Ekonomiya

Ang ekonomiya ay binubuo ng mga sistemang ekonomiko ng isang bansa o ibang area: ang trabaho, puhunan, at mga pinagkukunang lupain at ang pagmamanupaktura, produksiyon, pangangalakal, distribusyon, at konsumpsiyon ng mga kalakal at serbisyo ng areang ito.

Ang isang ibinigay na ekonomiya ay resulta ng isang proseso na sumasangkot sa ebolusyong teknolohikal nito, kasaysayan, at panglipunang organisasyon gayundin ang heograpiya nito, pagkakaloob ng natural na mapagkukunan at ekolohiya bilang mga pangunahing paktor. Ang mga paktor na ito ay nagbibigay ng konteksto at nagtatakda ng mga kondisyon at parametro kung saan ang ekonomiya ay gumagana. Ang isang nakabatay sa pamilihang ekonomiya ay maaaring mailarawan bilang pang-espasyong limitadong network na panlipunan kung saan ang mga kalakal at serbisyo ay malayang nalilikha at naipapalit ayon sa pangangailangan(demand) at suplay sa pagitan ng mga kalahok(mga ahenteng ekonomiko) sa pamamagitan ng barter o isang medium ng pagpapalit na may halagang kredito o debito na tinatanggap sa loob ng network. Ang kapital(puhunan) o trabaho ay maaaring gumalaw ng malaya sa buong mga lugar, industriya at mga negosyo sa paghahanap ng mas mataas na tubo, dibidende, interes, mga kompensasyon at mga benepisyo. Ang renta sa lupa ay naglalaan ng pangkalatang nakapirmeng pinagkukunang ito sa mga magkakatunggaling tagagamit. Ang kontemporaryong kapitalismo ay isang ekonomiyang pamilihan kung saan ang karamihan ng kapasidad ng produksiyon ay pag-aari o dinidirekta ng pribadong sektor. Ang papel ng pamahalaan ay limitado sa pagbibigay ng pagtatangol at panloob na seguridad, paglalapat ng hustisya at mga bilangguan, paggawa ng mga batas at regulasyon, pagpapatupad ng mga kontrata, batas at regulasyon, pagtutuwid ng mga imperpeksiyon sa pamilihan at mga kabiguan, pagsisiguro ng buong trabaho nang walang inplasyon, pagtataguyod ng paglagong ekonomiko at pag-unlad, pagbibigay sa mga mahihirap, bata at matatanda, pagpoprotekta at pagtulong sa mga emerhensiya at mga natural na kalamidad, pagbibigay ng mga basikong oportunidad sa lahat ng mga kasapi ng lipunan, pagpipigil ng mga pang hinaharap na kalamidad at sakuna, at pagpupursigi ng mga pambansang layunin na itinatag ng pangkalahatang lipunan gaya ng proteksiyon ng kapaligiran at mga natural na mapagkukunan. Sa kabilang dako, ang tradisyonal na sosyalismo ay isang nakabatay sa utos na ekonomiya kung saan ang mga pamilihan at ang malayang pagpapalit ng mga kalakal at serbisyo gayundin din ang pagmamanupaktura, produksiyon, kalakalan at distribusyon ay pinapalitan o ginagawa ng isang sentral na pagpaplano ng pamahalaan at pag-aari ng estadong mga negosyo. Sa ekonomiyang ito, ang lahat ng mga pribadong may ari ng kapital(na tinatawag na kapitalista) at ng lupain(mga may ari ng lupain) ay hindi pinapayagan o pinagbabawalan at ang tanging pinapayagang pribadong pag-aari ay ng mga kalakal ng konsumpsiyon. Ang kapital at lupain ay itinatakda ng estado at ang galaw ng trabaho ay labis na nililimitahan. Walang mga tubo, dibidende, interes o renta. Ang mga kompensasyon sa trabaho at mga benepisyo ay pinagpapasyahan ng mga sentral na nagpaplano. Ang pinakahuli na isang halong ekonomiya ay naglalaman naman ng mga elemento ng parehong kapitalismo at sosyalismo na nangangahulugang isang nakabatay sa pamilihang ekonomiya na may iba ibang digri ng sentral na pagpaplano ng pamahalaan at pag-aari ng estadong mga negosyo.

