Gitnang Luzon: Rehiyon ng Pilipinas

Ang Gitnang Luzon (Kapampangan: Kalibudtarang Luzon, Pangasinan: Pegley na Luzon, Ilokano: Tengnga a Luzon, Ingles: Central Luzon), itinalagang Rehiyong III, ay isang administratibong rehiyon sa Pilipinas, pangunahing naglilingkod upang ibuo ang pitong mga lalawigan ng malawak na gitnang mga kapatagan ng pulo ng Luzon (ang pinakamalaking pulo), para sa layuning pampangasiwaan.

Taglay ng rehiyon ang pinakamalaking kapatagan sa bansa at gumagawa ng halos lahat ng suplay ng bigas sa bansa, kaya binansagan itong "Bangan ng Bigas ng Pilipinas" ("Rice Granary of the Philippines"). Ang mga lalawigang bumubuo rito ay: Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales.

Gitnang Luzon

Rehiyong III
Look ng Baler
Simbahan ng Barasoain sa Bulacan
Bundok Pinatubo sa Zambales
Parte ng Sierra Madre sa Nueva Ecija =
Pamanang Distrito sa Pampanga
Paikot sa kanan mula sa itaas: Look ng Baler; Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan; bahagi ng Sierra Madre malapit sa Gabaldon, Nueva Ecija; Heritage District ng Angeles sa Pampanga; Bundok Pinatubo sa Zambales
Palayaw: 
Bangan ng Bigas ng Pilipinas
Kinaroroonan sa Philippines
Kinaroroonan sa Philippines
Mga koordinado: 15°28′N 120°45′E / 15.47°N 120.75°E / 15.47; 120.75 120°45′E / 15.47°N 120.75°E / 15.47; 120.75
BansaGitnang Luzon: Etimolohiya, Paglalarawan, Demograpiya Pilipinas
Pangkat ng puloLuzon
Regional centerSan Fernando (Pampanga)
Lawak
 • Kabuuan22,014.63 km2 (8,499.90 milya kuwadrado)
Populasyon
 (senso ng 2020)
 • Kabuuan12,422,172
 • Kapal560/km2 (1,500/milya kuwadrado)
Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao
 • HDI (2018)0.726
high · Pang-apat
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigo ng ISO 3166PH-03
Mga lalawigan
Malayang mga lungsod
Mga bayan116
Mga barangay3,102
Mga distritong oambatas20
Mga wika

Etimolohiya

Ang kasalukuyang pangalan ng rehiyon tumutukoy sa lokasyon nito sa malaking pulo ng Luzon. Nagmula ang termino sa mga Amerikanong mananakop kasunod ng pagkatalo ng Unang Republika ng Pilipinas. May mga panukala para palitan sa "rehiyon ng Luzones" ang pangalan ng rehiyon. Ang ipinapanukalang pangalan ay isang pagtukoy sa dating pangalan ng pulo ng Luzon – Luções – na ginamit paglaon upang matukoy sa gitnang lugar ng pulo na umaabot mula Pagasinan sa hilaga hanggang Pampanga sa timog. Ang salitang Luções ay literal na nagngangahulugang Luzones.

Paglalarawan

Matatagpuan ang rehiyon ng Gitnang Luzon sa hilaga ng Maynila, ang pambansang kabisera. Kahangga nito ay mga rehiyon ng Ilocos at Lambak ng Cagayan sa hilaga; Pambansang Punong Rehiyon, Calabarzon at mga katubigan ng Look ng Maynila sa timog; Dagat Timog Tsina (o Dagat Kanlurang Pilipinas) sa kanluran; at ang Dagat Pilipinas sa silangan. Sa kasaysayan, kalinangan, at heograpiya, ang Pangasinan ay isang mahalagang bahagi ng rehiyon, ngunit ginawang pampolitika na bahagi ng rehiyon ng Ilocos ni Pangulong Ferdinand Marcos noong Hunyo 22, 1973.

