Wuhan

Ang Wuhan ( ( pakinggan); Tsinong pinapayak: 武汉; Tsinong tradisyonal: 武漢) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng lalawigan ng Hubei, Tsina.

Ito ang pinakamataong lungsod sa Gitnang Tsina na may populasyon ng higit sa 10 milyon, ang pampitong pinakamataong lungsod ng bansa, at isa sa siyam na mga Pambansang Gitnang Lungsod ng Tsina. Ito ay nasa silangang Kapatagan ng Jianghan, sa gitnang kahabaan ng tagpuan ng Ilog Yangtze sa Ilog Han. Bilang isang lungsod na nagmumula sa pagsasama ng tatlong mga lungsod, Wuchang, Hankou, at Hanyang, nakilala ang Wuhan bilang "Lansangang bayan ng Tsina" (九省通衢), at hawak nito ang katayuang sub-probinsiyal.

Wuhan

武汉市
Antas-prepektura at Sub-probinsiyal na lungsod
Wuhan
Wuhan
Wuhan
Wuhan
Mula taas, kaliwa-pakanan: Tulay ng Ilog Yangtze sa Wuhan, Budistang Templo ng Gude, Lumang Aklatan ng Unibersidad ng Wuhan, Toreng Yellow Crane
Palayaw: 
九省通衢  
(Pinapayak na Tsino "Ang Lansangambayan ng Tsina")
Ang Chicago ng Tsina
江城  (Pinapayak na Tsino "Ang Lungsod na Ilog")
Bansag: 
武汉, 每天不一样  
(Pinapayak na Tsino "Wuhan, Kakaiba Araw-Araw!")
Kinaroroonan ng nasasakupan ng Lungsod ng Wuhan sa Hubei
Kinaroroonan ng nasasakupan ng Lungsod ng Wuhan sa Hubei
Wuhan is located in China
Wuhan
Wuhan
Kinaroroonan sa Tsina
Wuhan is located in Asya
Wuhan
Wuhan
Wuhan (Asya)
Mga koordinado: 30°35′N 114°17′E / 30.583°N 114.283°E / 30.583; 114.283 114°17′E / 30.583°N 114.283°E / 30.583; 114.283
BansaWuhan PRC
LalawiganHubei
Tinirhan1500 BK
Unang pinag-isaEnero 1, 1927
Mga paghahati
 Antas-kondado
 Antas-township

13 distrito
156 subdistrito, 1 bayan, 3 mga township
Pamahalaan
 • Kalihim ng PartidoMa Guoqiang
 • AlkaldeZhou Xianwang (周先旺,agent)
Lawak
 • Antas-prepektura at Sub-probinsiyal na lungsod8,494.41 km2 (3,279.71 milya kuwadrado)
 • Urban
 (2018)
1,528 km2 (590 milya kuwadrado)
Taas37 m (121 tal)
Populasyon
 (2015)
 • Antas-prepektura at Sub-probinsiyal na lungsod10,607,700
 • Kapal1,200/km2 (3,200/milya kuwadrado)
 • Urban
 (2018)
7,980,000
 • Metro
19 milyon
DemonymWuhanese; taga-Wuhan
Mga wika
 • Mga wikaWikaing Wuhan, Pamantayang Tsino
Pangunahing mga pangkat etniko
 • Mga pangunahing pangkat etnikoHan
Sona ng orasUTC+8 (Pamantayang Tsina)
Kodigong postal
430000–430400
Kodigo ng lugar0027
Kodigo ng ISO 3166CN-HB-01
GDP2018
 - KabuuanCNY 1.485 trilyon
USD 224.28 bilyon (8th)
 - Sa bawat taoCNY 138,759
USD 20,960 (nominal) - 40,594 (PPP) (Pan-11)
 - PaglagoIncrease 8% (2018)
Mga unlapi ng plaka ng sasakyan鄂A
鄂O (kapulisan at mga awtoridad)
Puno ng lungsodMetasequoia
Bulaklak ng lungsodPlum blossom
Websayt武汉政府门户网站 (Wuhan Government Web Portal) (sa Tsino); English Wuhan (in English)