Saklaw

Sa kasalukuyan, ang saklaw ng mga larangan ng pag-aaral na sumusuri sa ekonomiya ay umiikot sa panlipunang agham ng ekonomika ngunit maaari ring kinabibilangan ng sosyolohiya(ekonomikong sosyolohiya), kasaysayan(ekonomikong kasaysayan), antropolohiya(ekonomikong antropolihiya at heograpiya( ekonomikong heograpiya). Ang mga praktikal na larangan na nauugnay sa mga gawaing pantao na kinasasangkutan ng produksiyon, distribusyon, kalakalan, at konsumpsiyon, ng mga kalakal at serbisyo bilang kabuuan ang inhinyerya, pangangasiwa, administrasyon ng negosyo, at pinansiya. Ang lahat ng mga propesyon, trabaho, mga ahenteng ekonomiko o mga gawaing ekonomiko ay nag-aambag sa ekonomiya. Ang mga konsumpsiyon, pagtitipid at pamumuhunan ay nagbabagong mga sangkpat sa ekonomiya na tumutukoy sa markoekonomikong ekwilibrium. Mayroon tatlong mga pangunahing sektor ng gawaing ekonomiko: pangunahin, pangalawa, at tersiyaryo. Dahil sa papapalagong kahalagahan ng sektor na pinansiyal sa mga modernong panahon, ang terminong tunay na ekonomiya ay ginagamit ng mga analista as well as politicians upang tukuyin ang bahagi ng ekonomiya na nauukol sa aktuwal na paglikha ng mga kalakal at serbisyo, na tila sinasalungat ng ekonomiyang papel o ang panig na pinansiyal ng ekonomiya, na nauukol sa pagbili o pagbebenta sa mga pamilihang pinansiyal. Ang alternatibo at pangmatagalang terminolohiya ay nagtatangi sa mga sukat ng ekonomiya na inihahayag sa mga halagang real(na isinaayos para sa inplasyon gaya ng tunay na GDP, o sa mga halagang nominal(isinaayos para sa inplasyon).

Mga yugtong ekonomiko ng pagkakauna-una

Ang ekonomiya ay maaaring isaalang alang na umunlad sa pamamagitan ng mga sumusunod na yugto o antas ng pagkakauna-una (precedence).

  • Ang sinaunang ekonomiya(ancient economiya) ay pangunahing batay sa substinstensiyang pagsasaka.
  • Ang yugtong himagsikang industriyal ay nagbawas ng papel ng subsistensiyang pagsasaka sa huling tatlong mga siglo. Ang paglagong ekonomiya ay pangunahing naganap sa mga industriyang pagmimina, konstruksiyon at pagmamanupaktura. Ang komersiyo ay naging mas mahalaga sanhi ng pangangailangan para sa napabuting pagpapalit at distribusyon ng prodyus sa buong pamayanan.
  • Sa mga ekonomiya ng yugtong lipunang konsumer, may isang lumalagong bahaging ginagampanan ng serbisyo, pinansiya at teknolohiya na ekonomiyang kaalaman.

Sa mga modernong ekonomiya, ang mga yugtong presedensiyang ito ay medyo ibang inihahayag sa mga digri ng gawain.

