Antipolo: Lungsod ng Pilipinas at kabisera ng lalawigan ng Rizal

Ang Antipolo (pagbigkas: án•ti•pó•lo) ay isang lungsod at kabisera ng lalawigan ng Rizal, Pilipinas.

Ito ay matatagpuan 25 km sa silangan ng Maynila. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 887,399 sa may 208,324 na kabahayan. Ito ang pinakamataong lungsod sa Luzon sa labas ng Kalakhang Maynila at ika-pito naman sa buong bansa.

Antipolo

Lungsod ng Antipolo
City of Antipolo
Antipolo: Heograpiya, Pamahalaan, Demograpiko
Opisyal na sagisag ng Antipolo
Sagisag
Mapa ng Rizal na nagpapakita ng lokasyon ng Lungsod ng Antipolo.
Mapa ng Rizal na nagpapakita ng lokasyon ng Lungsod ng Antipolo.
Antipolo is located in Pilipinas
Antipolo
Antipolo
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°35′03″N 121°10′35″E / 14.584244°N 121.176289°E / 14.584244; 121.176289
BansaAntipolo: Heograpiya, Pamahalaan, Demograpiko Pilipinas
RehiyonCalabarzon (Rehiyong IV-A)
LalawiganRizal
DistritoUna hanggang pangalawang Distrito ng Antipolo
Mga barangay16 (alamin)
Pagkatatag1650, 4 Abril 1998
Ganap na Lungsod4 Abril 1998
Pamahalaan
 • Punong LungsodAndrea "Andeng" Bautista-Ynares
 • Manghalalal471,250 botante (2022)
Lawak
 • Kabuuan306.10 km2 (118.19 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan887,399
 • Kapal2,900/km2 (7,500/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
208,324
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng lungsod
 • Antas ng kahirapan5.38% (2018)
 • Kita₱3,922,819,294.67 (2020)
 • Aset₱14,231,551,976.41 (2020)
 • Pananagutan₱4,078,415,966.83 (2020)
 • Paggasta₱2,684,473,970.23 (2020)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigong Pangsulat
1870
PSGC
045802000
Kodigong pantawag2
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikaWikang Remontado Agta
wikang Tagalog
Websaytantipolo.ph

Sa ilalim ng Batas Republika Blg. 8508, naging kabahaging lungsod ng Rizal ang Antipolo noong 4 Abril 1998 mula sa pagiging isang bayan ng naturang lalawigan. Pinasinayaan ang bagong kapitolyo ng Rizal sa lungsod noong Marso 2009, upang palitan ang kapitolyo nito sa Pasig na matagal nang nasa labas ng hurisdiksiyon ng lalawigan mula pa noong 1975 nang maging bahagi ng Kalakhang Maynila ang Pasig. Sa paglipat ng kapitolyo sa Antipolo, napipisil itong hirangin bilang bagong kabisera ng lalawigan. Ipinroklama bilang isang lubos na urbanisadong lungsod ni Pangulong Benigno Aquino III ang Antipolo noong 14 Marso 2011, ngunit ipinagpaliban sa 'di pa tiyak na panahon ang plebisito upang magkabisa ang nasabing proklamasyon.

Marahil na rin sa katanyagan ng Antipolo sa mga manlalakbay kaya't ipinakikilala ito bilang "Kabisera ng Paglalakbay sa Pilipinas". Ang imahen ng Mahal na Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay o Birhen ng Antipolo na nagbuhat pa sa Mexico noong 1626 at idinambana sa Simbahan ng Antipolo ay patuloy na dinadayo ng mga Pilipinong Katoliko mula pa noong panahon ng mga Espanyol. Isa sa mga nakagawian ng mga milyun-milyong manlalakbay sa dambana ng Birhen ng Antipolo ay ang paglahok sa taunang "Alay Lakad" na ginaganap tuwing bisperas ng Biyernes Santo at Mayo 1. Kung saan magmula sa Simbahan ng Quiapo, kasunod ng ipinuprusisyong imahen ng Birhen ng Antipolo, at iba't-ibang bayan ng Rizal at Kalakhang Maynila ang mga deboto ay naglalakad lamang patungo sa Simbahan ng Antipolo. Nakagawian rin na ipinapabendisyon ang mga bagong sasakyan sa simbahan, sa paniwalang ito'y magbibigay proteksiyon at kaligtasan sa sasakyan at sa mga sasakay rito.

Ang mas mataas na kinatatayuan ng lungsod kumpara sa Kalakhang Maynila ay nagbibigay rito ng magandang tanawin ng Kamaynilaan, lalo na tuwing gabi. Popular sa mga dayo ang lokal na mangga, kasoy at suman. Ang dating sikat na Hinulugan Taktak, na dati-rati'y isa sa mga pangunahing dinarayo tuwing tag-init, ay pinagaganda upang muling maging isa sa mga pangunahing atraksiyon ng lungsod.

Heograpiya

Sakop ng Antipolo ang buong kalaparan ng gitnang bahagi ng Rizal. Ito'y nasa paanan ng Sierra Madre kung kaya't malaking bahagi ng lungsod ay bulubundukin na may karaniwang taas na 150 metro.

Pamahalaan

Gaya ng iba pang mga lungsod sa Pilipinas, ang balangkas ng pamahalaan ng Antipolo ay nakabatay sa Kodigo ng Pamahalaang Lokal ng 1991 at ipinag-ibayo pa ng Batas Republika Blg. 8508, ang kartang nagsalungsod dito. Sa ilalim ng Kodigo ng Pamahalaang Lokal, ito ay pinamumunuan ng isang alkalde o punong lungsod, bilang punong ehekutibo ng lungsod na siyang nangangasiwa sa iba't-ibang tanggapang pampangasiwaan ng lungsod.