Umaabot nang 3,500 taon ang kasaysayan ng Wuhan. Ito ang kinalalagyan ng Himagsikan ng Wuchang, na humantong sa pagbagsak ng Dinastiyang Qing at ang pagtatag ng Republika ng Tsina. Panandaliang naging kabisera ng Tsina ang Wuhan noong 1927 sa ilalim ng kaliwang kapulungan pamahalaan ng Kuomintang (KMT) na pinamunuan ni Wang Jingwei. Kalaunan ay naglingkod ang lungsod ay bilang kabisera ng Tsina sa kasagsagan ng digmaan noong 1937 sa loob ng 10 buwan, noong Ikalawang Digmaang Tsino-Hapones. Noong Himagsikang Pangkalinangan, naganap ang isang armadong labanan sa pagitan ng dalawang magkasalungat na mga pangkat na naglalaban para sa kapangyarihan sa lungsod; ito ay naging kilala bilang Insidente sa Wuhan.

Kasalukuyang kilala ang Wuhan bilang sentro ng politika, ekonomiya, pananalapi, komersiyo, kalinangan, at edukasyon ng Gitnang Tsina. Ito ay isang pangunahing pusod ng transportasyon, kalakip ng dose-dosenang mga daambakal, daan at mabilisang daanan na dumaraan sa lungsod at nag-uugnay sa ibang mga pangunahing lungsod. Dahil sa napakahalagang gampanin nito sa panloob na transportasyon, minsang tinutukoy ang Wuhan bilang "ang Chicago ng Tsina" ng banyagang mga sanggunian. Ang "Ginintuang Daanang-tubig" ng Ilog Yangtze at ng pinakamalaking sangay nito, ang Ilog Han, ay bumabagtas sa pook urbano at hinahati ang Wuhan sa tatlong mga distrito: Wuchang, Hankou, at Hanyang. Tumatawid sa Yangtze sa lungsod ang Tulay ng Ilog Yangtze sa Wuhan. Di-kalayuan matatagpuan ang Saplad ng Tatlong Bangin, ang pinakamalaking estasyon ng kuryente sa mundo ayon sa nakakabit na kapasidad.

Habang naging isang nakagisnang lugar ng paggawa ang Wuhan sa loob ng maraming mga dekada, isa na rin ito sa naging mga lugar na naghihikayat ng makabagong pagbabago sa industriya. Ang Wuhan ay binubuo ng tatlong mga pambansang sona ng pagpapaunlad, apat na siyentipiko at teknolohikong mga liwasang pagpapaunlad, higit sa 350 mga suriang pananaliksik, 1,656 na mga negosyo sa makabagong teknolohiya, maraming mga enterprise incubator, at mga pamumuhunan mula sa 230 Fortune Global ng 500 mga kompanya. Nakalikha ito ng GDP na US$ 224 bilyon noong 2018. Nakahimpil sa lungsod ang Dongfeng Motor Corporation, isang tagagawa ng mga kotse. Tahanan din ang Wuhan ng maraming mga kilalang surian sa mataas na edukasyon, kabilang na ang Unibersidad ng Wuhan na pumapangatlo sa buong bansa noong 2017, at ang Huazhong University of Science and Technology.

Dumanas ang Wuhan noon sa mga banta ng pagbaha, na nagpa-udyok sa pamahalaan na maglunsad ng mga mekanismong absorsiyon na di-nakapipinsala sa kalikasan upang maibsan ang pagbaha. Noong 2017, itinalaga ng UNESCO ang Wuhan bilang isang Malikhaing Lungsod sa larangan ng pagdidisenyo. Ibinukod ng Globalization and World Cities Research Network ang Wuhan bilang isang Beta world city.

Dinaos ang 2011 FIBA Asia Championship sa Himnasyon ng Wuhan, at isa ito sa mga naging tagpo ng 2019 FIBA Basketball World Cup. Idinaos din sa lungsod ang Ikapitong Military World Games mula Oktubre 18 hanggang 27, 2019.

