mga panahon subalit gumagamit na kaunting puwersa, habang maliksi namang gumagalaw at madaling mapagod ang mga himaymay na mabilis kung pumintig.
1. Paggalaw ng tao 2. Pagpapanatili at pagpapanatag ng posisyon ng katawan 3. Pagreregula ng laki ng organs. Ang mga bands sa makinis na laman ay tinatawaag na sphincters 4. Pagpapagalaw at kilos ng mga substances sa loob ng katawan. Kabilang sa mga substances na ito ay ang dugo, lymph, ihi, hangin, pagkain, tamod o semilya at iba pang katas. 5. Pagpapanatili ng init. Ang di mapigil na pagtikom, pagbuka at panginginig (shivering) ng mga skeletal na laman.
1. Masel na pangsangkabutuhan (skeletal muscle). Ito at nakadikit sa buto, sa balat o fascia. Sila ay mayroong marka o pagkakakilanlan na "stratiation" ng madilim at maliwanag bands na makikita lamang gamit ang mikroskopyo. Ang mga skeletal muscle ay boluntaryo sa kaniyang pagtikom, sara, galaw at pagpapanatag. Pinapatakbo ito ng Somatikong Sistemang Nerbiyos (somatic nervous system).
2. Masel pangpuso (cardiac muscle). Ang mga cardiac muscle, kagaya ng skeletal muscle ay may pormang "stratiation". Pinapakilos ito ng Otomikong Sistemang Nerbiyos (Autonomic Nervous System). Ang paggalaw nito ay may kusang ritmo (autorhythmic) dahil sa pagkakaubos nito sa pacemaker.
3. Makinis na laman (smooth muscle). Ang smooth muscle o makinis na laman ay nadikit o dugtong sa follicles ng buhok sa balat. Wala silang "stratiation" at gaya ng cardiac muscle, ito ay pinatatakbo ng otomikong sistemang nerbiyos. Matatagpuan ang ilan sa mga smooth muscle sa dingding o pader ng mababaw na organs.
1. Kakayahang mairita (excitability). Ito ay ang kakayanan ng laman na kumilos o magbigay ng kaugnayan reaksiyon sa kahit anong reaksiyong kemikal na kinakailangan o nagaganap sa selyulang pang-ugat (nerve cells)
2. Kakayahang maghatid ng kuryente (conductivity). Ang katangiang ito ay ang abilidad ng laman na magparami ng signos na elektrikal patungo sa membrane.
3. Kakayahang gumalaw (contractility). Ang katangiang ito ay ang siyang nagbibigay kakayahan sa laman na magpaiksi at maglabas ng pwersa kung kinakailangan.
4. Kakayahang humaba (extensibility). Ang mga laman ay maaring magpahaba ng hindi nasusugatan kung kinakailangan. Ito ay ang kakayahang tinatawag na extensibility.
5. Kakayahang mabanat at mapaurong (elasticity). Ang elasticity o ang pagiging elastiko ng laman ay ang nagbibigay sa laman ng original na porma matapos na ito ay umiksi o magpahaba.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Kalamnan, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.