Ang bise alkalde naman ay naninilbihan bilang tagapangulo ng Sangguniang Panlungsod, at bumuboto lamang sa tuwing kinakailangang basagin ang patas na boto ng sanggunian. Ang bise alkalde rin ang hinihirang na punong lungsod, kapag ito'y nabakante.

Ang mga halal na opisyal ng Antipolo, gaya ng iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan sa buong Pilipinas ay may termino ng tatlong taon na nagsisimula tuwing Hunyo 30 pagkalipas ng halalan, at nagtatapos naman sa Hunyo 30 ng ikatlong taon. Sila ay maaaring mahalal ng di-lalagpas sa tatlong magkakasunod na termino.

Barangay

Antipolo: Heograpiya, Pamahalaan, Demograpiko 
Mapang pampolitika ng Antipolo

Ang lungsod ng Antipolo ay nahahati sa 16 barangay.

Barangay Itinatag Lawak (ha.)
Populasyon
(2000)
Kapal
Tao/ha
Bagong Nayon 1984 301.34 33,787 112.12
Beverly Hills 1984 28.76 1,973 68.60
Calawis 1591 5,581.12 2,510 0.45
Cupang 1591 1,568.23 56,131 35.79
Dalig 1984 406.48 31,109 76.53
Dela Paz (Pob.) 1591 597.99 45,185 75.56
Inarawan 1984 959.9 11,040 11.50
Mambugan 1591 368.21 31,305 85.02
Mayamot 1591 540.74 40,784 75.42
Muntindilaw 1984 473.11 7,922 16.74
San Isidro (Pob.) 1591 479.7 39,242 81.81
San Jose (Pob.) 1591 13,787.77 55,136 4.00
San Juan 1984 3,327.69 5,583 1.68
San Luis 1984 502.99 37,667 74.89
San Roque (Pob.) 1591 723.25 36,431 50.37
Santa Cruz 1984 725.52 35,061 48.33

Mga Punong-bayan / Punong-lungsod


Punong-bayan / Punong-lungsod In office

Valentin Sumulong 1901–1904
Tranquilino Oldan 1904–1907
Severino Oliveros 1907–1909
Francisco Dimanlig 1909–1911
Ambrocio Masangkay 1912–1914
Roberto de Jesus 1914–1916
Federico Asuncion 1916–1918
Sixto Pedracio 1916–1918
Cornelio Lawis 1918–1920
Jose Carigma 1920–1926
Marcelino Santos 1927–1931
Pascual Oliveros 1931–1944
Marcelino Santos 1945–1946
Isaias Tapales 1946–1964
Francisco de Jesus 1964–1967
Jose R. Oliveros 1968–1986
Felix Mariñas 1986–1988
Daniel Garcia 1988–1998
Angelito C. Gatlabayan 1998–2007
Victor R. Sumulong 2007–2009
Danilo O. Leyble 2009–2013
Casimiro A. Ynares III 2013–2019
Andrea B. Ynares 2019–kasalukuyan

Demograpiko

Senso ng populasyon ng
Antipolo
TaonPop.±% p.a.
1903 3,286—    
1918 6,076+4.18%
1939 6,135+0.05%
1948 7,604+2.41%
1960 21,598+9.09%
1970 26,508+2.07%
1975 40,944+9.11%
1980 68,912+10.97%
1990 205,096+11.53%
1995 345,512+10.27%
2000 470,866+6.86%
2007 633,971+4.19%
2010 677,741+2.46%
2015 776,386+2.62%
2020 887,399+2.66%
Sanggunian: PSA


Mga sanggunian

Mga Kawing Panlabas

Tags:

Antipolo HeograpiyaAntipolo PamahalaanAntipolo DemograpikoAntipolo Mga sanggunianAntipolo Mga Kawing PanlabasAntipoloKalakhang MaynilaLalawigan ng PilipinasLungsodLuzonMaynilaPilipinasRizal

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Aung San Suu KyiTrangkasoTalaan ng mga bagyo sa PilipinasIndustriyalisasyonKalabawPalakasanParusang kamatayanLa Ilustración FilipinaMaikling kuwentoAng Pagong at ang MatsingPanaguriMga HudyoPanatang MakabayanKuomintangKapatid sa kasalMalaysiaSakit sa ibaba ng likodRobin PadillaKalayaan sa pananalitaAltapresyonSagisag ng Republika ng PilipinasPamamaraang parlamentaryoAgusan del SurKalayaan ng mga mamamahayagEspanyaNueva EcijaTransportasyon sa PilipinasBagong Hukbong BayanAntipoloCOVID-19KasingkahuluganJoseph EstradaJosefa Llanes EscodaBataanMga rehiyon ng PilipinasSalawikainKasanayanSanggunianMyanmarHiroshima Peace MemorialIndioPamilihanTimog KoreaHentaiPropesyonKatauhang pangkasarianKapulungan ng mga Kinatawan ng PilipinasValenzuelaTag-ulanBulkang TaalBundokFrancisco BalagtasTaiwanHIVBodabilFranklin D. RooseveltEutanasyaGaroteFernando de MagallanesPagduduwalAsyaTag-initTamod (paglilinaw)BoracayAspinSimboloWatawat ng PilipinasMaynilaKapaligiranAlak-alakanLambak ng CagayanLa Liga FilipinaPinyaBantasEhekutibong sangayWikang TagalogKumpilQuezon🡆 More