Ang Filipino ay ang pambansang wika ng Pilipinas.
Itinalaga ang Filipino kasama ang Ingles, bilang isang opisyal na wika ng bansa. Isa itong pamantayang uri ng wikang Tagalog, isang pang-rehiyong wikang Austronesyo na malawak na sinasalita sa Pilipinas. Nasa 24 milyon katao o mga nasa sangkapat ng populasyon ng Pilipinas noong 2018 ang nagsasalita ng Tagalog bilang unang wika, habang nasa 45 milyong katao naman ang nagsasalita ng Tagalog bilang ikalawang wika sang-ayon noong 2013. Isa ang Tagalog sa185 mga wika sa Pilipinas na tinukoy sa Ethnologue. Sa pagka-opisyal, binibigyan kahulugan ang Filipino ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) bilang "ang katutubong diyalektong sinasalita at sinusulat, sa Kalakhang Maynila, ang Pambansang Rehiyong Kapital, at sa mga ibang sentrong urbano ng kapuluan." Noong 2000, higit sa 90% ng populasyon ang nakakapagsasalita ng Tagalog, tinatayang nasa 80% ang nakakapagsalita ng Filipino at 60% ang nakakapagsalita ng Ingles.
Filipino | |
---|---|
Wikang Filipino | |
Bigkas | [wɪˈkɐŋ ˌfiːliˈpiːno] |
Katutubo sa | Pilipinas |
Mga natibong tagapagsalita | 45 milyong tagapasalitang L2 (Tagalog) (2013) |
Latin (alpabetong Filipino) Filipinong Braille Baybayin | |
Opisyal na katayuan | |
Pilipinas ASEAN | |
Pinapamahalaan ng | Komisyon sa Wikang Filipino |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-2 | fil |
ISO 639-3 | fil |
Glottolog | fili1244 |
Linguasphere | 31-CKA-aa |
Mga bansa na may higit sa 500,000 tagapagsalita Mga bansa na may 100,000–500,000 tagapasalita Mga bansa kung saan sinasalita ito ng mga minoryang pamayanan | |
Ang Filipino, tulad ng ibang wikang Austronesyon, ay karaniwang ginagamit ang pagkakaayos na verb-subject-object o pandiwa-paksa-bagay subalit maari din gamitin ang pagkakaayos na paksa-pandiwa-bagay. Ang direksyon nito ay puno-muna (head-initial directionality). Isang aglutinatibong wika ito nguint maaring taglayin nito ang impleksyon. Hindi ito wikang tonal at maaring ituring ito bilang isang wikang tonong-punto (pitch-accent).
Opisyal na hinango ang Filipino upang maging isang wikang plurisentriko, habang pinagyayaman at pinapabuti pa nito ang iba pang mga wika sa Pilipinas sang-ayon sa mandato ng Konstitusyon ng 1987. Naobserbahan sa Kalakhang Cebu at Kalakhang Davao ang paglitaw ng mga uri (varieties) ng Filipino na may katangiang pambalarila na iba sa Tagalog. Kabilang ang mga lugar na ito at ang Kalakhang Maynila sa tatlong pinakamalaking kalakhang lugar sa Pilipinas.
Habang tinuturing ang Kastila at Ingles bilang "mga opisyal na wika" noong panahon na kolonya pa ng Estados Unidos ang Pilipinas, walang naging "pambansang wika" sa simula. Sinasabi sa artikulo XIII, seksyon 3 ng Konstitusyon ng 1935 na itinatatag ang Komonwelt ng Pilipinas na:
The National Assembly shall take steps toward the development and adoption of a common national language based on one of the existing native languages. Until otherwise provided by law, English and Spanish shall continue as official languages. Gagawa ng mga hakbang ang Asembleang Pambansa tungo sa pagpabuti at adosyon ng isang karaniwang pambansang wika batay sa isa sa mga mayroon nang katutubong wika. Hanggang hindi pa naitatadhana ng batas, magpapatuloy ang Ingles at Kastila bilang mga opisyal na wika.
Noong Nobyembre 13, 1936, pinagtibay ng unang Kapulungang Pambansa ng Komonwelt ng Pilipinas ang Batas Komonwelt Blg. 184; na nililikha ang Institute of National Language (naging Surián ng Wikang Pambansâ o SWP sa kalaunan) at inutusan itong gumawa ng isang pag-aaral at pagsisiyasat ng bawat katutubong wikang mayroon na, na umaasang mapili ang batayan para sa isang pamantayang wika. Sa kalaunan, hinirang ng noo'y Pangulong Manuel L. Quezon ang mga kinatawan para sa bawat pangunahing pang-rehiyong wika upang buuin ang NLI. Pinamunuan ni Jaime C. De Veyra, na umupo bilang tagapangulo ng Instituto at bilang kinatawan ng mga Bisayang Samar-Leyte, binubuo ang mga kasapi ng Instituto nina Santiago A. Fonacier (kinakatawan ang mga rehiyong nagsasalita ng Ilokano), Filemon Sotto (mga Bisayang Sebuwano), Casimiro Perfecto (mga Bikolano), Felix S. Sales Rodriguez (mga Bisayang taga-Panay), Hadji Butu (ang mga wika ng Pilipinong Muslim), at Cecilio Lopez (mga Tagalog).
