Aso: Alagang hayop

Ang aso (Ingles: Dog ; Canis lupus familiaris) ay isang uri ng wangis-aso (canine), isang uri ng mamalya sa orden ng Carnivora.

Ang salitang ito ay nabibilangan ng parehong mga lagalag (feral) at mga domestikadong uri, ngunit kadalasang hindi sinasama ang canids tulad ng mga lobo. Ang mga demostikong aso ay isa sa mga pinakamaraming hayop na inaalagaan sa kasaysayan ng tao. Naging kontrobersiyal ang mga aso dahil ito ay isa ring pinagkukunan ng pagkain ng ilang kultura na kinokontra ng mga aktibistang pang-hayop.

Domestikong aso
Temporal na saklaw: 0.015–0 Ma
Pleistoseno – Kamakailan
Aso: Pinagmulan ng aso, Katangian, Tingnan din
Katayuan ng pagpapanatili
Domesticated
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
Subespesye:
C. l. familiaris
Pangalang trinomial
Canis lupus familiaris
Kasingkahulugan

Maraming naitutulong ang mga aso sa mga tao. Ginagamit ng mga pulis at ng mga gwardya ang aso dahil matalas ang pang-amoy nito at pwede itong makaamoy ng mga bomba, mga pinagbabawal na droga at iba pa. Ginagamit din ang mga aso sa pangangaso at sa pagbabantay.

Ang aso ay isa ring popular at sikat na alaga at pwede rin itong gamitin para magpasaya ng mga tao sa telebisyon at sa mga palabas, sa perya at sa mga sirkus at sa iba pa. Tinutulungan din ng mga aso ang mga taong may kapansanan lalo na ang mga bulag. Ang asong Dalmatian ay sikat na sikat dahil nakakatulong ito sa mga bumbero at marami ding mga lahi ng aso ang sikat katulad ng Golden Retriever, German Shepherd, Belgian Malinois, Doberman Pinscher, Chihuahua at Labrador Retriever. Mayroong tinatayang mga lagpas 800 na milyong mga aso sa mundo.

Pinagmulan ng aso

Aso: Pinagmulan ng aso, Katangian, Tingnan din 
Isang lobong gray na ninuno ng mga domestikadong aso.

Ang kasalukuyang lipi ng mga aso ay dinomestika mula sa mga lobong gray (gray wolf). Ayon kay Carles Vilà na nagsagawa ng pinaka-malawak na pag-aaral sa kasalukuyan, ang ebidensiya ng DNA ay nagpapakita na walang ibang ninuno ang mga aso maliban sa mga lobo. Sinuri ng pangkat ni Vilà ang 162 iba ibang mga halimbawa ng DNA ng lobo mula sa 27 populasyon sa Europa, Asya at Hilagang Amerika. Ang mga resultang ito ay kinumpara sa DNA mula sa 140 indibidwal na aso mula sa 67 breed na tinipon sa buong mundo. Gamit ang mga sampol ng dugo o buhok, ang DNA ay kinuha at ang distansiyang henetika para sa mitokondriyal na DNA ay tinantiya sa pagitan ng mga indibidwal. Ang mga lobong gray ang pinakamalapit na kamag-anak ng mga aso. Ang diberhensiyang henetika sa pagitan ng mga lobong gray at aso ay 1.8% lamang salungat sa higit sa 4% sa pagitan ng mga lobong gray, mga lobong Etiopiyano at mga coyote.

Ang mga paghahambing na pag-aaral sa anatomiya at pag-aasal ng mga aso at lobo ay nagpapakita na ang pisiolohiya at karamihan ng pag-aasal ng aso ay katulad ng mga batang lobo na isang halimbawa ng neoteniya at pedomorpismo. Bagaman ang mga labi ng mga domestikadong aso ay natagpuan sa Siberia at Belgium mula sa mga 33,000 taon ang nakalilipas, wala sa mga liping ito ay nakapagpatuloy sa huling pang-yelong maksimum. Ang pagsubok na DNA na mitokondriyal ay nagmumungkahing ng isang paghihiwalay na ebolusyonaryo sa pagitan ng mga aso at mga lobo mga 100,000 taon ang nakalilipas.

Bagaman ang ebidensiya ng fossil para sa mga aso ay malaking nabawasan ng higit sa 14,000 taon ang nakalilipas at nagwawakas ng 33,000 taon ang nakalilipas, may mga fossil ng mga buto ng lobo na nauugnay sa mga sinaunang tao ng higit sa 100,000 taon ang nakalilipas.

