Posisyong Papel

Ang isang posisyong papel ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang isinulat ng may-akda o ng nakatukoy na entidad, gaya ng isang partido pulitikal.

Nilalathala ang mga posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa batas at iba pang dominyo.

Ang balangkas ng isang posisyong papel ay mula sa pinakapayak tulad ng isang liham sa patnugot hanggang sa pinakamagusot tulad ng isang akademikong posisyong papel. Ginagamit rin ng malalaking organisasyon ang mga posisyong papel upang isapubliko ang kanilang mga opisyal na pananaw at ng kanilang mga mungkahi.

Sa Akademya

Nagbibigay daan ang mga posisyong papel sa akademya upang talakayin ang mga umuusbong na paksa nang walang eksperimentasyon at orihinal na pananaliksik na karaniwang makikita sa isang akademikong pagsulat. Karaniwan, pinagtitibay ng isang dokumento ang mga kuro-kuro o mga posisyong inihirap gamit ang ebidensiya mula sa malawak at obhetibong talakayan ng naturang paksa.

Sa Pulitika

Pinakakapaki-pakinabang ang mga posisyong papel sa konteksto kung saan mahalagang nakadetalye ang pag-unawa ng pananaw ng isang entidad; sa gayon, karaniwan itong ginagamit sa mga kampanya, organisasyong pampamahalaan, sa mundo ng diplomasya, at sa mga pagsisikap baguhin ang mga kuro-kuro (e.g. sa pamamagitan ng pamamathala ng lingkurang bayan) at branding ng mga organisasyon. Mahalaga itong bahagi ng proseso ng Model United Nations.

Sa pamahalaan, ang posisyong papel ay nasa pagitan ng white paper at green paper kung saan kinakatigan nila ang mga tiyak na opinyon at nagmumungkahi ng mga solusyon ngunit hindi umaabot sa pagdedetalye ng planong kung paano ipapatupad nito.

Sa Batas

Sa pandaigdigang batas, ang terminolohiyang ginagamit para sa isang posisyong papel ay Aide-mémoire. Ang isang aide-Mémoire ay isang memorandum na naglalahad ng mga maliliit na punto ng isang iminumungkahing talakayan o di-pinagsasang-ayunan, na ginagamit lalo na sa mga di-diplomatikong komunikasyon.

Mga sanggunian

Tags:

Posisyong Papel Sa AkademyaPosisyong Papel Sa PulitikaPosisyong Papel Sa BatasPosisyong Papel Mga sanggunianPosisyong PapelKuro-kuro

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

LuzonMyrna DelgadoPighatiKarapatang sibil at pampolitikaTag-initPanlapiSimbahang Katolikong RomanoEl NiñoKatipunanEat Bulaga!Maria Clara at IbarraKagawaran ng Tanggulang Bansa (Pilipinas)MarijuanaMarian RiveraJus sanguinisPatinigSikolohiyaArkiduke Franz Ferdinand ng AustriyaKronolohiya ng Rebolusyong EDSA ng 1986Gitnang LuzonPag-atake sa Pearl HarborAng Huling El BimboTributoPambansang Pulisya ng PilipinasDaunganPagmamanupakturaKatinigAraw ng KalayaanPariralaMangingisdaEmilio AguinaldoWency CornejoAntonio LunaLa SolidaridadBatas CooperPulmonyaPananampalatayaMga rehiyon ng PilipinasKasoyCatarman, Hilagang SamarSilid-aralanSiningKalabawKudetaDambanang Rizal (Calamba)Pandemya ng COVID-19KatotohananPagbabawasDarnaPamamanhikanPasismoMuhammadLipunang pambayanRespetoLa Ilustración FilipinaNobelaPanaboYantokBundok ApoTuberkulosisAnyong tubigKulugoBanaag at SikatBaybayImpraestrukturaLungsod QuezonVietnamDalampasiganBawal na gamotKuwentong-bayanPananaliksikEnsiklopedyaKagat ng asoPalakasanKatauhang pangkasarianHuwaran🡆 More