  • Ang Pangunahing yugto/digri ng ekonmiya ay sumasangkot sa ekstraksiyon(paghango) at produksiyon ng mga hilaw na materyal gaya ng mais, kahoy at bakal. Ang isang minero ng coal at isang mangingisda ay mga manggagawa sa digring pangunahin.
  • Ang Ikalawang yugto/digri ng ekonomiya ay sumasangkot sa transpormasyon ng hilaw o panggitnang mga materyal sa mga kalakal e.g. pagmamanupaktura ng bakal sa kotse o mga textile sa damit. Ang isang tagapagtayo ng bahay at mananahi ang mga manggagawa sa digring pangalawa. Sa yugtong ito, ang nauugnay na ekonomiyang industriyal ay nahahati rin sa ilang mga sektor na ekonomiko na tinatawag ring mga industriya.
  • Ang Tersiyaryong yugto/digri ng ekonomiya: ay sumasangkot sa pagbibigay ng mga serbisyo sa mga konsumer gaya ng pag-aalaga ng sanggol, pelikula at pagbabangko. Ang isang taga-ingat ng tindahan at akawntant ang mga manggagawa sa digring tersiyaryo.
  • Ang Kwarternaryong digri/yugto ng ekonomiya: ay sumasangkot sa pagsasaliksik at pagpapaulad na kinakailangan upang lumikha ng mga produkto mula sa mga natural na mapagkukunan at sa mga kalaunang produkto nito. Ang isang kompanya ng pagtotroso ay maaaring magsaliksik ng mga paraan upang gumamit ng isang bahaging sinunog na kahoy na maiproseso upang ang hindi napinsalang mga bahagi nito ay magawang sapal para sa papel. Ang edukasyon ay minsang isinasama sa sektor na ito.

Ang ibang mga sektor ng umunlad na pamayanan ay kinabibilangan ng:

  • Ang publikong sektor o sektor na estado(na kinabiblangan ng parlamento, mga korte ng batas at mga sentro ng pamahalaan, iba't ibang mga serbisyong emerhensiya, kalusugan ng publiko, mga tirahan para sa mga mahihirap, mga pasilidad na pangsasakyan, mga daungan, mga hospital, paaralan, aklatan, museo, mga naingatang gusaling historikal, mga parke, mga reserba ng kalikasan, mga ilang unibersidad, pambansang stadium/palaruan, pambansang bulwagan ng sining/konsiyerto o mga teatro at mga sentro.
  • Ang pribadong sektor o pag-aaring pribadong mga negosyo.
  • Ang sektor na panlipunan o sektor na boluntaryo.

Mga sukat ekonomiko

Mayroon mga paraan upang masukat ang gawaing ekonomiko ng isang bansa. Ang mga ito ay kinabibilangan ng:

GDP

Ang GDP o Gross domestic product ng isang bansa ay isang sukat ng laki ng ekonomiya nito. Ang pinakakonbensiyonal na analisis ekonomiko ng isang bansa ay mabigat na umaasa sa mga indikator nitong ekonomiko gaya ng GDP at GDP kada capita. Bagaman kadalasang magagamit, dapat tandaan na ang GDP ay tanging nagsasama ng gawaing ekonomiko kung saan ang salapi ay ipinapalit.

Ekonomiyang inpormal

Ang ekonomiyang inpormal ay isang gawaing ekonomiko na hindi binubuwisan o minomonitor ng isang pamahalaan na sinasalungat ng isang ekonomiyang pormal. Kaya ang ekonomiyang inpormal ay hindi kasma sa GNP ng pamahalaang ito. Bagaman ang ekonomiyang inpormal ay kadalasang nauugnay sa mga umuunlad na bansa, ang lahat ng mga sistemang ekonomiko ay naglalaman ng ekonomiyang inpormal sa ilang proporsiyon. Ang gawaing ekonomikong inpormal ay isang dinamikong proseso na kinabibilangan ng maraming mga aspeto ng teoriyang ekonomiko at panlipunan kabilang ang pagpapalit, regulasyon at pagpapatupad. Sa kalikasan nito, ito ay kinakailangang mahirap na mapagmasdan, pag-aaralan, ilarawan at sukatin. Walang isang mapagkukunan na handa o autoritatibong naglalarawan ng ekonomiyang inpormal bilang isang unit ng pag-aaral. Ang mga terminong "sa ilalim ng mesa"(under the table) at "wala sa mga aklat"(off the books) ay karaniwang tumutukoy sa ganitong uring ekonomiya. Ang terminong pamilihang itim(black market) ay tumutukoy sa isang spesipikong pangilalim na hanay ng ekonomiyang inpormal. Ang terminong "inpormal na sektor" ay ginagamit sa maraming mga sinaunang pag-aaral at karamihang napalitan sa mas kamakailang mga pag-aaral na gumagamit ng mas bagong termino. Ang mikroekonomika ay nakapokus sa indibidwal na tao sa isang ibinigay na lipunang ekonomiko at ang makroekonomika ay tumitingin sa ekonmiya bilang buo(bayan, siyudad, rehiyon).