Magmula noong kahulihan ng Enero 2020, nasa ilalim ng paglo-lockdown ang lungsod dahil sa kamakailang paglaganap ng SARS-CoV-2. Ipinalalagay ng ilan na lumitaw ang epidemya sa Pamilihang Pakyawan ng Pagkaing-dagat ng Huanan sa Distrito ng Jianghan, na nakasara na mula noon. Tinatayang nasa limang milyong katao ang nakaalis ng lungsod bago nagsimula ang lockdown, na nag-udyok ng poot at pagbatikos sa pamahalaan dahil sa huling pagkukuwarentenas sa lungsod.

Etimolohiya

Wuhan
Wuhan 
"Wuhan" sa Pinapayak (itaas) at Nakagisnang (ibaba) mga Tsinong panitik
Pinapayak na Tsino武汉
Tradisyunal na Tsino武漢
Kahulugang literal"[Ang pinagsamang mga lungsod ng] Wǔ[chāng] at Hàn[kǒu]"

Ang pangalang "Wuhan" ay isang portmanteau o pagsasama ng dalawang pangunahing mga lungsod sa hilaga at katimugang mga pampang ng Ilog Yangtze na bumubuo sa daklungsod ng Wuhan. Tumutukoy ang "Wu" sa lungsod ng Wuchang (Tsino: 武昌), na nasa katimugang pampang ng Yangtze, habang ang "Han" naman ay tumutukoy sa Hankou (Tsino: 汉口), na nasa hilagang pampang ng Yangtze.

Noong 1926, umabot ang Northern Expedition sa lugar ng Wuhan at ipinasiyang isanib ang Hankou, Wuchang at Hanyang para maging isang lungsod upang makalikha ng bagong kabisera para sa Nasyonalistang Tsina. Noong Enero 1, 1927, ang naging lungsod ay inihayag bilang '武漢' (ang tradisyonal na mga Tsinong panitik para sa 'Wuhan'), na paglaon ay ginawang payak bilang '武汉'.

Kasaysayan

Sinaunang kasaysayan

Pinamayanan na ang lugar ng Wuhan sa loob ng 3,500 taon. Matatagpuan sa kasalukuyang Distrito ng Huangpi ang Panlongcheng, isang sityong arkeolohiko na pangunahing ini-uugnay sa kultura ng Erligang (mga 1510 – mga 1460 B.K.) (na kakaunti lamang ang nakatira noong unang bahagi ng panahon ng Erlitou).

Noong Kanluraning Zhou ang Estado ng E, na isinunod ang pangalan sa isang panitik na daglat ng lalawigan ng Hubei, ay humawak sa kasalukuyang lugar ng Wuchang sa timog ng Ilog Yangtze. Pagkaraang sakupin ang estado ng E noong 863 B.K., pinamumuan ng Estado ng Chu ang kasalukuyang lugar ng Wuhan sa loob ng nalalabing mga panahon ng Kanluraning Zhou at Silanganing Zhou.

Sinaunang Imperyo ng Tsina

Noong dinastiyang Han, naging isang maabalang pantalan ang Hanyang. Ang Labanan sa Xiakou noong 203 P.K. at ang Labanan sa Jiangxia limang taon pagkaraan ng nasabing labanan ay ipinakipaglaban dahil sa kontrol sa Jiangxia Commandery (kasalukuyang Distrito ng Xinzhou sa hilagang-silangang Wuhan). Noong taglamig ng 208/9 P.K., naganap sa lugar ng mga bangin malapit sa Wuhan ang Labanan sa mga Pulang Bangin, ang isa sa pinakatanyag na mga labanan sa kasaysayan ng Tsina at mahalagang kaganapan sa Romansa ng Tatlong Kaharian (Romance of the Three Kingdoms). Noong mga panahong iyon, itinayo ang mga pader upang maprotektahan ang Hanyang (206 P.K.) at Wuchang (223 P.K.). Ang huling nabanggit na kaganapan ay tumatanda sa pagtatatag ng Wuhan. Noong 223 P.K., itinayo sa Wuchang na panig ng Ilog Yangtze ang Toreng Yellow Crane, isa sa Apat na mga Dakilang Tore ng Tsina, sa utos ni Sun Quan, pinuno ng Silanganing Wu. Naging banal na lugar ng Taoismo ang tore.

