Benigno Aquino Iii: Ika-15 Na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (2010-2016)

Si Benigno Simeon Cojuangco Aquino III (Pebrero 8, 1960 – Hunyo 24, 2021) higit na kilalá sa paláyaw na Noynoy Aquino o sa tawag na P-Noy, ay Pilipinong politiko na naglingkod bilang ika-15 pangulo ng Pilipinas mula 2010 hanggang 2016.

Kagalang-galang

Benigno Simeon Aquino III
Benigno Aquino Iii: Talambuhay, Pangulo ng Pilipinas (2010–2016), Personal na búhay
Ika-15 Pangulo ng Pilipinas
Ikalimang Pangulo ng Ikalimang Republika
Nasa puwesto
30 Hunyo 2010 – 30 Hunyo 2016
Pangalawang PanguloJejomar Binay
Nakaraang sinundanGloria Macapagal-Arroyo
Sinundan niRodrigo Duterte
Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal
Nasa puwesto
30 Hunyo 2010 – 9 Hulyo 2010
Nakaraang sinundanRonaldo Puno
Sinundan niJesse Robredo
Senador ng Pilipinas
Nasa puwesto
30 Hunyo 2007 – 30 Hunyo 2010
Kinatawan ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula sa Ikalawang Distrito ng Tarlac
Nasa puwesto
30 Hunyo 1998 – 30 Hunyo 2007
Nakaraang sinundanJose Yap
Sinundan niJose Yap
Pansariling detalye
IpinanganakPebrero 8, 1960
Maynila, Pilipinas
NamatayHunyo 24, 2021 (edad 61)
Quezon City, Pilipinas
KabansaanPilipino
Partidong pampolitikaPartido Liberal (1998–2021)
RelasyonBenigno Aquino, Jr. (Ama)
Corazon Aquino (Ina)
Maria Elena "Ballsy" Cruz (Ate)
Aurora Corazon "Pinky" Abellada (Ate)
Victoria Eliza "Viel" Dee (Nakabatang Kapatid)
Kristina Bernadette "Kris" Yap (Bunsong Kapatid)
Alma materPamantasang Ateneo de Manila
TrabahoEkonomista, Politiko
PropesyonEkonomista, Serbisyo sibil
Websitiowww.noynoy.ph/

Talambuhay

Ipinanganak sa Maynila, natapos ni Aquino ang kaniyang Batsilyer sa Sining na Dalubhasa sa Ekonomiks mula sa Pamantasang Ateneo de Manila noong 1981, at sumáma sa kaniyang pamilya nang ipatapon ng pamahalaang Marcos ang mga ito sa Estados Unidos. Bumalik siya sa Pilipinas noong 1983 pagkatapos ang pagpaslang sa kaniyang ama at humawak ng ilang mga posisyon sa pribadong sektor. Noong 1998, nahalal siya bílang Kinatawan ng ika-2 Distrito ng lalawigan ng Tarlac.

Siya ang ikaapat na henerasyon ng mga politiko sa kanilang pamilya: ang kaniyang lolo sa tuhod, si Servillano "Mianong" Aquino, ay naglingkod bílang delegado sa Kapulungan ng Malolos; ang kaniyang lolo, si Benigno Aquino, Sr., ay naglingkod bílang Tagapagsalita ng Mababang Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula noong 1943 hanggang 1944; at ang kanyang mga magulang na sina dating Pangulong Corazon Aquino at Senador Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. Kasapi si Aquino ng Partido Liberal ng Pilipinas.

Si Aquino ang kauna-unahang pangulo ng Pilipinas na binata at wala pang anak. Dáting kasintahan ni Aquino si Shalani Soledad, isang konsehal sa lungsod ng Valenzuela at pamangkin ni dating senador Francisco Tatad. Noong Nobyembre 2010, kinumpirma ni Aquino na naghiwalay na sila ni Soledad. Dati niya ring sinuyo si Korina Sanchez, Bernadette Sembrano, at Liz Uy.

Kongreso

Kinatawan

Si Aquino ay nahalal sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas noong 1998 bílang kinatawan ng ikalawang distrito ng Tarlac. Siya ay muling nahalal noong 2001 at 2004 at nagsilbing kinatawan hanggang 2007. Dahil sa limitasyon ng termino, hindi na siya makakatakbong muli sa halalan ng kinatawan.

Senador

Si Aquino ay tumakbo at nahalal sa Senado noong 2007. Siya ang ikaanim na pinakamataas na nakuhang boto sa mga 37 kandidato para sa 12 bakanteng upuan ng senado.

