Ang anay (Ingles: termite) ay mga insektong eusosyal na inuuri sa taksonomikong ranggo ng impraorden na Isoptera o sa alternatibo bilang epipamilyang Termitoidae sa loob ng orden na Blattodea kasama ng mga ipis.
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang mga anay ay minsang inuri bilang hiwalay na orden mula sa ipis ngunit ang kamakailang mga pag-aaral na pilohenetiko ay nagpapakitang sila ay nag-ebolb mula sa mga ipis dahil sila ay malalim na nakapaloob sa loob ng pangkat na ito at kapatid na pangkat ng mga ipis na kumakain ng kahoy ng genus na Cryptocercus. Ang mga nakaraang pagtatantiya ay nagmungkahi na ang paghihiwalay mula sa ipis ay nangyari sa panahong Hurasiko o Triasiko. Ang mga mas kamakailang pag-aaral ay nagmumungkahing sila ay lumitaw noong panahong Hurasiko at ang mga unang record ng fossil ay noong maagang Kretaseyoso. Ang mga 3,100 espesye ay kasalukuyang inilarawa at may ilang daang hindi pa nailalarawan. Bagaman ang mga ito ay minsang tinatawag na "puting langgam", ang mga anay ay hindi mga langgam. Ang mga anay ay kumakain ng mga patay na materyal ng halaman, cellulose, mga kahoy o dumi ng hayop.
Anay | |
---|---|
Formosan subterranean termite (Coptotermes formosanus) Soldiers (red-coloured heads) Workers (pale-coloured heads) | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Arthropoda |
Hati: | Insecta |
Kohort: | Polyneoptera |
Superorden: | Dictyoptera |
Orden: | Blattodea |
Infraorden: | Isoptera Brullé, 1832 |
Families | |
† Cratomastotermitidae |
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kulisap ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wiki sa pagpapalawig nito.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Anay, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.