Pinagtibay ng Institute of National Language ang isang resolusyon noong Nobyembre 9, 1937 na nirerekomenda ang Tagalog bilang batayan sa wikang pambansa. Noong Disyembre 30, inilabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, s. 1937, na inaprubahan ang adopsyon ng Tagalog bilang wika ng Pilipinas, at inihayag na ibabatay sa wikang Tagalog ang pambansang wika ng Pilipina. Sinabi sa kautusan na magkakaroon ng bisa ang utos dalawang taon mula ng inihayag ito. Noong Disyembre 31 ng parehong taon, ipinahayag ni Quezon ang Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa na binigay ang sumusunod ng kadahilanan:
Noong Hunyo 7, 1940, pinasa ng Pambansang Kapulungan ng Pilipinas ang Batas Komonwelt Blg. 570 na inihahayag na ang pambansang wikang Filipino ang tinuturing bilang opisyal na wika na nagkaroon ng bisa noong Hulyo 4, 1946 (kasabay ng inaasahang kalayaan ng bansa mula sa Estados Unidos). Sa parehong taon, ipinakilala ng Balarílà ng Wikang Pambansâ ng dalub-balarila na si Lope K. Santos ang 20-titik na alpabetong Abakada, na naging pamantayan ng wikang pambansa. Opisyal na pinagtibay ang alpabeto ng Instituto para sa Wikang Pambansa na batay sa Tagalog.
Noong 1959, nakilala ang wika bilang Pilipino sa isang pagsisikap na tanggalin ang pagkaugnay nito sa pangkat-etnikong Tagalog. Bagaman, hindi nagresulta ang pagpalit ng pangalan sa unibersal na pagtanggap sa mga hindi Tagalog, lalo na sa mga Sebuwano na hindi tinanggap ang pagpili noong 1937.
Noong 1987, itinalaga ng isang bagong konstitusyon ang Filipino bilang ang pambansang wika at, kasama ang Ingles, bilang isang opisyal na wika. Sinama ng konstitusyon na iyon ang ilang probisyon na may kaugnayan sa wikang Filipino.
Sa Artikulo XIV, Seksyon 6, tinanggal ang kahit anumang pagbanggit sa Tagalog bilang batayan para sa Filipino, at sinabi na:
Samantalang nalilinang, ito [ang wikang Filipino] ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika..
At sinasabi din sa artikulo na:
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasiya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa Sistemang pang-edukasyon.
at:
Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.
Binago ng Seksyon 17(d) ng Kautusang Tagapagpaganp 117 ng Enero 30, 1987 ang pangalan ng Institute of National Language bilang Institute of Philippine Languages. Nilikha ng Batas Republika Blg. 7104, na ipinagtibay noong Agosto 14, 1991, ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), na pinapalitan ang Institute of Philippine Languages. Direktang nag-uulat ang KWF sa Pangulo at inuutusan itong gumawa, makipag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapabuti, pagpapalaganap ng Filipino at ibang mga wika sa Pilipinas. Noong Mayo 13, 1992, nilabas ng komisyon ang Resolusyon Blg. 92-1, na tinutukoy ang Filipino bilang ang:
ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Metro Manila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.
Sakop na mga numero ng Unicode ng Tagalog: U+0000-U+007F U+1700–U+171F
Mga Kontrol na C0 at Pamantayang Latin[1] Ang opisyal na pangkodigong talangguhit ng Unicode Consortium (PDF) | ||||||||||||||||
0 | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | A | B | C | D | E | F | |
U+000x | NUL | SOH | STX | ETX | EOT | ENQ | ACK | BEL | BS | HT | LF | VT | FF | CR | SO | SI |
U+001x | DLE | DC1 | DC2 | DC3 | DC4 | NAK | SYN | ETB | CAN | EM | SUB | ESC | FS | GS | RS | US |
U+002x | SP | ! | " | # | $ | % | & | ' | ( | ) | * | + | , | - | . | / |
U+003x | 0 | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | : | ; | < | = | > | ? |
U+004x | @ | A | B | C | D | E | F | G | H | I | J | K | L | M | N | O |
U+005x | P | Q | R | S | T | U | V | W | X | Y | Z | [ | \ | ] | ^ | _ |
U+006x | ` | a | b | c | d | e | f | g | h | i | j | k | l | m | n | o |
U+007x | p | q | r | s | t | u | v | w | x | y | z | { | | | } | ~ | DEL |
Mga pananda
|
Tagalog[1][2] Ang opisyal na pangkodigong talangguhit ng Unicode Consortium (PDF) | ||||||||||||||||
0 | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | A | B | C | D | E | F | |
U+170x | ||||||||||||||||
U+171x | ||||||||||||||||
Talababa |
Ang sumusunod ay isang halimbawa na paghambing ng Tagalog at Filipino sa gawang pampanitikan. Inihahambing ang sumusunod ang bersyong Tagalog at bersyong Filipino ng Bibliya.
Tagalog | Filipino |
---|---|
Magandang Balita Biblia (Tagalog Popular Version) | Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version |
Juan 3:16 | |
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. | Sapagkat ganoon inibig ng Diyos ang sanlibutan, kaya ipinagkaloob niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. |
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Wikang Filipino, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.