Barong Tagalog

Ang Barong Tagalog, Barong Pilipino, o Barong lamang ay burdadong pormal na kasuotan sa Pilipinas.

    Tungkol sa damit na Barong Tagalog ang artikulong ito. Para sa awitin, tingnan Barong Tagalog (awitin)

Magaan lamang ito at sinusuot na hindi nakasuksok sa loob ng pantalon, katulad sa isang amerikana. Karaniwan itong kasuotang pormal o pang-kasal para sa mga lalaking Pilipino.

Barong Tagalog
Ang Barong Tagalog.

Naging tanyag ang pagsuot ng barong sa pamamagitan ni dating Pangulong Ramon Magsaysay, na sinusuot ito sa karamihan ng opisyal at pansariling mga okasyon, kabilang na dito ang pagluklok sa kanya bilang pangulo ng Pilipinas. Naging opisyal na pambansang kasuotan ang barong sa isang kautusan mula sa dating Pangulong Ferdinand Marcos noong 1975.

Pinagmulan

Nagmula ang tradisyunal na kasuotan na ito mula pa noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Isang karaniwang teoriya sa pinagmulan ng barong ang matukoy ng mga Kastila ang kaibahan ng mga katutubong Pilipino sa mga namamayaning uri sa pamamagitan ng pagsuot ng barong na hindi nakasuksok sa pantalon. Pangkaraniwan sa Barong, ang pagkakagawa nito sa manipis na tela sa kadahilanang madaling makikita ng mga Kastila na walang dalang sandata ang mga nagsusuot nito.

Bagaman, nagduda ang mga ibang iskolar at mga dalubhasa sa kasaysayan sa teoriyang ito. Ikinakaturwiran nila ang kawalan ng pagbanggit ng partikular na batas na kung saan ipinagbabawal ng mga Kastila ang pagsuksok ng baro ng mga katutubo. Ikalawa, may mga litrato ng mga katutubo noong panahon ng mga Kastila na nagsusuot ng mga damit na nakasuksok sa pantalon katulad na lamang nina Jose Rizal at mga ibang mga kapanahon niya. Ikatlo, may tropikal na klima ang Pilipinas at karaniwan na ang mga magsuot ng damit na hindi nakasuksok dahil sa init. Sa wakas, inakala ang barong na nanggaling sa o inangkop ng guayabera, isang kasuotan na tanyag sa mga komunidad ng Latino Amerika. Unang kilala ang guayabera bilang "Filipina" noong panahon ng kalakalang Galyon sa Maynila nang naidala ito sa Mehiko mula sa Pilipinas

Uri ng tela na ginamit

Karamihang gawa sa telang piña o jusi. Unang yari ang telang jusi sa abaca o seda ng saging, ngunit noong dekada 1960, napalitan ito ng mga inangkat na mga sedang organza. Mekanikong tinatahi ang jusi at mas matibay kaysa telang piña na tinatahi sa pamamagitan ng kamay at mas maselan.

Sanggunian

Tingnan din

Tags:

Barong Tagalog PinagmulanBarong Tagalog Uri ng tela na ginamitBarong Tagalog SanggunianBarong Tagalog Tingnan dinBarong TagalogKasalMga PilipinoPilipinas

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

TanauanLabanan ng CorregidorEl NiñoPanunuholBangungotDaunganKaugaliang Pilipinofcj23Sakit na bipolarLambingPaskoBudhiWalisRodrigo DuterteUtang na loobDigmaang MalamigTuboMonarkiyang konstitusyonalPista ng MorionesAnak (pelikula)KolusyonAlden RichardsDyords JavierHigadDemokrasyaGabi (gulay)MagasinUnited KingdomKalihim-Panlahat ng Mga Bansang NagkakaisaCarlos P. GarciaKapulungan ng mga Kinatawan ng PilipinasKasalanAgrikulturaAgusan del SurSuper Bagyong YolandaBulacanIbonLuwalhati sa AmaLikas na yamanTulay ng San JuanicoAndrés BonifacioTayutayDawagLikas na kapaligiranKalayaan ng mga mamamahayagSenado ng PilipinasKathang-isipHIVKatipunan ng mga KarapatanMahatma GandhiPanggagahasa sa PilipinasTalatuntunan ng Kaunlarang PantaoPanaginipDaliri sa kamayHukbalahapLapayAraw (astronomiya)Diosdado MacapagalSan Ildefonso, BulacanAba Ginoong MariaSilang, KabiteNoli Me TangereMga lungsod ng PilipinasGatoBalbalNepotismoSedulaPandemya ng COVID-19Cagayan de OroKompyuterLupang HinirangImpiyernoPilipinasPagkalulong sa bawal na gamotTalaan ng mga lindol sa PilipinasSalapiKuomintangPasismo🡆 More