Pinakamalaking mga ekonomiya ayon sa GDP noong 2012

Talaan ng 30 pinakamalaking mga ekonomiya sa nominal na GDP noong 2012 ayon sa International Monetary Fund Talaan ng 30 pinakamalaking mga ekonomiya sa GDP(PPP) noong 2012 ayon sa International Monetary Fund
Ranggong pandaigdig Ranggong G20 Bansa GDP (mga bilyon ng USD) Bahagi ng pandaigdigang GDP
  Daigdig 71,896.504 100.00%
1 Ekonomiya  European Union 17,070.011 23.74%
1 2 Ekonomiya  United States 15,609.697 21.71%
2 3 Ekonomiya  China 7,991.738 11.12%
3 4 Ekonomiya  Japan 5,980.997 8.32%
4 5 Ekonomiya  Germany 3,478.772 4.84%
5 6 Ekonomiya  France 2,712.026 3.77%
6 7 Ekonomiya  United Kingdom 2,452.689 3.41%
7 8 Ekonomiya  Brazil 2,449.760 3.41%
8 9 Ekonomiya  Italy 2,066.934 2.87%
9 10 Ekonomiya  Russia 2,021.896 2.81%
10 11 Ekonomiya  Canada 1,804.575 2.51%
11 12 Ekonomiya  India 1,779.279 2.47%
12 13 Ekonomiya  Australia 1,585.964 2.21%
13 - Ekonomiya  Spain 1,397.776 1.94%
14 14 Ekonomiya  Mexico 1,207.820 1.68%
15 15 Ekonomiya  South Korea 1,163.532 1.62%
16 16 Ekonomiya  Indonesia 928.274 1.29%
17 17 Ekonomiya  Turkey 817.298 1.14%
18 - Ekonomiya  Netherlands 802.070 1.12%
19 18 Ekonomiya  Saudi Arabia 651.652 0.91%
20 - Ekonomiya  Switzerland 620.903 0.86%
21 - Ekonomiya  Sweden 549.351 0.76%
22 - Ekonomiya  Poland 528.460 0.74%
23 - Ekonomiya  Norway 501.582 0.70%
24 - Ekonomiya  Belgium 496.767 0.69%
25 - Ekonomiya  Iran 496.243 0.69%
26 - Ekonomiya  Taiwan 480.459 0.67%
27 19 Ekonomiya  Argentina 472.815 0.66%
28 20 Ekonomiya  South Africa 419.925 0.58%
29 - Ekonomiya  Austria 409.628 0.57%
30 - Ekonomiya  United Arab Emirates 386.390 0.54%
Mga natitirang bansa 9,631.232 13.40%
Rank Ranggong G20 Bansa GDP (mga bilyong USD) Bahagi ng pandaigdigang GDP
  Daigdig 82,646.727 100.00%
1 Ekonomiya  European Union 16,025.363 19.39%
1 2 Ekonomiya  United States 15,609.697 18.89%
2 3 Ekonomiya  China 12,387.048 14.99%
3 4 Ekonomiya  India 4,824.551 5.84%
4 5 Ekonomiya  Japan 4,588.972 5.55%
5 6 Ekonomiya  Germany 3,158.090 3.82%
6 7 Ekonomiya  Russia 2,510.791 3.04%
7 8 Ekonomiya  Brazil 2,393.954 2.90%
8 9 Ekonomiya  United Kingdom 2,308.503 2.79%
9 10 Ekonomiya  France 2,257.015 2.73%
10 11 Ekonomiya  Italy 1,834.946 2.22%
11 12 Ekonomiya  Mexico 1,743.474 2.11%
12 13 Ekonomiya  South Korea 1,629.904 1.97%
13 14 Ekonomiya  Canada 1,443.108 1.75%
14 - Ekonomiya  Spain 1,405.437 1.70%
15 15 Ekonomiya  Indonesia 1,208.542 1.46%
16 16 Ekonomiya  Turkey 1,112.265 1.35%
17 - Ekonomiya  Iran 1,006.540 1.22%
18 17 Ekonomiya  Australia 954.296 1.15%
19 - Ekonomiya  Taiwan 919.027 1.11%
20 - Ekonomiya  Poland 802.145 0.97%
21 18 Ekonomiya  Argentina 756.226 0.92%
22 19 Ekonomiya  Saudi Arabia 733.143 0.89%
23 - Ekonomiya  Netherlands 709.488 0.86%
24 - Ekonomiya  Thailand 643.266 0.78%
25 20 Ekonomiya  South Africa 577.159 0.70%
26 - Ekonomiya  Egypt 533.739 0.65%
27 - Ekonomiya  Pakistan 511.664 0.62%
28 - Ekonomiya  Colombia 500.576 0.61%
29 - Ekonomiya  Malaysia 472.942 0.57%
30 - Ekonomiya  Nigeria 448.495 0.54%
Mga natitirang bansa 12,661.724 15.32%