Ang Gitnang Luzon ay nag-aani ng pinakamaraming bigas sa buong bansa. Inihahatid at iniluluwas ang labis na bigas sa ibang mga rehiyon ng Pilipinas.

Ang lungsod ng San Fernando, na panlalawigang kabisera ng Pampanga, ay itinalagang sentro panrehiyon. Inilipat ang lalawigan ng Aurora sa rehiyon mula sa Rehiyong IV sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 103 noong Mayo 2002.

Demograpiya

Senso ng populasyon ng
Gitnang Luzon
TaonPop.±% p.a.
1990 6,338,590—    
2000 8,204,742+2.61%
2007 9,720,982+2.37%
2010 10,137,737+1.54%
2015 11,218,177+1.95%
Pinagmulan: PSA

Mga wika

Ang katutubong mga wika ng Gitnang Luzon ay:

  • Kapampangan, sinasalita sa kabuoan ng Pampanga at katimugang Tarlac, gayon din sa timog-silangang Zambales, hilagang-silangang Bataan, kanlurang Bulacan, at timog-kanlurang Nueva Ecija.
  • Pangasinan, sinaslita sa hilagang Tarlac, hilagang-silangang Zambales, at hilagang-kanlurang Nueva Ecija.
  • Tagalog, sinasalita sa Bulacan, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija, Aurora, Bataan, and Zambales. Ito ang rehiyonal na lingua franca.
  • Iloko, sinasalita sa hilagang Nueva Ecija at sa ilang bahagi ng Tarlac, Zambales, at Aurora.
  • Sambal, ginagamit ng karamihan sa Zambales at sa ilang nakakalat na mga pook sa Bataan at Pampanga.

Relihiyon

Walumpu't porsyento ng populasyon ng Gitnang Luzon ay Katoliko. Ang iba pang mga relihiyon na kumakatawan ay mga Protestante (kasama ang mga Evangelical), Islam, Iglesia Ni Cristo, at katutubong mga relihiyon tulad ng Anitismo. Mayroon din ibang mga denominasyon tulad ng Jesus Is Lord, Pentecostal Missionary Church of Christ, Ang Dating Daan, Jesus Miracle Crusade, Nagkakaisang Metodistang Simbahan at iba pa.

Mga pagkakahating administratibo

Gitnang Luzon: Etimolohiya, Paglalarawan, Demograpiya 
Mapang Pampolitika ng Gitnang Luzon

Ang Gitnang Luzon ay binubuo ng 7 mga lalawigan, 2 mataas na urbanisadong mga lungsod, 12 nakapaloob na mga lungsod, 116 mga bayan, at 3,102 mga barangay.

Lalawigan or HUC Kabisera Populasyon (2015) Sukat Kapal ng
populasyon
Mga lungsod Muni. Barangay
km2 sq mi /km2 /sq mi
Aurora Baler 1.9% 214,336 3,147.32 1,215.19 68 180 0 8 151
Bataan Balanga 6.8% 760,650 1,372.98 530.11 550 1,400 1 11 237
Bulacan Malolos 29.3% 3,292,071 2,796.10 1,079.58 1,200 3,100 3 21 569
Nueva Ecija Palayan 19.2% 2,151,461 5,751.33 2,220.60 370 960 5 27 849
Pampanga San Fernando 19.6% 2,198,110 2,002.20 773.05 1,100 2,800 2 19 505
Tarlac Lungsod ng Tarlac 12.2% 1,366,027 3,053.60 1,179.00 450 1,200 1 17 511
Zambales Iba 5.3% 590,848 3,645.83 1,407.66 160 410 0 13 230
Angeles 3.7% 411,634 60.27 23.27 6,800 18,000 33
Olongapo 2.1% 233,040 185.00 71.43 1,300 3,400 17
Kabuoan 11,218,177 22,014.63 8,499.90 510 1,300 14 116 3,102

 †  Ang Angeles at Olongapo ay mga matataas na urbanisadong lungsod; hiwalay ang mga pigura sa mga lalawigan ng Pampanga at Zambales.