Ang mga pinakaunang mga fossil ng mga karnibora na maiiuugnay ng may ilang katiyakan sa mga canid (na kinabibilangan ng mga lobo, fox, at mga aso) ang mga hayop na Miacid na lumitaw sa panahong Eoseno mga 56 hanggang 38 milyong taon ang nakalilipas. Mula sa mga miacid ay nag-ebolb ang mga karniborang tulad ng pusa (Feloidea) at tulad ng aso (Canoidea). Ang linyang canoid ay tumungo mula sa hayop na may sukat ng coyote na tinatawag na Mesocyon na lumitaw sa panahong Oligoseno 38 hanggang 24 milyong taon ang nakalilipas tungo sa tulad ng fox na hayop na Leptocyon at tulad ng lobo hayop na Tomarctus na gumala sa Hilagang Amerika mga 10 milyong taon ang nakalilipas.

Ang hayop na Canis lepophagus na isang may makitid na bungo na canid sa Hilagang Amerika na lumitaw sa panahong Mioseno ay tumungo sa mga unang tunay na lobo sa wakas ng Yugtong Hilagang Amerikano na Blancan gaya ng Canis priscolatrans na nag-ebolb sa Canis etruscus at pagkatapos ay sa Canis mosbachensis. Ang Canis mosbachensis ay nag-ebolb naman sa mga lobong gray(Canis lupus) na nauna sa mga domestikadong aso. Mula sa lobong gray na ito ay dinomestika ang mga domestikadong aso.

Katangian

Pandama

Aso: Pinagmulan ng aso, Katangian, Tingnan din 
Magkaibigang tao at aso
Aso: Pinagmulan ng aso, Katangian, Tingnan din 
Isang asong masigla

Nakikita ng mga aso ang kulay na dilaw, bughaw, at gray. Ang kulay pula na nakikita ng tao ay dilaw sa persepsyon ng aso at ang kulay luntian na nakikita ng tao ay kulay white. Naririnig ng mga aso ang mga tunog na nasa loob ng 16Hz-40Hz hanggang 45000-60000Hz na higit pa sa kakayanan ng mga tao. Mas malayo nang 4 beses kaysa sa tao ang kayang marinig ng mga aso. Mas marami nang 40 beses kaysa sa tao ang reseptor pang-amoy ng aso.

Inaasahang hangganan ng buhay

Aso: Pinagmulan ng aso, Katangian, Tingnan din 
Isang ordinaryong tuta

Ang iba't ibang breed ng aso ay may iba't ibang karaniwang haba ng buhay. 10-14 na taon ang madalas na tagal ng buhay ng isang aso.

Breed Tagal
Chichuahua 15
Siberian Husky 13.5
Shih Tzu 13.4
Labrador Retriever 12.6
German Shepherd 10.3

Tingnan din

Mga sanggunian

Tags:

Aso Pinagmulan ng asoAso KatangianAso Tingnan dinAso Mga sanggunianAso

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

MIMAROPAPanahon ng KaliwanaganKasaysayan ng MaynilaLihamBatisArtikuloAti-AtihanKatauhang pangkasarianTahananKatas ng pukePamilihanJudy Ann SantosSenakuloYungibJosephine BrackenReporma sa lupaKanser sa susoMakatiPangako Sa 'YoRelihiyon sa PilipinasPolitikaTalaan ng mga Kabanata sa Noli Me TangerePag-ibigTalabaBekeIglesia ni CristoPambansang Alagad ng Sining ng PilipinasEspanyaFacebookAlmuranasIkalawang Digmaang PandaigdigPag-aaklas sa Kabite ng 1872Likas na yamanKidapawanSalawikainTransportasyon sa PilipinasTukoKaugaliang PilipinoBarangayTsartUlapSandatahang Lakas ng PilipinasTanauanMoro National Liberation FrontLiyabeCalabarzonManugangAnayKaibiganKatipunanPangatnigMapaLualhati BautistaEDSAPatakarang bukas na pintoEspiritwalidadGubatBahagi ng pananalitaNueva EcijaSanaysayUbong-dalahitPagpapalayokSalapiFernando de MagallanesBacolodTuboSelosKikilWinston ChurchillSigarilyoKampanya laban sa iligal na droga sa PilipinasJoseph StalinMedidaRespetoPandemya ng COVID-19MarxismoPhilippine Human Rights Information CenterPangulo ng Estados UnidosGrin Department🡆 More