Ang Kanlurang Asya (tinatawag ding Gitnang Silangan dati; Ingles: Western Asia, West Asia, Southwest Asia, Southwestern Asia) ay ang timog-kanlurang bahagi ng Asya.
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang katawagang Kanlurang Asya ay kadalasang ginagamit sa mga kasulatan tungkol sa arkeolohiya ang huling bahagi ng prehistory ng rehiyon. Ang Kanlurang Asya ang rehiyong pinagtatagpuan ng hangganan ng tatlong mahahalagang kontinente sa daigdig—ang Africa, Asya, at Europa. Ito ay binubuo ng mga bansang Arabo tulad ng Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq, at Kuwait. Kasama rin sa rehiyong ito ang tinatawag naman na Gulf States ng Yemen, Oman, United Arab Emirates, Qatar, at Bahrain. Kasama rin sa Kanlurang Asya ang Iran, Israel, Cyprus, at Turkey. Pangunahing pinagkukunan ng langis ang rehiyong ito. Nanggaling din dito ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig gaya ng Judaism, Kristiyanismo, at Islam. Ang Kanlurang Asya ay itinuturing na Muslim World at ikinakategorya bilang Arid Asya o bahagi ng Asya kung saan matatagpuan ang malalawak na disyerto at tuyong lugar mula Jordan tungong Arabia hanggang sa Iraq, Iran, at Afghanistan. Umaabot hanggang Pakistan at bahagi ng dating Gitnang Asya at Mongolia ang tinatawag na Arid Asia. Ang Kanlurang Asya ay bumubuo sa sangkatlo (1/3) ng Asya, may sukatna nasa pagitan ng 6.5 at 9.8 milyong milya kwadrado.
Kinabibilangan ng mga bansa at teritoryo sa Timog-kanlurang Asya ang mga sumusunod:
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Kanlurang Asya, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.