Dahil sa mga kaguluhan sa pagitan ng mga estado ng Silanganing Wu at Cao Wei, noong taglagas ng 228 P.K., Iniutos ni Cao Rui, apo ni Cao Cao at ang ikalawang emperador ng estado ng Cao Wei, si heneral Man Chong upang mamuno ng mga kawal papuntang Xiakou (夏口; sa kasalukuyang Wuhan). Noong 279 P.K., sinakop ni Wang Jun at ng kaniyang mga hukbo ang mga estratehikong pook sa teritoryo ng Wu tulad ng Xiling (sa kasalukuyang Yichang, Hubei), Xiakou (夏口; kasalukuyang Hankou) at Wuchang (武昌; kasalukuyang Ezhou, Hubei).

Noong taglagas ng 550 P.K., ipinadala ni Hou Jing si Ren Yue upang salakayin si Xiao Si (蕭嗣), anak nina Xiao Daxin at Xiao Fan. Napatay ni Ren si Xiao Si sa labanan, at nang hindi na niya kayang lumaban, sumuko si Xiao Daxin, kaya nakuha at nakontrol ni Hou ang kaniyang lupa. Samantala, binalak ni Xiao Guan (na sa mga panahong iyon ay nakatira sa Jiangxia, 江夏, sa kasalukuyang Wuhan), na salakayin si Hou, ngunit ikinagalit ito ni Xiao Yi na naniniwalang may balak si Xiao Guan para sa trono, at ipinadala niya si Wang para salakayin siya. Noong tag-init ng 567 P.K., inatasan ni Chen Xu si Wu Mingche bilang gobernador ng Lalawigan ng Xiang at ibinigay sa kaniya ang pamumuno ng malaking bahagi ng mga hukbo laban sa Hua, kasama ang Chunyu Liang (淳于量). Nagkatagpo ang magkalabang mga panig sa Zhuankou (沌口, sa kasalukuyang Wuhan).

Matagal nang kilala ang lungsod bilang sentro ng mga sining (lalo na sa tula) at mga pag-aaral na intelektuwal. Bumisita si Cui Hao, isang bantog na manunula ng dinastiyang Tang, sa Toreng Yellow Crane noong unang bahagi ng ika-8 siglo; sa tulong ng kaniyang tula, naging pinakabantog na gusali ito sa katimugang Tsina.

Noong tagsibol ng 877 P.K., binihag ni Wang Xianzhi ang Prepektura ng E (鄂州, sa kasalukuyang Wuhan). Bumalik muli siya sa hilaga, sumama muli sa mga puwersa ni Huang, at pinalibutan nila ang Song Wei sa Prepektura ng Song (宋州, sa kasalukuyang Shangqiu, Henan). Noong taglamig ng 877 P.K., sinamsam ni Huang Chao ang mga Prepektura ng Qi at Huang (黃州, sa kasalukuyang Wuhan).

Bago dumating si Kublai Khan noong 1259, nakarating sa kaniya ang balitang namatay na si Möngke. Ipinasiya niyang ilihim ang kamatayan ng kaniyang kapatid at ipinagpatuloy ang pananalakay sa lugar ng Wuhan, malapit sa Yangtze. Habang pinalibutan ng hukbo ni Kublai ang Wuchang, sumama sa kaniya si Uryankhadai.[kailangan ng sanggunian] Ang kasalukuyang Pagoda ng Wuying ay itinayo sa kahulihan ng dinastiyang Song sa kasagsagan ng mga pag-atake ng mga puwersang Monggol. Sa ilalim ng mga pinunong Monggol (dinastiyang Yuan, pagkaraan ng taong 1301), naging kabisera ng lalawigan ng Hubei ang prepektura ng Wuchang, na nakahimpil sa bayan. Ang Hankou mula Ming hanggang sa huling bahagi ng Qing ay nasa ilalim ng pamamahala ng lokal na pamahalaan sa Hanyang, bagamat isa na ito sa apat na pangunahing mga pamilihang pambansa (zh:四大名镇) ng dinastiyang Ming.

