Mga Pilipino: Katutubo o mga mamamayan ng bansang Pilipinas

Ang mga Pilipino ay mga mamamayan ng Pilipinas na ipinanganak sa Pilipinas at may mga magulang na Pilipino o mga taong naging mamamayan ng Pilipinas ayon sa batas (naturalized).

    Para sa ibang gamit ng salita, tingnan ang Pilipino.
Lahing Pilipino
Kabuuang populasyon
mahigit 110,000,000
Mga rehiyong may malaking bilang nila
Mga Pilipino: Sistemang kasta sa kasaysayan, Relihiyon, Tingnan din Pilipinas91,077,287 (2007)
Wika
Filipino, Ingles, Mga wika sa Pilipinas
Relihiyon
Romano Katoliko, Protestante
Islam, Aglipayan, Mga Saksi ni Jehova,Iglesia ni Kristo
Mga katutubong tradisyon at paniniwala
Kaugnay na mga pangkat-etniko
Austronesyo

Tinatayang higit sa 100 milyon ang mga Pilipinong naninirahan sa Pilipinas at may mga 10.2 milyon na naninirahan sa ibang bansa.

Karamihan sa kasalukuyang mga Pilipino ay itinituring na mula sa pangkat etnikong Awstronesyano, ngunit malaki-laki rin ang bilang ng mga etnikong Tsino. Kasalukuyang maliit din ang bilang ng mga Aeta (o Negrito), ang mga orihinal na nakatira sa lupain ng bansa.

Tinataguriang isang salad bowl ang Pilipinas at sa kadahilanang ito, ang kultura ng mga Pilipino ay halo-halo bagaman hindi iisang-tulad ng parang melting pot. Gayundin, habang lubos na tinatanggap ng mga Pilipino sa Pilipinas ang pagkabilang ng kanilang bansa sa kontinente ng Asya ayon sa heograpiya, nararapat punahin na hindi nila karaniwang kinikilala kanilang sarili bilang mga Asyano (lalo na sa gamit Ingles), at tinatanaw ng ilan, partikular na ng karamihang mga may walang lahing Intsik, Hapon, o Indiyano, ang pagbabansag sa kanila nang ganito bilang offensive at labag sa likas na pagkamultikultural at multientiko ng Pilipinas.

Humihigit-kumulang ng 110 milyon ang bilang ng mga Pilipino o may mga pinagmulang Pilipino sa buong daigdig.

Tumutukoy ang pangalang Pinoy (Pinay kung kababaihan) sa mga Pilipino, kabilang lalo ang mga naninirahan sa ibang bansa.

Sistemang kasta sa kasaysayan

Mga Pilipino: Sistemang kasta sa kasaysayan, Relihiyon, Tingnan din 
Isang pagpipinta ng isang batang ina at ang kanyang anak na kabilang sa Maharlikang kasta at ang kanilang tirahan na kung saan ay ang Torogan sa likuran.

Noong panahon ng kolonisasyon ng Kastila, noong ikalabing-anim hanggang ikalabing-siyam na siglo, may sistema kasta (caste) sa Pilipinas na katulad ng ginagawa sa Hispanikong Amerika, ngunit may malaking pagkakaiba. Ang mga katutubong Pilipino ay tinutukoy bilang Indiyo o Negrito. Habang tinatawag na Filipino o Insulares ang mga purong Kastila na pinanganak sa Pilipinas. Ang purong Kastila na di pinanganak sa Pilipinas ay tinatawag na Peninsulares.

Relihiyon

Ayon sa Senso ng taong 2015, 79.5% ng mga Pilipino ay Katoliko, 6.0% ay mga Muslim, 2.6% ay mga naniniwala sa Iglesia ni Kristo, 2.4% ay kabilang sa Philippine Council of Evangelical Churches at ang natitirang 9.4% na mga Pilipino ay kasapi ng iba pang relihiyon .

Tingnan din

Mga sanggunian

Talababa

Bibliyograpiya

Tags:

Mga Pilipino Sistemang kasta sa kasaysayanMga Pilipino RelihiyonMga Pilipino Tingnan dinMga Pilipino Mga sanggunianMga PilipinoPilipinas

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Eat Bulaga!MarikinaTempo (musika)AnimasyonEl filibusterismoRodriguezEroplanoPulmonyaIglesia ni CristoKathang-isipPabulaBatas Republika Bilang 9165 ng PilipinasManugangFrancisco DagohoyLakandulaTiyagaGliceria Marella de VillavicencioKapeDagupanTalaan ng mga Kabanata sa Noli Me TangereLalaking nakikipagtalik sa kapwa lalakiWikipediaPamahiinNanganganib na mga uriPransiyaArtikuloLa Liga FilipinaEdukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga KastilaMga wika sa PilipinasPolitikaAba Ginoong MariaDiosdado MacapagalManuel L. QuezonKalusuganKasoyAswangFranklin D. RooseveltIlog PasigDigmaang PasipikoCorazon AquinoSosyalismoPamilihanBautismoHigadSakutingNoli Me Tángere (nobela)RabiesAurora (lalawigan)Komisyon sa Mas Mataas na EdukasyonMagsasakaArkiduke Franz Ferdinand ng AustriyaMaharlikaAlamatValenzuelaBiyenanPagkamatay ng magkapatid MaguadPangngalanKulturaTambalanKanser sa susoKasaysayan ng Pilipinas (1898–1946)DasalPantabanganTulay ng San JuanicoILOVEYOUPartido Komunista ng TsinaGawgawKanlurang AsyaEDSATuboApendisitisSan Jose del MonteTalambuhayGitnang LuzonBulaklak ng MayoPaaralanEmilio JacintoDuhatRebolusyong EDSA ng 1986🡆 More