Pusa

Ang Pusa, Felis catus, o Felis silvestris catus (Ingles: Cat; kuting kapag bata) ay isang hayop na inaalagan ng tao.

Kadalasang hinuhuli nito ang mga bubuwit at ibon. Isang karniboro ang mga pusa o mga mamalyang kumakain ng karne na kabilang sa pamilyang Felidae. Naging alagang domestikado ang mga pusa na may higit na sa 3,000 mga taon, at tanyag sila bilang mga alagang hayop sa bahay. Una silang naging domestikado o "pusang-bahay" at inalagaan dahil kumakain sila ng mga peste, subalit nang lumaon inalagaan sila dahil sa pagiging palakaibigan at mabuting kasama sa buhay.

Pusa
Pusa
Iba't ibang pusa
Katayuan ng pagpapanatili
Domesticated
Klasipikasyong pang-agham edit
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Mammalia
Orden: Carnivora
Suborden: Feliformia
Pamilya: Felidae
Subpamilya: Felinae
Sari: Felis
Espesye:
F. catus
Pangalang binomial
Felis catus
Linnaeus, 1758
Kasingkahulugan
  • Catus domesticus Erxleben, 1777
  • F. angorensis Gmelin, 1788
  • F. vulgaris Fischer, 1829
Pusa
20 taong gulang pusa
Pusa
Pagpatay ng pusa sa isang daga

Ginagamit din ang salitang "pusa" para sa ibang mga kasapi ng Felidae: ang mga malalaking pusang tulad ng liyon, tigre, at iba pa; at maging para sa mga pusang-gubat na lynx, puma, at iba pa. Maiilap ang mga pusang ito at maaaring maging labis na mapanganib. Maraming mga uri ng ganitong mga pusa.

Batay sa katawagang Ingles, tinatawag na Reyna ang babaeng pusa, samantalang Tom naman ang lalaking pusa.

Pinagmulan at ebolusyon

Pusa 
Linyang panahong ebolusyonaryo ng Feliform.

Ang lahat ng mga modernong carnivora kabilang ang mga pusa ay nag-ebolb mula sa hayop na Miacoidea na lumitaw mga 65 hanggang 33 milyong taon ang nakalilipas. Ang espesyeng Miacoid ay nagpalitaw sa espesyng Proailurus (na nangangahulugang "unang pusa" at tinatawag ring "Leman's Dawn Cat") na lumitaw mga 30 milyong taon ang nakalilipas at pangkalahatang itinuturing na ang unang "tunay na pusa". Mayroon ibang mga tulad ng pusang espesya bago ang Proailurus ngunit hindi sa loob ng pamilya ng order na Carnivora. Ang pagtaas ng disparidad hanggang sa panahong Simulang Mioseno ay nangyari sa panahon nang ang ilang mga fossil na feliform ay natagpuan sa Hilagang Amerika. Ang mga hypercarnivorous nimravid feliform ay ekstinkt sa Hilagang Amerika pagkatapos ng 26 milyong taon ang nakalilipas at ang mga felid ay hindi dumating sa Hilagang Amerika hanggang sa panahong Gitnang Mioseno sa paglitaw ng Pseudaelurus. Ang Pseudaelurus ay tumawid sa Hilagang Amerika sa daan ng Lupaing Tulay ng Bering mula sa nakapagpatuloy na mga populasyon sa Asya 18.5 milyong taon ang nakalilipas. Ang lahat ng mga modernong pusa ay nagmula sa Pseudaelurus. Ang mga Nimravid ay mga hayop na may ngiping saber na tulad ng pusa ng pamilyang Nimravidae. Bagaman hindi mga "tunay na pusa" sa pamilyang Felidae, ang mga Nimravidae ay itinuturing na kapatid na taxon ng mga felid. Ang mga ito ay mga basal feliform ngunit ang eksaktong paglalagay ng mga ito sa loob ng pangkat na Carnivora ay hindi pa rin matiyak. Sa pisikal, ang Nimravidae ay kamukha ng Smilodon na kalaunang nag-ebolb ng maraming milyong taon. Ang Nimravidae ay naging ekstinkt rin sa Hilagang Panahon sa panahon ng "puwang ng pusa".

Pusa 
Ang Aprikanong pusang ligaw (Felis silvestris lybica) ang ninuno ng mga domestikadong pusa.

Ang ebidensiyang henetiko, morpolohikal at arkeolohikal ay nagmumungkahing ang domestikadong pusa(house cat) ay dinomestika mula sa Aprikanong pusang ligaw (African wild cat) mga 10,000 hanggang 8,000 taon ang nakalilipas sa Fertile Cresecent.

Ang mga pusa ay naipangalang siyentipikong pangalan na Felis catus ni Carl Linnaeus sa ika-10 edisyon ng Systema Naturae na nailathala noong 1758.

Katangian

Haba at bigat

Ang karaniwang haba ng isang pusa ay 46 cm mula ulo hanggang pwet at 23 cm mula paa hanggang ulo. Mas malaki ang mga lalaki kaysa sa mga babae. Ang karaniwang timbang ay 4 o 5 kg.

Kuko

Ang kuko ng mga pusa ay nailalabas-pasok. Kapag nakatago ang kuko ng pusa, mas napapanatili ang pagkatulis nito. Mas matulis ang kuko ng pusa sa harap na paa kaysa sa likurang paa.