Dinastiyang Qing

Itinayo ang Templo ng Guiyuan ng Hanyang sa ika-15 taon ni Shunzhi (1658). Sa pasimula ng ika-18 siglo, ang Hankou ay naging isa sa apat na pinakamahalagang mga bayan ng Tsina sa kalakalan. Noong kahulihan ng ika-19 siglo, idinugtong ang mga daambakal sa hilaga–patimog na aksis sa lungsod, kaya naging isang mahalagang lugar ang Wuhan ng paglipat-lipat ng mga kalakal at kargamento (transshipment) sa pagitan ng trapikong riles at trapikong ilog. Sa panahon ding ito nakakuha ang mga banyagang kapangyarihan ng mga konsesyon sa kalakalan. Hinati sa mga distritong pangkalakalan na hawak ng mga dayuhan ang baybay ng ilog ng Hankou. Ang mga distritong ito ay may mga tanggapan ng kompanyang pangangalakal, bodega, at pasilidad ng daungan. Ang mga Pranses ay may konsesyon sa Hankou.

Wuhan 
Wuhan noong 1864

Sa kasagsagan ng Himagsikang Taiping, hinawak ng mga puwersa ng mga rebelde ang lugar ng Wuhan sa loob ng maraming mga taon, at winasak ang Toreng Yellow Crane, Templong Xingfu, Templong Zhuodaoquan at iba pang mga gusali. Noong Ikalawang Digmaang Opyo (kilala sa Kanluranin bilang Digmaang Arrow, 1856–1860), tinalo ng mga banyagang kapangyarihan ang pamahalaan ng dinastiyang Qing, at nilagdaan nito ang mga Kasunduan ng Tianjin at ang Kumbensiyon ng Peking, na nagtatakdang gawing mga daungang pangangalakal (trading ports) ang labing-isang mga lungsod, kabilang ang Hankou. Noong Disyembre 1858, pinamunuan ni James Bruce, Ikawalong Erl ng Elgin, Mataas na Komisyoner sa Tsina, ang pagbiyahe ng apat na mga barkong pandigma sa Ilog Yangtze patungong Wuhan upang mangalap ng kinakailangang impormasyon para sa pagbubukas ng daungang pangangalakal sa Wuhan.

Noong tagsibol ng 1861, ipinadala sa Wuhan sina Tagapayo Harry Parkes at Almirante Herbert upang buksan ang isang daungang pangangalakal. Sa batayan ng Kumbensiyon ng Peking, tinapos ni Harry Parkes ang Kasunduang Hankou Lend-Lease kasama si Guan Wen, ang gobernador-heneral ng Hunan at Hubei. Ito ay nagpabili ng 30.53 kilometro kuwadrado (11.79 milyang kuwadrado) na sakop sa kahabaan ng Ilog Yangtze (mula sa kasalukuyang Daang Jianghan hanggang Daang Hezuo) upang maging isang Konsesyong Briton at pinahintulutan ang Britanya na makapagtatag ng kanilang konsulado sa konsesyon. Kaya naging isang bukas na daungang pangangalakal ang Hankou.[kailangan ng sanggunian]

Wuhan 
Mga dayuhang konsesyon sa kahabaan ng Hankow Bund, mga taong 1900.

Noong 1889, inilipat si Zhang Zhidong, opisyal ng Qing, mula puwestong Birey ng Liangguang (mga lalawigan ng Guangdong at Guangxi) sa Birey ng Huguang (mga lalawigan ng Hunan at Hubei). Pinamunuan niya ang lalawigan s loob ng 18 taon, hanggang 1907. Sa panahong ito, ipinaliwanag niya ang teoriya ng "Tsinong pag-aaral bilang saligan, Kanluraning pag-aaral para sa paglalapat," na kilala bilang huwarang ti-yong. Nagtayo siya ng maraming mga industriyang mabibigat, nagtatag siya Hanyang Steel Plant, Minahang Bakal ng Daye, Minahang Karbón ng Pingxiang, at Hubei Arsenal at nagtayo ng pampook na mga industriyang tela, na nagpasulong sa lumalagong makabagong industriya sa Wuhan. Samantala, sinimulan niya ang pagbabago sa edukasyon. Binuksan niya ang dose-dosenang mga makabagong organisasyon sa edukasyon, tulad ng Akademya ng Klasikong Pag-aaral ng Lianghu (Hunan at Hubei; Lianghu Academy of Classical Learning), Pangkalahatang Suriang Pambayan (Civil General Institute), Pangkalahatang Suriang Pangmilitar (Military General Institute), Surian ng mga Wikang Dayuhan (Foreign Languages Institute) at Pangkalahatang Paaralang Pantagapagturo ng Lianghu (Hunan and Hubei; Lianghu General Normal School), at pumili siya ng maraming mga estudyante para makapag-aral sa ibayong-dagat, na nagpataguyod sa pagpapaunlad ng makabagong edukasyon ng Tsina. Dagdag pa ang pagsasanay niya ng isang makabagong militar at pagbubuo niya ng isang makabagong hukbo sa Hubei. Lahat ng mga ito ay nakapaglatag ng matibay na pundasyon para sa modernisasyon ng Wuhan.[kailangan ng sanggunian]