Pangulo ng Pilipinas (2010–2016)

Pagkatapos ng kamatayan ng kaniyang inang si Corazon Aquino noong 1 Agosto 2009, maraming mga tao ang tumawag kay Noynoy upang tumakbo sa halalan ng pagkapangulo kabílang ang Noynoy Aquino for President Movement (NAPM) na kampanya sa buong bansa upang lumikom ng 1 milyong lagda upang hikayatin si Aquino na tumakbo sa halalan ng pagkapangulo. Bago nito noong 26 Nobyembre 2008, hinalal ng partido Liberal si Mar Roxas bilang pangulo ng partido at standard-bearer ng partido para sa halalan ng pagkapangulo sa darating na 2010 halalan ng pagkapangulo. Dahil sa malakas na pagsuporta kay Noynoy bílang kandidato ng partido Liberal para sa pagkapangulo, inihayag ni Mar Roxas noong 1 Setyembre 2009 na aatras na siya bílang kandidato ng pagkapangulo ng partido at inihayag ang kaniyang suporta sa pagtakbo ni Noynoy.

Tumakbo at nagwagi si Aquino sa halalang Pagkapangulo noong 2010 at nakakuha ng 15,208,678 na boto. Noong 9 Hunyo 2010, naiproklama na si Noynoy bílang Pangulo ng Pilipinas kasáma si Jejomar Binay bílang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Sila ay naiproklama sa Batasang Pambansa, Quezon City, Kongreso ng Pilipinas.

Ekonomiya

Sa ilalim ng pamumuno ni Noynoy Aquino, ang rate ng paglago ng GDP ng Pilipinas noong 2012 ay 6.8 porsiyento na sinasabing ikalawang pinakamataas sa Asya. Ang Fitch Ratings ay nagtaas ng Pilipinas sa "BBB-" with a stable outlook na unang pagkakataong ang Pilipinas ay nakatanggap ng gayong katayuan ng grado ng pamumuhunan sa Pilipinas. Itinaas din ng World Economic Forum ang Pilipinas sa 10 punto sa itaas na kalahati ng ranggong pagiging kompetetibo nitong pandaigdigan sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang mga pagbuti sa ekonomiya ay sinasabing sanhi ng mga hakbang na isinasagawa ni Noynoy upang pataasin ang pagiging bukás ng pamahalaan at sugpuin ang korapsiyon na muling nagbigay ng pagtitiwalang internasyonal sa ekonomiya ng Pilipinas. Gayunpaman, sinasabing ang mga mayayamang pamilya lámang ang nakinabang at nakikinabang sa pagbuti ng ekonomiya. Ang pagiging hindi pantay ng sahod sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap sa Pilipinas ay nananatiling mataas. Noong 2012, isinaad ng Forbes Asia na ang magkakasámang kayamanan ng 40 pinakamayamang pamilya sa Pilipinas ay lumago ng $13 bilyong dolyar noong 2010 hanggang 2011 sa $47.4 bilyon na pagtaas na 37.9 porsiyento. Ang pagtaas sa kayamanan ng mga pamilyang ito ay katumbas ng 76.5 bahagdan ng kabuuang pagtaas ng GDP ng Pilipinas sa panahong ito. Ang hindi pantay na sahod ng mga mamamayang Pilipino ang pinakamataas sa Asya. Sa Thailand, ang kayamanan ng 40 mga mayayamang pamilya ay tumaas lamang ng 25 porsiyento sa 2012 samantalang sa Malaysia ay 3.7 porsiyento at sa Hapon ay 2.8 porsiyento lamang.

Noong 2013, ang rate ng paglago ng GDP ay 7.2 porsiyento mula 6.8 posiyento noong 2012 na ang pinakamalakas na dalawang taon ng paglago ng ekonomiya ng Pilipinas mula noong 1950. Ayon sa SWS Poll, ang kawalang trabaho sa Pilipinas ay tumaas mula 21.7 porsiyento (9.6 milyong katao) noong Setyembre 2013 sa 27.5 porsiyento (12.1 milyong katao) noong Disyembre 2013.

Personal na búhay

Si Aquino ay naging kauna-unahang pangulo ng Pilipinas na binata at wala pang anak. Dáting kasintahan ni Aquino si Shalani Soledad, isang konsehal sa lungsod ng Valenzuela at pamangkin ni dáting senador Francisco Tatad. Noong Nobyembre 2010, kinumpirma ni Aquino na naghiwalay na sila ni Soledad. Dati niya ring sinuyo si Korina Sanchez, Bernadette Sembrano, Grace Lee at Liz Uy.

Mahilig si Aquino sa pamamaril (shooting) at bilyar, subalit sa kasalukuyan, ang paglalaro ng mga video game ang kanyang nagiging libangan dahil hindi na niya magawa ang dati niyang mga libangan. Mahilig siya sa kasaysayan, at mahilig makinig ng mga musika. Hindi umiinom ng mga alak si Aquino, subalit siya ay naninigarilyo, at umaming nakauubos siya ng hanggang sa tatlong pakete ng sigarilyo sa isang araw. Noong kampanya para sa pagkapangulo, ipinangako niya na ititigil niya ang paninigarilyo kapag siya ay nanalo sa halalan. Subalit, napagpasiyahan niyang hindi niya ititigil ang paninigarilyo, at sinabing maninigarilyo lang siya sa "tamang" panahon.