Mga Lungsod

May labing-apat na mga lungsod ang rehiyon ng Gitnang Luzon. Ang San Jose del Monte ay may pinakamaraming populasyon habang pinakamatao naman ang Angeles. Batay sa lawak ng lupa ang Lungsod ng Tarlac ay ang pinakamalaki sa rehiyon.

  •  †  Sentrong panrehiyon
 
Pinakamalalaking mga lungsod o bayan sa [[{{{country}}}]]
Source: 2020 PH Census Bureau Estimate
Ranggo Lalawigan Pop.
Gitnang Luzon: Etimolohiya, Paglalarawan, Demograpiya 
San Jose del Monte
Gitnang Luzon: Etimolohiya, Paglalarawan, Demograpiya 
Angeles
1 San Jose del Monte Bulacan 651,813 Gitnang Luzon: Etimolohiya, Paglalarawan, Demograpiya 
Tarlac City
Gitnang Luzon: Etimolohiya, Paglalarawan, Demograpiya 
San Fernando
2 Angeles Pampanga 462,928
3 Tarlac City Tarlac 385,398
4 San Fernando Pampanga 354,666
5 Cabanatuan Nueva Ecija 327,325
6 Mabalacat Pampanga 293,244
7 Malolos Bulacan 261,189
8 Olongapo Zambales 260,317
9 Meycauayan Bulacan 225,673
10 San Jose Nueva Ecija 150,917

Tingnan din

Mga sanggunian

Gitnang Luzon: Etimolohiya, Paglalarawan, Demograpiya  Gabay panlakbay sa Gitnang Luzon mula sa Wikivoyage

Tags:

Gitnang Luzon EtimolohiyaGitnang Luzon PaglalarawanGitnang Luzon DemograpiyaGitnang Luzon Mga pagkakahating administratiboGitnang Luzon Tingnan dinGitnang Luzon Mga sanggunianGitnang Luzon Mga Kawing PanlabasGitnang LuzonAurora (lalawigan)BataanBigasBulacanKapataganLuzonMga rehiyon ng PilipinasNueva EcijaPampangaPilipinasTarlacWikang IlokanoWikang InglesWikang KapampanganWikang PangasinanZambales

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Limang Haligi ng IslamTambanTelebisyonMiriam Defensor–SantiagoPalasyo ng MalakanyangSaligang batasAntonio LunaSanta Maria, BulacanRebolusyong industriyalPananakop ng mga Hapones sa PilipinasKampanya laban sa iligal na droga sa PilipinasSuhaPigingPang-uriEat Bulaga!TahananMagna CartaMagasinKarahasan laban sa kababaihanIskwalang panubokDinagyangPaghahalamanMarian RiveraTulinganPatricio MarianoNoli Me Tángere (nobela)Divina ValenciaUlapNavotasPamangkinMga pangkat etniko sa PilipinasSara DuterteUnibersidad ng Santo TomasAng Huling El BimboPelikulang katatakutanHacienda LuisitaPanunumpa ng Katapatan sa WatawatLeo EchegarayEspiritwalidadPaghihiwalay ng MindanaoAltapresyonDyords JavierFree Legal Assistance GroupKundolBantasAsoPakikipanayamKolusyonHatirang pangmadlaNagkakaisang BansaMao ZedongDuhatDiosdado MacapagalSultanato ng MaguindanaoSingkamasGonoreaKatuturanKasunduan sa NanjingSiningBundokBuwan ng WikaKatas ng pukeDasalGubatUnyong SobyetikoUnang HiritBenigno Aquino Jr.CariñosaSigarilyoKaibiganRabiesPilipinasMyrna DelgadoTalaan ng mga lindol sa PilipinasPandiwaGlobalisasyonTalaan ng mga bansa at teritoryo ayon sa lawakParusang kamatayan🡆 More