Balanse

Tuwing nahuhulog ang isang pusa mula sa mataas na lugar, naiikot nito ang katawan at nailalapag ang paa. Nagagawa nila ito kapag ang taas ng lugar ay lagpas 90 cm.

Pag-uugali

Ang mga pusa ay isang superpredator at espesyeng mananakop. Kabilang sa mga kinakain nito ang mga daga at ibon. Sa Australia, ang pusa ay responsable sa ekstinksiyon ng hindi bababa sa 20 katutubong mamalya sa bansang ito.

Sa kultura ng tao at Mitolohiya

Ayon sa ilang mga historyan at mga arkeologo, ang mga pusa ay unang inalagaan sa sinaunang Ehipto. Sa sinaunang Ehipto, ang mga pusa ay itinuturing at sinasamba bilang mga diyos at diyosa at mayroong isang diyos na nagngangalang Bastet sa Ehipto na mukhang pusa o isang babaeng leon. Ang mga Romano ang nagdala ng mga pusa sa Ehipto papuntang Europa. Dinala naman ng mga taga-Europa ang mga pusa sa paglalayag nila sa mga barko at nung dumating sila sa iba't ibang parte ng mundo, kasama nila ang kanilang mga alagang pusa at sila o ang mga taga-Europa ang nagdala ng mga pusa sa iba't ibang parte ng mundo.

Papa Gregorio IX

Noong 1233, itinatag ni Papa Gregorio IX ang inkisisyon at nagpadala ng mga decretal kung saan inituos na sunugin ang mga erehe. Sa pamamagitan ng pagpapahirap at inkisisyon ni Konrad von Marburg, natuklasan ang isang kultong Luciferiano na sumasamba kay Satanas sa anyo ng isang itim na pusa. Inilarawan sa vox in Rama ni Papa Gregorio IX ang inisiasyon ng mga kasapi sa kultong ito. Dahil dito, nagkaroon ng pamahiin sa Europa kung saan ang itim na pusa ay inuugnay kay Satanas at pagsusunog ng mga pusa sa Europa at Pransiya ay naging libangan ng mga mamamayan na pinaniniwalaang ng ilang historyan na nag-ambag sa pagkalat ng salot na Itim na Kamatayan na pumatay ng hanggang 200 milyong tao noong ika-14 siglo.

Mga pista ng pusa

Pusa 
Minneke Poes, isa sa higanteng pusa ng paradang Kattenstoet.

Sa Ypres, Belgium, isang kustombre ng paghahagis ng mga pusa mula sa belfry ng mga simbahan at pagkatapos ay susunugin ang mga pusang ito ay dinadaos tuwing pista ng mga pusa na Kattenstoet na nagpatuloy hanggang 1817 bagaman patuloy pa rin itong dinadaos hanggang sa kasalakuyan gamit ang pinalamanang pusa. Sa Denmark, sa Fastelavn,ang mga pusa ay binubugbog hanggang mamatay upang palayasin ang masasamang espirito tuwing Semana santa.

Mga pamahiin tungkol sa pusa

Mayroong kasabihan na nagsasabi na kapag may nakita kang itim na pusa na dumadaan malapit sa tao, ang tao ay mamalasin. Ang Maneki-neko ay usang pigurang pusa na karaniwang nilalagay sa harap ng mga tindahan bilang pampasuwerte. Ayon din sa mga ibang kasabihan, may siyam na buhay ang mga pusa.

Mga sanggunian

Talababa

Bibliyograpiya

Pusa 
Ordinaryo na pusa

Tags:

Pusa Pinagmulan at ebolusyonPusa KatangianPusa Pag-uugaliPusa Sa kultura ng tao at MitolohiyaPusa Mga sanggunianPusa Mga panlabas na linkPusa

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Ibong AdarnaPalakasanSuper Bagyong YolandaEl NiñoBalbalEspanyaKalusugang pang-isipanImpeksiyon sa daanan ng ihiPagtatalik na premaritalSaligang Batas ng Pilipinas ng 1987CagayanSara DuterteTalaan ng mga pulo ng PilipinasBahagi ng pananalitaTalaan ng mga bagyo sa PilipinasVolleyballKasanayanEat Bulaga!Amado V. HernandezNegros OrientalMonarkiyang konstitusyonalWikang KapampanganDatuManuel RoxasHuling PaalamHolokaustoAlyansaEpikoLuha ng BuwayaLambingEfren PeñafloridaLeonor RiveraNAMFRELLikas na kapaligiranIntramurosAti-AtihanMga katutuboSitawWill Ashley De LeonKristiyanismo sa PilipinasSistemang pang-ekonomiyaSaranggolaSergio OsmeñaKumbentoKagawaran ng Repormang PansakahanPagkabigoLabanan sa MactanMga pangkat etniko sa PilipinasHinduismoBibiWikang InglesBatas militarHinuhaImplasyon (presyo)Pananakit ng bayagMonopolyoGaroteReperendoEl filibusterismoDistornilyadorBatas Republika Bilang 9165 ng PilipinasNazismoUnang PahinaPulisyaGregoria de JesusTransportasyon sa PilipinasKagawaran ng Tanggulang Bansa (Pilipinas)Kasunduan sa VersaillesIkalawang Digmaang PandaigdigOryentasyong seksuwalSi Tandang Bacio MacunatPistaTeknolohiyaAlkoholismoPamamanhikanKalayaanAung San Suu KyiImperyalismo🡆 More