Mikroskopyo

Ang mikroskopyo o mikroskopo (mula sa wikang Griyego: μικρόν (micron) = maliit + σκοπεῖν (skopein) = tingnan ang) ay isang instrumento para sa pagtingin o pagsilip ng mga bagay na masyadong maliit para makita ng mga mata lamang o hindi-tinutulungang mga mata.

Tinatawag na mikroskopiya ang agham ng pagsusuri ng mga maliliit na bagay na ginagamitan ng ganitong kagamitan. Nangangahulugan ng masyadong maliit at hindi nakikita ng mata kung hindi tutulungan ng mikroskopyo ang salitang mikroskopiko. May halos 400 taon na ang kasaysayan nang simulang gamitin ang mga mikroskopyo sa mga paaralan at mga tahanan.

Mikroskopyo
Ang mikroskopyo ni Robert Hooke (1665) - isang instrumentong ginamit sa pag-aaral ng mga nilalang na may buhay.

Ang pinakaunang gamiting mikroskopyo ay nilikha sa Netherlands noong mga unang panahon ng dekada 1600. May kalituhan sa impormasyon hinggil sa lumikha (imbentor) at mga petsa ng pagkakaimbento ng mikroskopyo. Tatlong magkakaibang mga manlilikha ng mga salaming pang-mata ang nabigyan ng kapurihan sa pagkakalikha ng imbensiyon: sina Hans Lippershey (na manlilikha rin ng pinakaunang tunay na teleskopyo), Hans Janssen at ang anak niyang lalaki na si Zacharias Janssen.

Mga uri

Ang pinakapangkaraniwang mikroskopyo, at ang pinakaunang nalikha, ay ang mikroskopyong optikal. Isa itong instrumentong optikal na naglalaman ng isa o maraming mga salaming-lente na nakalilikha ng malaking imahe ng isang bagay na nalalagay sa tipunang-patigan (focal plane) ng mga lente. Subalit mayroon pang ibang mga disenyo ng mga mikroskopyo.

Mikroskopyo 
Isang mikoskopyong optiko (1879) ni Carl Zeiss Jena.
Mikroskopyo 
Karaniwang ginagamit ang mikroskopyong stereong ito para sa may mababang-lakas na pagpapalaki ng mga malalaking paksang-bagay o ispesimen.
Mikroskopyo 
Stereomicroscop
Mikroskopyo 
Modern stereomicroscope optical design.
A - Objective B - Galilean telescopes (rotating objectives) C - Zoom control D - Internal objective E - Prism F - Relay lens G - Reticle H - Eyepiece

Maaaring malawakang paghiwalayin sa dalawang uri ang mga mikroskopyo: ang mga mikroskopyong ginagamitan ng teoriyang optiko (may mga salaming-lente na kumikinabang sa paggamit ng liwanag), at ang mga mikroskopyong paniktik (mga mikroskopyo para sa pangmalawakang mapanghimasok at mapang-tiktik na pagsusuri at pananaliksik o tinatawag sa wikang Ingles bilang mga scanning probe microscope).

Gumagana ang mga miskropyong teoriyang optiko sa pamamagitan ng teoriyang optiko ng mga lente upang mapalaki ang anyong nalilikha dahil sa pagdaan ng mga alon ng liwanag sa kalalangan ng halimbawang bagay. Maaaring elektromagnetiko (para sa mga mikroskopyong optiko) o mga sinag-elektron (para sa mga mikroskopyong elektron) ang ginagamit ng mga mikroskopyo. Ang mga klase ng mikroskopyo ay ang mga sumusunod: mikoskopyong pangsanib-liwanag (sa Ingles: compound light microscope: mikroskopyong may magkakaanib na lente upang makasagap ng mga magkakaanib na liwanag), mikroskopyong stereo, at mikroskopyong elektron.

Mga mikroskopyo na espesyal ang gamit

Gumagamit ang mikroskopyong akostiko ng mga alon ng tunog upang masukat ang mga pagkakaiba-iba sa mga hadlang ng tunog. Katulad ng SONAR, ginagamit ito para sa mga gawaing pang-tiktik at paghuli ng mga depekto (kasiraan at kakulangan) sa ilalim ng mga mukha ng mga kasangkapan na kinabibilangang ng mga natatagpuan sa mga pinagsanib na mga palibot-ruta (Ingles: mga integrated circuit o mga integradong sirkit).

Ginagamit ang mga mikroskopyong inverso sa pagsusuri at pag-aaral ng lahat ng mga uri ng mga asero at aloy. Mainam ito sa pagbibigay ng antas sa kalidad ng mga hinugisang asero, sa pagsusuri ng mga hilaw na materyales, at maging sa kayariang pang-metalurhiya matapos maidarang sa init.

Mechanical part of microscope

Mga sanggunian

Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wiking Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.

Tingnan din

  • Laboratoryo ng Mikroskopiya sa: A Study Guide to the Science of Botany (Isang Gabay sa Pagaaral sa Agham ng Botaniya) sa Wikiklat
  • Talaan ng mga Uri ng Mikroskopyo

Tags:

Mikroskopyo Mga uriMikroskopyo Microscope GalleryMikroskopyo Mechanical part of microscopeMikroskopyo Mga sanggunianMikroskopyo Tingnan dinMikroskopyoAghamGriyegoMata

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Reclusion perpetuaPandiwaKomisyon sa HalalanKalayaanIslam sa PilipinasKasaysayan ng Pilipinas (1898–1946)Mga pambansang sagisag ng PilipinasLabanan ng CorregidorParihabaPia WurtzbachTala ng mga taonKathang-isipKawalang trabahoLangkaButuanParisukatPatolaJuan Ponce EnrileWikang InglesKulugoCagayan de OroRaffy TulfoBagyoMarikinaKagawaran ng EdukasyonDasmariñasBinangonanPagpapalaglag sa PilipinasDiosdado MacapagalPang-ukolBulaklak ng MayoMga katutuboPagkamatay ng magkapatid MaguadAdolf HitlerPista ng MorionesGuroSeverino ReyesKapulungan ng mga Kinatawan ng PilipinasKomunismoGMA NetworkPanulaanBonifacio Global CityEmilio JacintoAghamOryentasyong seksuwalImpluwensya ng Espanya sa kulturang PilipinoDigmaang PasipikoPanaginipPatutotUlanFelix ManaloHinduismoMel TiangcoKomisyon sa Mas Mataas na EdukasyonTeknolohiyaSilang, KabiteSutlaBulkang MayonJosefa Llanes EscodaPariralaMonopolyoImplasyon (presyo)Tala ng mga bansa ayon sa sistema ng pamahalaanHagdan-hagdang Palayan ng BanaweKapataganBubuyogPanliligawSagisag ng Republika ng PilipinasEl NiñoMagasinUtang na loobAnahawKasaysayan ng Pilipinas (1565–1898)TulinganDamdaminHalimaw (pelikula noong 1986)Saligang batasDistornilyador🡆 More