Pagpapalayok

Ang pagpapalayok ay isang proseso at ang mga produkto ng paghuhubog ng sisidlan at ibang bagay na may putik o luwad at ibang seramikong materyales, na inaapuyan sa mataas na temperatura upang mabuo ito ng matigas at matibay na anyo.

Pangunahing uri nito ang terakota, stoneware at porselana. Ginagawa ng mga magpapalayok ang mga kalakal sa lugar na tinatawag palayukan. Sa wikang Ingles, tinatawag itong pottery at ang depinisyon na ginagamit ng American Society for Testing and Materials (ASTM) ay "lahat ng pinaapoy na seramikong kalakal na naglalaman ng luwad kapag nabuo, maliban sa teknikal, estruktural, at repraktoryong mga produkto." Sa arkeolohiya, lalo na kung sinauna at bago ang kasaysayang panahon, kadalasang nangangahulugan ang pagpapalayok bilang ang sisidlan lamang, at ang mga pigura ng kaparehong materyal ay tinatawag na mga terakota". Parte ng mga materyales ang luwad na kailangan sa ilang depenisyon ng pagpapalayok, subalit ito ay walang katiyakan.

Pagpapalayok
Isang magpapalayok na gumagawa sa Morena, Indya

Isa ang pagpapalayok sa pinakamatandang imbensyon ng tao na nagmula bago ang panahong Neolitiko, na may seramikong bagay tulad ng kulturang Gravettian na may pugirin ni Venus ng Dolní Věstonice sa Republikong Tsek na tinatayang nagmula noong mga 29,000–25,000 BC, at mga sisidlang palayok na natuklasn sa Jiangxi, Tsina, na nagmula pa noong 18,000 BC. Noong Maagang Neolitiko at bago ang Neolitiko, nakita artepakto sa Jōmon, Hapon (10,500 BC), ang Rusong Malayong Silangan (14,000 BC), Sub-Saharang Aprika (9,400 BC), Timog Amerika (9,000-7,000 BC), at Gitnang Silangan (7,000-6,000 BC).

Kasaysayan

Sinaunang Panahon

Pagpapalayok 
Manunngul Jar, isang libingang tapayan na naiungkat sa Palawan.

Mayaman ang Pilipinas sa tradisyon ng pagpapalayok, makikita ito sa dami ng mga kagamitang seramiko at terakota na naiuungkat sa Hilagang Luzon, Isla ng Batanes, Palawan, Negros, at Tawi-Tawi. Iba't iba ang laki at kagamitan ng mga naihuhulmang produkto na nahanap. Karamihan sa unang mga produkto ng pagpapalayok ay ang tapayan o banga na ginamit bilang sisidlan, lutuan, imbakan para sa proseso ng pagbuburo (patis, suka) at libingan.

Malaki ang naging impluwensiya ng aktibong pakikipagkalakalan sa pagpapalayok ng Pilipinas at ng mga karatig nitong bansa. Ang mga palamuti at spindle whorls na nahanap sa kuweba ng Callao ay sinasabing gawa sa putik noong panahon ng Maagang Neolitiko ay sinasabing may impluwensiya ng kultura ng Fengpitou mula sa bansang Taiwan dahil sa pagkakagawa nito. 

Isa ang Bau-Malay complex sa naging katawagan sa estilo ng pagpapalayok ng kalakalan sa mga bansang Timog-Silangang Asya tulad ng Malaysia, Indonesia, Brunei at Pilipinas. Ang disenyong geometriko ng Bau-Malay ay binubuo ng mga hugis at maninipis na linya upang magbigay impresyon na hinabi o basket-marked ang naihulmang kagamitan.

Bago pa man dumating ang banyagang mananakop na nagbigay daan sa kalakalang Galyon, limitado ang pagtangkilik ng dayuhang kalakal tulad ng kagamitang porselana sa mga datu at mga maharlika sagisag ng kanilang estado sa lipunan. Kinikilala ang mga dayuhang kalakal na ito tulad ng pagpapalayok ng mga Tsino sa kanilang kulay na puti at asul. Malayo sa lokal na produktong pagpapalayok tulad ng bangang Rusun (Luzon) na magaspang at kulay kape o itim.

Pananakop ng Mga Espanyol

Sa pagdating ng mga Espanyol ay ang pagdating rin ng Galyeon. Ang mga Galyeon ng Manila ay kinilala sa pagpapadala ng mga kanais nais para sa mga Kanluranin na produktong Tsino papuntang Mehika. Dala ng pagbabagong ito ay ang napakalaking negatibong epekto di lamang sa ekonomiya ng Pilipinas at sa pagtatangkilik ng lokal na sining sa bansa.

Ngunit, hindi tuluyang nawala ang mga sining tulad ng pagpapalayok, paghahabi, at paguukit dahil sa paniniwala at pananalig ng mga Katolikong Espanyol sa kanilang mga rebulto at mga santo. Nalimit ang larangan ng pagpapalayok sa simbahan at pang-relihiyosong dahilan sa mga sumusunod na taon bago ang ika-19 na siglo. Sa pagyaman ng mga ilustrado o mga Filipino na may kaya noong ika-19 na siglo ay ang pagsikat muli ng sekular na pagtangkilik sa pagpapalayok.

Mga sanggunian

Tags:

Pagpapalayok KasaysayanPagpapalayok Mga sanggunianPagpapalayokArkeolohiyaLuwadPutikWikang Ingles

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Wikang FilipinoThailandPantigAltapresyonMga rehiyon ng PilipinasFernando AmorsoloGitnang LuzonLiksiKasunduan sa VersaillesKorupsiyon sa PilipinasApdoRodriguezSayawIlogAti-AtihanAng Pagong at ang MatsingBarong TagalogLimang Haligi ng IslamSakutingManuel RoxasDekada '70 (nobela)BatasAswangLapaySeksuwalidad ng taoKatarunganOrganisasyong di-pampamahalaanAnne CurtisLupang HinirangIskwalang panubokBiyenanGamugamoo1lcpBalagtasanTeleseryeTukoBadjaoAung San Suu KyiVicente FerrerReglaTag-initWikang InglesKaragatang Kanlurang PilipinasBughawJus sanguinisPampangaKasaysayanKudetaTubigBongbong MarcosIntramurosKonsuladoDamdaminNegosyoPanaboKalayaanHuling PaalamEutanasyaPropesyonMakataMilanPagmamanupakturaDinastiyang QingTalaan ng mga pulo ng PilipinasKarapatanEkonomiya ng PilipinasBastosPabulaAgilaSingaw (sakit)XXXTentacionTayutayGabi (gulay)Listahan ng mga aktibong bulkan sa PilipinasIndonesiaIlocosJacinto ZamoraPartidong pampolitikaMarikina🡆 More