Pangatnig: Bahagi ng pananalita na dumudugtong sa dalawang salita, pangungusap, parirala, o sugnay

Sa balarila, ang pangatnig ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, sugnay o pangungusap.

Sa balarilang Filipino, ang pangatnig ay maaring magbukod (katulad ng "o," "ni", "habang" at "maging"), manalungat (katulad ng "ngunit," "habang" at "bagamat"), maglinaw (katulad ng "kaya," "kung" at "gayon"), manubali (katulad ng "kapag" at "sana"), magbigay halintulad (katulad ng "kung saan" at "gayon din"), magbigay sanhi (katulad ng "sapagkat" at "dahil") at magbigay ng pagtatapos (katulad ng "sa wakas" at "upang").

Halimbawa

at

Ito ay ginagamit na pang-ugnay sa dalawang salita, parirala o pangungusap na pagkaugnay.

Halimbawa: "ina at ama", "Aalis ako ngayon at bukas na ako babalik."

Isa pang halimbawa: "Pupunta ako sa parke kasama sina Liza at Remy."

ngunit, subalit, pero, datapwat, kaso

Ito ay ginagamit na pang-ugnay ng dalawang kaisipang magkakontra o magkasalungat.

Halimbawa: "Gusto kong maligo pero wala namang tubig."

Isa pang halimbawa: "Kailangan ko lumabas, kaso nawawala ang quarantine pass ko."

o

Ito ay ginagamit na pang-ugnay ng mga salita o kaisipang pinagpipilian.

Halimbawa: "mahal ko o mahal ako", "Alin sa mga ito ang gusto mo, pula, puti o asul?"

Iba pang halimbawa

Narito ang mga iba pang uri ng pangatnig:

  • ni- pang ugnay sa pangalang ng tao
  • kaya
  • maging
  • man
  • saka
  • pati
  • di kaya
  • gayundin
  • kung alin
  • bagkus
  • samantala
  • habang
  • maliban
  • bagaman
  • kung
  • sa bagay
  • kundi
  • kapag
  • sakali
  • sana
  • sapagkat
  • kasi
  • kung kaya
  • palibhasa
  • dahil sa
  • sanhi ng
  • samakatuwid
  • sa madaling salita
  • Habang

Mga Sanggunian

Mga Pinagkukunan

  • Pinagyamang Pluma 9, by Ailene G. Baisa-Julian, Mary Grace G. del Rosario, Nestor S. Lontoc ISBN 978-971-06-3652-5, pp. 87

Pangatnig: Halimbawa, Mga Sanggunian  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Tags:

Pangatnig HalimbawaPangatnig Mga SanggunianPangatnigBahagi ng pananalitaBalarilaPangungusapPariralaSalitaSugnay

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Patakarang bukas na pintoHilagang KoreaNorzagarayGaslightingSiquijorMaka-Diyos, Maka-tao, Makakalikasan at MakabansaSalawikainMelchora AquinoProklamasyon Blg. 1081Bernardo CarpioHinuhaReclusion perpetuaEat Bulaga!Pamamaga ng mataBudhiParusang kamatayanBarangayHolokaustoVietnamCariñosaBalagtas, BulacanTratado ng KanagawaAwtoritarismoMalaysiaCarlos María de la TorreIndioAgrikulturaNoli Me Tángere (nobela)NazismoPabulaTalambuhayPatolaMamagLambingHeneral Luna (pelikula)BalbalMundoKoridoKalayaan sa pananalitaSoberanyaTalabaBautismoZambalesSikolohiyaKikilMiss Universe Philippines 2024Sakit sa pag-iisipKatas ng pukeAustria-HungriyaUnang HiritPaglilingkod sa pamayananPanaguriPagtatalik na premaritalHeneral Mariano AlvarezKarapatang pantaoGoogleKultura ng PilipinasArtipisyal na katalinuhanHuling PaalamAmado V. HernandezJoseph StalinDi-kathang isipPaciano RizalKasuotanPananakop ng mga Hapones sa PilipinasEl NiñoPamayananDistornilyadorSaligang Batas ng PilipinasPagsusuriEmperador HirohitoKalayaanQuezonLipunanAgusan del SurTamarawPangunang lunasKumbento🡆 More