Wayback Machine: Digital na arkibo ng mga pahinang web

Ang Wayback Machine ay isang digital na arkibo ng World Wide Web na itinatag ng Internet Archive, isang samahang hindi pangkalakalan na nakabase sa San Francisco, California.

Nilikha noong 1996 at inilunsad sa publiko noong 2001, pinapayagan nito ang tagagamit na pumunta "pabalik sa oras" at makita kung paano tumingin ang mga pahinarya sa kanilang mga nakaraang estado. Ang mga tagapagtatag nito, sina Brewster Kahle at Bruce Gilliat, ay bumuo ng Wayback Machine upang magbigay ng "unibersal na pag-access sa lahat ng kaalaman" sa pamamagitan ng pagpapanatili ng mga naka-arkibong na mga kopya ng mga pahinang web na hindi na gumagana.

Wayback Machine
Wayback Machine: Kasaysayan, Mga sanggunian
Uri ng sayt
Arkibo
Nagagamit saBuong mundo (maliban sa Tsina at Bahrain)
May-ariInternet Archive
URLweb.archive.org
PagrehistroOpsyonal
Nilunsad12 Mayo 1996; 27 taon na'ng nakalipas (1996-05-12) (pribado)
24 Oktubre 2001; 22 taon na'ng nakalipas (2001-10-24) (binuksan sa publiko)
Kasalukuyang kalagayanAktibo
Sinulat saJava, Python

Inilunsad noong Mayo 12, 1996, ang Wayback Machine ay may higit sa 38.2 milyong mga tala sa katapusan ng 2009. Higit sa isang milyong mga pahinang web ang idinagdag araw-araw.

Noong 1996, si Brewster Kahle, tagapagtatag ng Internet Archive, at Bruce Gilliat, isang graduate student sa Massachusetts Institute of Technology (MIT), ay bumuo ng Wayback Machine bilang isang kasangkapan para sa paglikha ng isang pangkalahatang digital na aklatan, na sumusuporta sa misyon ng Internet Archive ng unibersal na pag-access sa lahat ng kaalaman.

Kasaysayan

Ang wayback machine ay nagsimula sa pag-archive ng mga naka-cache na mga pahinang web noong Mayo 12, 1996.

Inilunsad nina Brewster Kahle at Bruce Gilliat, mga tagapagtatag ng Internet Archive, ang Wayback Machine sa San Francisco, California, noong Oktubre 2001, gamit ang pangunahing dahilan ng pagtugon sa problema ng paglalaho ng mga nilalaman ng pahinarya kapag ito ay nabago o kapag ang isang pahinarya ay isinara. Ang serbisyo ay nagbibigay ng paraan para sa mga tagagamit na makita ang mga naka-arkibo na bersyon ng pahinang web sa buong panahon, na tinatawag ng arkibo bilang isang "tatlong dimensiyonal na talatuntunan". Nilikha nina Kahle at Gilliat ang nasabing makina na umaasa na i-arkibo ang buong internet at magbigay ng "unibersal na pag-access sa lahat ng kaalaman". Ang pangalang "Wayback Machine" ay isang pag-uugnay sa isang kathang-isip na aparato, ang "Wayback Machine", na ginagamit nila Mister Peabody at Sherman sa animasyong The Adventures of Rocky and Bullwinkle and Friends. Sa isa sa mga bahagi ng guhit-larawan, ang "Peabody's Improbable History", gumamit ang mga character ang makina upang saksihan, lumahok, at madalas na baguhin ang mga sikat na kaganapan sa kasaysayan.

Mula 1996 hanggang 2001, ang impormasyon ay pinananatili sa digital tape, habang pinapayagan ni Kahle sa paminsan-minsang panahon ang mga mananaliksik at siyentipiko na gamitin ang nasabing database. Nang umabot ang arkibo ng kanilang ikalimang anibersaryo noong 2001, ito ay inilunsad at binuksan sa publiko sa isang seremonya sa Unibersidad ng California sa Berkeley. Noong nainlunsad ang Wayback Machine, naglalaman na ito ng higit sa 10 bilyong mga naka-arkibo na pahina. Ang datos ay naka-imbak sa malaking kumpol ng mga Linux node ng Internet Archive. Paminsan-minsan, ito ay bumibisita muli at nag-arkibo ng mga bagong bersyon ng mga pahinarya. Ang mga pahinarya ay maaari ring mahuli nang manu-mano sa gamit ng pagpasok ng URL ng isang pahinarya sa kahon ng paghahanap, sa kondisyon na ang pahinarya ay pumapayag sa Wayback Machine na "mag-crawl" nito at i-save ang datos.

Noong Oktubre 30, 2020, nagsimulang suriin ng Wayback Machine ang kanilang nilalaman para sa mga makatotohanang impormasyon. Mula noong Enero 2022, ang mga dominyo ng mga ad server ay hindi na inaarkibo.

Para sa ika-25 na anibersaryo ng Internet Archive, ipinakilala ng Wayback Machine ang "Wayforward Machine" kung saan ang mga tatagamit ay pinapayagan ang mga gumagamit na "maglakbay sa internet sa [taong] 2046, kung saan ang kaalaman ay nasa [estado ng] pagkubkob".

Mga sanggunian

Tags:

Wayback Machine KasaysayanWayback Machine Mga sanggunianWayback MachineSan Francisco, CaliforniaWorld Wide Web

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Digmaang Sibil ng TsinaPapa Juan Pablo IIBayan KoPagbabago ng klimaSilangang AsyaAspinMonologoHikaNoli Me TangerePagpapaulit-ulit ng tubigDigmaang PasipikoAghamFrancisco BalagtasEstados UnidosSakunaTuberkulosisFrancine GarciaEmperador HirohitoPang-ukolOryentasyong seksuwalGawad sa Manlilikha ng BayanPananakop ng mga Ingles sa MaynilaNepotismoKulturaPanggagahasa sa PilipinasSakit sa ibaba ng likodEditoryalPangungusapSakutingJosé BurgosAndrés BonifacioAnahawAlkaldeHinuhaKasaysayan ng Pilipinas (1898–1946)BalagtasanGitnang LuzonMoralidadAngelica PanganibanIranKomisyon sa Wikang FilipinoJaime L. SinKathryn BernardoAsyaSelosMoroSaranggolaDistornilyadorKalabawPahayaganHentaiYamang taoSangguniang BarangayLa Liga FilipinaKatarunganRebolusyong industriyalPamilihanPagkalulong sa bawal na gamotSumbreroKonstruksiyonTalampasImpluwensya ng Espanya sa kulturang PilipinoDigmaang KoreanoAklanKagawaran ng AgrikulturaBalbalKasunduan sa VersaillesKanal SuezKasingkahuluganMedidaAwtoritarismoUtang na loobPaskoNapoleon I ng PransiyaEuropaMga kagamitang metalSaligang Batas ng Pilipinas ng 1987BantasKalayaan ng mga mamamahayag🡆 More