Panulaan

Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo.

Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula. Madaling makilala ang isang tula sapagkat karaniwan itong may batayan o pattern sa pagbigkas ng mga huling salita.

Panulaan
Si William Shakespeare, isang makatang Ingles, mandudula, at aktor na malawakang kinikilala bílang pinakamahusay na manunulat ng wikang Ingles.

Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin, at lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay. May tugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya naman ay mahaba.

Uri ng Tula

Maikling Tula

  • Tanka - nagmula sa bansang Hapon na binubuo lamang ng 31 pantig, nahahati ito sa limang taludtod na may sukat na 5-7-5-7-7
  • Haiku - nagmula sa bansang Hapon na binubuo ng tatlong taludtod na may sukat na 5-7-5

Tulang Liriko o Pandamdamin

Sa uring ito itinatampok ng makata ang kanyang sariling damdamin. Ito ang itinuturing pinakamatandang uri ng tulang isinusulat ng mga makata sa buong daigdig. Ito ay puno ng damdamin at madalas ding gamiting titik ng mga awitin. Ang pagkakaugnayan ng tulang liriko at musikang sinasaliwan ng instrumentong tinatawag na lira ang siyang dahilan kung bakit ito nakilala sa taguring tulang liriko. Ito rin ang dahilan kung bakit ngayon malimit pumapasok sa ating isipan na ang liriko ay alinman sa dalawa: tulang talagang kakantahin o kaya'y tulang may katangiang awit. Narito ang ilang uri ng tulang ito:

  • Awit (Dalitsuyo) - tungkol sa pag-ibig
  • Pastoral (Dalitbuki)
  • Oda (Dalitpuri) - matayog na damdamin o kaisipan (paghanga o pagbibigay parangal)
  • Dalit o Himno (Dalitsamba) - tungkol sa pagpapala sa Diyos, sa pagawit na pamamaraan.
  • Soneto (Dalitwari) - binubuo ng 14 taludtod o linya; nangangailangan ng mabigat o matinding pagkukuro-kuro
  • Elehiya (Dalitlumbay) - mapanglaw; tungkol sa kamatayan o kalungkutan
Panulaan 
Isang unang Tsinong poetiko, ang Kǒngzǐ Shīlùn (孔子詩論), na tumatalakay sa Shijing (Klasiko ng Panulaan).

Tulang Pasalaysay

Ito ay naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa pamamagitan ng mga taludtod. Narito ang apat na uri ng tulang ito:

  • Epiko (Tulabuyani)
  • Tulasinta (Metrical Romance)
  • Tulakanta (Rhymed o Metrical Tale)
  • Tulagunam (Ballad)

Tulang Dula

Ito ay mga tulang isinasadula sa mga entablado o iba pang tanghalan. Narito ang mga uri ng tulang dula:

  • Tulang Mag-isang Salaysay (Dramatic Monologue)
  • Tulang Dulang Liriko-Dramatiko
  • Tulang Dulang Katatawanan (Dramatic Comedy)
  • Tulang Dulang Kalunos-lunos (Dramatic Tragedy in Poetry)
  • Tulang Dulang Madamdamin (Melodrama in Poetry)
  • Tulang Dulang Katawa-tawang-Kalunos-lunos (Dramatic Tragi-comedy in Poetry)
  • Tulang Dulang Pauroy (Farce in Poetry)

Tulang Patnigan (Justice Poetry)

Ito ay tulang sagutan na itinatanghal ng mga magkakatunggaling makata ngunit hindi sa paraang padula. Ito ay paligsahan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino at tulain. Ang sumusunod ang mga uri ng tulang patnigan:

  • Karagatan
  • Duplo - kadalasang isinasagawa tuwing may lamay. Ito ay sa anyo ng labanan, at bilyako o bilyaka ang tawag sa mga manlalahok nito.
  • Balagtasan
  • Batutian
Panulaan 
Si Francisco Balagtas, ang "Ama ng Balagtasan".

Mga Elemento ng Tula

  • Saknong - isang grupo ng mga salita sa loob ng isang tula na may dalawa o higit pang taludtod.
  • Sukat - bilang ng pantig ng tula.
  • Tugma - pinag-isang tunog sa hulihan ng mga taludtod.
  • Talinghaga - tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.

Tingnan din

  • Sabayang Pagbigkas

Mga Sanggunian

Mga Sipi


Mga Pinagkukunan

  • Pinagyamang Pluma 9, by Jellian M. Florrito, Sherly G. Noynay, Cecilio A. Noynay ISBN 978-971-06-3652-6, p. 160-162

Panulaan  Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wiki sa pagpapalawig nito.

Tags:

Panulaan Uri ng TulaPanulaan Mga Elemento ng TulaPanulaan Tingnan dinPanulaan Mga link na panlabasPanulaan Mga SanggunianPanulaanPanitikanSiningTayutayWika

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

BalintatawImpraestrukturaPangatnigDigmaang Sibil ng EspanyaHesusSingaw (sakit)EdukasyonLGBTKapataganNanganganib na mga uriMga Ibong MandaragitLualhati BautistaKatarunganPagbabawasBodabilKagawaran ng EdukasyonAbogadoAng Pagong at ang MatsingIslamKapulungan ng mga Kinatawan ng PilipinasUnang Digmaang OpyoPamamaga ng lalamunanLian, BatangasPasismoHeneral Luna (pelikula)TalampasKasingkahuluganUnang PahinaPandemya ng COVID-19Mag-aaralPamangkinGastroenteritisSigaw ng Pugad LawinKapeRebelyon ni DagohoyKikilGabriela SilangKaugaliang PilipinoLipunanPananakop ng mga Hapones sa PilipinasEditoryalPista ng PanagbengaPornograpiyaPantayong pananawPasmaIslam sa Pilipinas24 OrasPagpapatiwakalVice GandaPagkamatay ng magkapatid MaguadCarlos María de la TorreKapayapaanLuha ng BuwayaPartido Liberal (Pilipinas)LindolEspanyaMartsa ng Kamatayan sa BataanKasunduan sa VersaillesBurol (seremonya)Komonwelt ng PilipinasLea SalongaBaboyEmperador HirohitoBabaeFlorante at LauraImplikasyonErmitanyoAngel LocsinAwtoritarismoDigmaang PasipikoFranklin D. RooseveltMonarkiyaBayanCabuyaoKalayaan sa pananalitaDyords JavierJose W. DioknoTuko🡆 More