Ang mapa ay ang paglalarawan ng kalawakan gamit ang mga simbulo at pinapahiwatig ang kaugnayan ng bawat bagay, rehiyon at tema ng nasasaad na kalawakan.
Kadalasan ang mapa ay isang dalawang-dimensiyong modelo ng isang tatlong-dimensiyong kalawakan. Ngunit dahil sa mga kompyuter at mga kalipunan ng dato na siyang nagpalawig ng pagsulong ng Mga Sistema ng Heograpikong Impormasyon (Geographic Information Systems o GIS), nagagawa na ring nasa tunay na panahon at dinamiko o masigla ang paggalaw ng datos na heograpikal. Ito ay nakaguhit sa isang lapat na papel na may sukat na depende sa laki ng mapa. Ang mga elemento ng isang mapa ay ang mga sumusunod: iskala (scale), legend, pangalan ng lugar/mapa, direksiyon (north arrow), may akda ng mapa o kartograper, klase ng projection at petsa kung kailan ito ginawa at nilimbag.
Ang mapa ay ginagamit sa paglalahad ng anumang lokal na pag-aari ng buong mundo o parte nito. Puwede rin siyang gamitin upang ilahad ang anumang pamamagitan, tulad ng utak o kalawakan sa labas ng mundo. Ang mapa rin ay larawan ng isang lugar na nagpapakita ng direksiyon.
May iba't ibang uri ng mapa. Ang bawat isa ay may gamit at kahalagahan. Ito ay ang mga sumusunod:
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wiki sa pagpapalawig nito.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Mapa, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.