Sakit at kamatayan

seSpekulasyon tungkol sa kalusugan ni Aquino ay nagsimulang kumalat sa Agosto 2019, noong hindi siya nakadalo sa 36th anibersaryo ng pagpatay sa kanyang ama. Subalit ang kanyang tagapagsalita, si Abigail Valte, ay nagsabi na "hindi naman seryoso ang kanyang sakit". Sa Nobyembre 2019, naiulat na may pneumonia si Aquino.

Si Aquino ay na-conpina sa Makati Medical Center noong Disyembre 2019 para sa pagrerepasong ehekutibo. Na-conpina siya sa ICU, pero ayon sa kaniyang tagapagsalita, hindi naman siya'y nasa kondisyong kritikal at ang kaayusang iyon ay para limitado ang kaniyang mga bisita. Kalaunan ay sinabi ni Senador Francis Pangilinan na ang pag-konpinya sa kanya ay dahil sa sakit sa bato. Dinagdag ni Pangilinan na si Aquino ay apektado rin ng hypertension at diabetes. Mula noon, regular na nagpaparepaso siya para sa pagpanatili ng kanyang kalusugan.

Sa maagang oras ng Hunyo 24, 2021, nakita si Aquino ng kanyang kasambahay sa kanyang recliner na walang malay sa kanyang bahay sa West Triangle, Lungsod Quezon. Agad siyang pinadala ng ambulansiya papunta sa Capitol Medical Center ng Diliman, kung saan siyang namatay, alas 6:30 ng umagang iyon. (PHT), Ang idineklarang sanhi ng pagkamatay ay renal disease (sakit sa bato). Ayon sa kanyang personal na tsuper, magpapa-dialysis sana siya noong on Hunyo 21, pero tumanggi siya dahil ang kanyang katawan ay "mahina na". Isa pang dialysis ay initakda isang araw bago sa kanyang kamatayan, pero tumanggi ulit si Aquino again dahil sa parehong dahilan Ang dating sekretarya ng gawaing-bayan ni Aquino, Rogelio Singson, ay sinabi na meron syang itinakdang angioplasty para makahanda sa isang paglipat ng bato (kidney transplantation).

Ang kanyang labi ay pinakrema sa huling oras ng araw. May misa na nangyari sa Pamantasang Ateneo de Manila, ang kanyang alma mater, noong Hunyo 25. Nakatakda siyang ilibing sa Manila Memorial Park sa Parañaque katabi ng kanyang magulang sa Hunyo 26. Ilang oras pagkatapos ng anunsiyo tungkol sa kanyang kamatayan, si Pangulong Rodrigo Duterte ay nagdeklara ng sampung araw ng "pambansang pagluluksa" para sa kanyang kamatayan mula Hunyo 24 hanggang Hulyo 3, 2021. Dineklara din niya na lahat ng pambansang watawat ay ililipad sa half-mast bilang tanda ng pagluluksa.

Mga sanggunian

Mga kanunu-nunuan

Tags:

Benigno Aquino Iii TalambuhayBenigno Aquino Iii Pangulo ng Pilipinas (2010–2016)Benigno Aquino Iii Personal na búhayBenigno Aquino Iii Sakit at kamatayanBenigno Aquino Iii Mga sanggunianBenigno Aquino Iii Mga kanunu-nunuanBenigno Aquino Iii19602021Hunyo 24Pangulo ng PilipinasPebrero 8

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

KonstruksiyonPag-ibigKasuotanCaloocanPandemya ng COVID-19Pananakit ng bayagLope K. SantosKawanggawaPantayong pananawKasaysayan ng Pilipinas (1565–1898)COVID-19PalaySalagubangTawag ng TanghalanKagawaran ng Tanggulang Bansa (Pilipinas)KabiteSangguniang BarangayPangunang lunasMuscatAnak (pelikula)Gavrilo PrincipTalaan ng mga sakuna sa PilipinasIskwalang panubokJoseph EstradaHimala (pelikula)Kronolohiya ng kasaysayan ng PilipinasSasakyang panghimpapawidCarlos María de la TorreAklatProduksiyon ng bigas sa PilipinasBantasAnne CurtisPilipinoKanal SuezDindo FernandoJosé de la CruzAhasWoodrow WilsonLihamUpuanPartido Liberal (Pilipinas)KabiseraPusaTanayKomisyon sa HalalanSitawMunisipalidadSaligang Batas ng PilipinasTeoryaPang-abayPighatiIlustradoJaime L. SinHatirang pangmadlaMga wika sa PilipinasTalaan ng mga kabanata sa Noli Me TangereNoli Me Tángere (nobela)BalisawsawHaponAmpalayaRelihiyonKasaysayan ng Pilipinas (1898–1946)MapaBela PadillaPaglilimbagListahan ng mga aktibong bulkan sa PilipinasKomedyaMagsasakaKagawaran ng Paggawa at EmpleoLian, BatangasKikilKudetaTala ng mga bansa ayon sa sistema ng pamahalaanSerbesaKumpisalKatarunganBulkang MayonPaglilingkod sa pamayanan🡆 More