Mga ekonomiyang may pinakamalaking kontribusyon sa pandaidigang paglagong ekonomiko mula 1996 hanggang 2011

Talaan ng 20 pinakamalaking mga ekonomiya ayon sa inkremental na nominal na GDP mula 1996 hanggang 2011 ayon sa International Monetary Fund Talaan ng 20 pinakamalaking mga ekonomiya ayon sa inkremental na nominal na GDP mula 1996 hanggang 2011 ayon sa International Monetary Fund
Ranggo Bansa GDP (mga bilyon ng USD) Bahagi ng pandaigdigan inkremental na GDP Pan-taunang paglagong GDP
  Daigdig 39,555.368 100.00% 8.7%

Ekonomiya  European Union 8,590.950 21.72% 6.1%
1 Ekonomiya  United States 7,226.341 18.27% 6.1%
2 Ekonomiya  China 6,132.386 15.50% 47.8%
3 Ekonomiya  Brazil 1,677.875 4.24% 13.3%
4 Ekonomiya  Russia 1,493.128 3.77% 25.4%
5 Ekonomiya  India 1,467.162 3.71% 26.0%
6 Ekonomiya  United Kingdom 1,260.125 3.19% 6.9%
7 Ekonomiya  France 1,234.680 3.12% 5.2%
8 Ekonomiya  Japan 1,212.836 3.07% 1.7%
9 Ekonomiya  Germany 1,190.811 3.01% 3.3%
10 Ekonomiya  Canada 1,144.904 2.89% 12.4%
11 Ekonomiya  Australia 1,079.758 2.73% 16.8%
12 Ekonomiya  Italy 985.759 2.49% 5.2%
13 Ekonomiya  Spain 913.829 2.31% 9.8%
14 Ekonomiya  Mexico 798.152 2.02% 13.7%
15 Ekonomiya  South Korea 590.846 1.49% 6.9%
16 Ekonomiya  Indonesia 583.589 1.48% 15.5%
17 Ekonomiya  Turkey 519.201 1.31% 14.2%
18 Ekonomiya  Netherlands 440.176 1.11% 7.0%
19 Ekonomiya  Saudi Arabia 402.551 1.02% 17.0%
20 Ekonomiya  Poland 375.097 0.95% 16.0%
Mga natitirang bansa 8,826.162 22.31%
Ranggo Bansa GDP (mga bilyon ng USD) Bahagi ng pandaigdigan inkremental na GDP Pan-taunang paglagong GDP
  Daigdig 44,637.666 100.00% 8.7%
1 Ekonomiya  China 9,259.491 20.74% 30.0%
2 Ekonomiya  United States 7,226.341 16.19% 6.1%
Ekonomiya  European Union 7,046.287 15.79% 5.4%
3 Ekonomiya  India 3,294.148 7.38% 18.7%
4 Ekonomiya  Japan 1,446.900 3.24% 3.3%
5 Ekonomiya  Russia 1,441.025 3.23% 10.3%
6 Ekonomiya  Germany 1,241.305 2.78% 4.5%
7 Ekonomiya  Brazil 1,239.214 2.78% 7.7%
8 Ekonomiya  United Kingdom 1,018.702 2.28% 5.5%
9 Ekonomiya  South Korea 950.875 2.13% 10.5%
10 Ekonomiya  France 946.698 2.12% 5.0%
11 Ekonomiya  Mexico 851.188 1.91% 7.0%
12 Ekonomiya  Spain 706.292 1.58% 6.7%
13 Ekonomiya  Canada 699.905 1.57% 6.8%
14 Ekonomiya  Indonesia 636.440 1.43% 8.7%
15 Ekonomiya  Turkey 634.219 1.42% 10.1%
16 Ekonomiya  Italy 623.271 1.40% 3.4%
17 Ekonomiya  Iran 573.686 1.29% 10.7%
18 Ekonomiya  Taiwan 540.237 1.21% 10.4%
19 Ekonomiya  Australia 499.933 1.12% 8.0%
20 Ekonomiya  Poland 463.329 1.04% 10.2%
Mga natitirang bansa 10,344.467 23.17%

