Pamahiin

Ang pamahiin ay isang paniniwala o kaugalian na tipikal na nagreresulta mula sa kamangmangan, isang maling pagkaunawa sa agham o sanhi (maling pagpapatungkol ng sanhi), isang paniniwala sa kapalaran o salamangka, pinaghihinalaang may impluwensyang sobrenatural, o ang takot sa hindi nalalaman.

Karaniwang nailalapat ang mga paniniwalang ito at kaugalian sa suwerte, propesiya, at ilang espirituwal na nilalang, partikular ang paniniwala na maaring mahulaan ang kaganapan sa hinaharap sa pamamagitan ng partikular na (tila) hindi kaugnay na nakaraang pangyayari.

Pamahiin
Tinanggal ang numero 13 mula sa buton ng isang elevator. Ilang lamang sa mga Kanluraning pamahiin tungkol sa pagiging malas ng numero 13.

Gayon din, kadalasang ginagamit ang salitang pamahiin upang tukuyin sa isang kasanayang panrelihiyon na hindi ginagawa ng karamihan sa isang binigay na lipunan na hindi alintana ang namamayaning relihiyon na mayroon din hinihinalang pamahiin.

Pamahiin
Ang mapamamahiing kaugalian ng paglalagay ng isang pakong kalawangin sa isang dayap na pinapaniwalaang nagtataboy ng matang masama, tularemia at kasamaan sa pangkalahatan, na nakadetalye sa tekstong alamat na "Popular Beliefs and Superstitions from Utah".

Kadalasang panira sa pangkalahatan ang pagtutukoy sa isang bagay bilang pamahiin. Ang bagay na sinasabing ganito sa karaniwang pananalita ay tinutukoy bilang pamabayang paniniwala (folk belief) sa polklorístika.

Pamahiing Pilipino

Sa kulturang Pilipino, bahagi na ang pamahiin sa matagal na panahon at ginagawa pa rin ng karamihan. Bagaman walang basehan ang mga ito, mayroon makukuha dito na mabuting halimbawa, gawi at pag-iingat. Ilan lamang sa halimbawa ng pamahiing Pilipino ang ang oro, plata, mata na nagsasabing kung nahahati sa tatlo ang hakbang ng hagdan ng isang tahanan ay nangangahulgang nakakaakit ang sambayanan sa kamatayan. Ang isang pang halimbawa ng pamahiin ay ang paglalagay ng ngipin ng isang bata sa bubong upang makaakit ng suwerte. May mga Pilipino din na kahit hindi naniwala sa pamihiin ay sinusunod pa rin tulad ng hindi pagtulog na basa ang buhok dahil nakakabulag o ang hindi pagwalis sa gabi dahil aalis ang suwerte.

Mga sanggunian

Tags:

AghamKamangmanganKaugalianPaniniwalaPropesiyaSalamangkaSobrenatural

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Ekonomiya ng PilipinasPananampalatayaSanaysayBulkang TaalPamangkinPaghahari-harianProklamasyon Blg. 1081TaripaSedulaErmitanyoBalutKonstruksiyonAsyaNanganganib na mga uriDouglas MacArthurSus scrofaLiwasang RizalKundolRebolusyong EDSA ng 1986Santa Maria, BulacanKasingkahuluganGrin DepartmentPamahalaan ng PilipinasTiyagaPanitikanPelikulang PilipinoWikang TagalogLangkaPatinigBibliyaEmilio AguinaldoSigarilyoSelosPagsasalinDaliri sa kamayKapataganFernando Poe Jr.KalakalanRodrigo DuterteMga Ibong MandaragitLapayPagmamanupakturaHeneral SantosMarikinaAnyong tubigPananakop ng mga Ingles sa MaynilaPambansang Alagad ng Sining ng PilipinasMaikling kuwentoListahan ng mga aktibong bulkan sa PilipinasDalagMga KrusadaLabanan sa BritanyaKapangyarihanBalbalPang-abayKudetaBarkoTuboHinuhaSekularisasyonKulugoBantasRaha SulaymanAmpalayaGlobalisasyonLambingSara DuterteMga isyu sa kapaligiran sa PilipinasPamilihanAgrikulturaGabriela SilangPamamanhikanKarahasan laban sa kababaihanBatas Republika Bilang 9165 ng PilipinasKompyuter🡆 More