Unang nakilala bilang Hubei Arsenal, ang Hanyang Arsenal ay itinatag ni Zhang Zhidong noong 1891. Pinauwi niya ang mga pondong para sa Plota ng Nanyang sa Guangdong upang maitayo ang taguan ng mga sandata. Nagkakahalaga ito ng humigit-kumulang 250,000 libra esterlina at itinayo ito sa loob ng 4 na taon. On 23 April 1894, construction was completed and the arsenal, occupying some 40 acre (160,000 m2), could start production of small-caliber cannons. It built magazine-fed rifles, Gruson quick fire guns, and cartridges.

Himagsikang Wuchang

Wuhan 
Memoryal ng Himagsikang Wuchang, ang unang sityo ng pamahalaang rebolusyonaryo noong 1911
Wuhan 
Ang kasalukuyang Wuhan noong 1915

Pagsapit ng 1900, ayon sa magasin ng Collier's, Hankau, ang mabilis na lumalago at papaunlad na komunidad sa Ilog Yangtze, ay "ang St. Louis at Chicago ng Tsina." Noong Oktubre 10, 1911, inilunsad ng mga tagasunod ni Sun Yat-sen ang Himagsikang Wuchang (Wuchang Uprising), na humantong sa pagbagsak ng dinastiyang Qing, gayon din ang pagtatatag ng Republika ng Tsina. Naging kabisera ang Wuhan ng makakaliwang pamahalaan ng Kuomintang na pinamunuan ni Wang Jingwei, bilang pagsalungat sa makakanang pamahalaan ni Chiang Kai-shek noong dekada-1920.

Nagsimula sa Wuhan ang Himagsikang Wuchang ng Oktubre 1911 na nagpatalsik sa dinastiyang Qing. Bago ang himagsikan, masigasig sa lungsod ang mga samaháng tutol sa Qing. Noong Setyembre 1911, isang pagsiklab ng mga pagtutol sa Sichuan ay pumilit sa mga awtoridad ng Qing na magpadala ng bahagi ng Bagong Hukbong nakahimpil sa Wuhan upang supilin ang panghihimagsik. Noong Setyembre 14, natatag ang Literary Society (文學社) at ang Progressive Association (共進會), dalawang pampook na mga samaháng rebolusyonaryo sa Hubei, ng kanilang magkatulong na himpilan sa Wuchang at nagplano ng isang himagsikan. Sa umaga ng Oktubre 9, sumabog ang isang bomba sa tanggapan ng politikal na kaayusan nang wala pa sa panahon at nagpababala sa mga lokal na awtoridad. Ang pagpapahayag ng himagsikan, beadroll at ang opisyal na sagisag ng mga rebolusyonaryo ay napunta sa mga kamay ni noo'y gobernador-heneral ng Hunan at Hubei na si Rui Cheng, na pinag-utos ang paggiba ng himpilan sa parehong araw at humayo upang huliin ang mga rebolusyonaryong nakatala sa beadroll. Ito ay nagpapilit sa mga rebolusyonaryong maglunsad ng himagsikan nang mas-maaga.