Tingnan din

Mga sanggunian

Tags:

Ekonomiya SaklawEkonomiya Mga yugtong ekonomiko ng pagkakauna-unaEkonomiya Mga sukat ekonomikoEkonomiya ng inpormalEkonomiya Pinakamalaking mga ekonomiya ayon sa GDP noong 2012Ekonomiya Mga ekonomiyang may pinakamalaking kontribusyon sa pandaidigang paglagong ekonomiko mula 1996 hanggang 2011Ekonomiya Tingnan dinEkonomiya Mga sanggunianEkonomiyaBarterBatasDistribusyon (ekonomika)EkolohiyaEkonomiyang pamilihanHeograpiyaHustisyaInplasyonKalakalKapitalismoKasaysayanKontrataPagmamanupakturaPamilihanPangangalakalProduksiyonSistemang ekonomikoSosyalismoTrabahoTubo

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

AsoNavotasTimog-silangang AsyaCagayan de OroBekeMorong, BataanMindanaoJosé Basco y VargasHiroshima Peace MemorialTributoHo Chi MinhPatakarang bukas na pintoIranGhost FighterAlemanyaListahan ng mga aktibong bulkan sa PilipinasEmilio JacintoZsa Zsa PadillaPartidong pampolitikaJosé de la CruzKatipunanKapangyarihang Alyados (Unang Digmaang Pandaigdig)PagpapalaglagIbonAwtoritarismoSagisag ng Republika ng PilipinasSa Aking Mga KabataMatinding DepresyonPagpapatalastasPanahon ng KaliwanaganAsyaBahaghariLeonor RiveraKronolohiya ng kasaysayan ng PilipinasNobelang PilipinoMirasolCOVID-19Implasyon (presyo)TaiwanIlog PasigPaghahalamanPampangaTalatuntunan ng Kaunlarang PantaoMarie AntoinetteUbong-dalahitEkonomiya ng PilipinasTalambuhayÑPangangatwiranKanal SuezKapangyarihang AksisNapoleon I ng PransiyaNegros OrientalHukbalahapMapaPakikipanayamPamilihanGubatOpyoIkalawang Rebolusyon sa EDSATala ng mga bansa ayon sa sistema ng pamahalaanMiguel López de LegazpiPáitSosyalismoFlorante at LauraParisukatParañaqueEl NiñoBell Trade ActKikilSakunaLa Liga FilipinaKabiseraPilibusteroTelegramang ZimmermannKasaysayan ng MaynilaKubo🡆 More