Sa gabi ng Oktubre 10, nagpaputok ng mga armas ang rebolusyonaryo para ihudyat ang himagsikan sa mga kuwartel inhenyeriya ng Bagong Hukbo ng Hubei. Namuno naman sila sa Bagong Hukbo ng lahat ng mga kuwartel para sumali sa rebolusyon. Sa ilalim ng paggabay nina Wu Zhaolin, Cai Jimin at iba pa, kinuha ng hukbong rebolusyonaryo na ito ang opisyal na tiráhan ng gobernador at mga tanggapan ng pamahalaan. Nagsitakas si Rui Cheng papunta sa barkong Chuyu. Tumakas din sa lungsod si Zhang Biao, ang komandante ng hukbong Qing. Umaga ng ika-11, nakuha ng hukbo rebolusyonaryo ang buong lungsod ng Wuchang, ngunit naglaho ang mga pinuno tulad nina Jiang Yiwu at Sun Wu. Kaya inirekomenda ng walang pinuno na hukbong rebolusyonaryo si Li Yuanhong, ang pangalawang gobernador ng hukbong Qing, bilang púnong komandante. Itinatag ni Li ang Pamahalaang Militar ng Hubei, inihayag ang pagbuwag ng pamumunong Qing sa Hubei, ang pagtatatag ng ng Republika ng Tsina at inilathala ang isang bukas na telegrama na humihikayat sa ibang mga lalawigan na sumama sa rebolusyon.

Pagkalat ng rebolusyon sa ibang mga bahagi ng bansa, itinuon ng pamahalaang Qing ang mga puwersang militar na loyalista upang supilin ang himagsikan sa Wuhan. Mula Oktubre 17 hanggang Disyembre 1, ipinagtanggol ng hukbong rebolusyonaryo at mga pampook na boluntaryo ang lungsod sa Labanan sa Yangxia laban sa mas-marami at mas-malakas sa armas na mga puwersang Qing na pinamunuan ni Yuan Shikai. Darating sa Wuhan si Huang Xing noong unang bahagi ng Nobyembre upang pamunuan ang hukbong rebolusyonaryo. Kasunod ng matinding labanan at maraming namatay at nasugatan, sinakop ng mga puwersa ng Qing ang Hankou at Hanyang. Subalit nagkasundo si Yuan na ihinto ang naka-ambang na pagsakop sa Wuchang at sumali sa mga usapang pangkapayapaan, na magbubunga paglaon sa pagbalik ni Sun Yat-sen mula sa pagkatapon at pagtatatag ng Republika ng China noong Enero 1, 1912. Sa pamamagitan ng Himagsikang Wuchang, nakilala rin ang Wuhan bilang dakong sinilangan ng Rebolusyong Xinhai na ipinangalan mula sa taong Xinhai sa kalendaryong Tsino. May mga museo at memoryal ang lungsod bilang pag-ala-ala sa rebolusyon at libu-libong mga martir na namatay habang ipinagtatanggol ang rebolusyon.

Republika ng Tsina

Wuhan 
Isang mapa ng Wuhan na ipininta ng mga Hapones noong 1930, kalakip ang Hankou bilang pinakamaunlad na bahagi

Kalakip ng hilagang karugtong ng Northern Expedition, lumipat ang sentro ng Dakilang Rebolusyon sa limasan ng Ilog Yangtze mula sa limasan ng Ilog Perlas. Noong Nobyembre 26, ipinasya ng KMT Central Political Committee na ilipat ang kabisera sa Wuhan mula Guangzhou. Noong kalagitnaan ng Disyembre, dumating sa Wuhan ang karamihan sa mga komisyoner ng ehekutibong sentral ng KMT at komisyoner ng pamahalaang pambansa, nagtatag ng pansamantalang pagpupulong na magkasama ang komisyoner ng ehekutibong sentral ng KMT at komisyoner ng pamahalaang pambansa, ginampanan ang pangunahing mga aktibidad ng punong tanggapan ng partidong sentral at ng Pamahalaang Nasyonal, inihayag na magtatrabaho sila sa Wuhan noong Enero 1, 1927, at ipinasiyang pagsamahin ang mga bayan ng Wuchang, Hankou, at Hanyang para gawing Lungsod ng Wuhan, na tinawag na "Distritong Kapital". Ang pamahalaang pambansa ay nasa Gusaling Nanyang sa Hankou, habang pinili ng mga punong tanggapn ng partidong sentral at ng ibang mga samahán na maghimpil sa Hankou o Wuchang.

Noong Marso 1927, dumalo si Mao Zedong sa Ikatlong Plenum ng Komite ng Ehekutibong Sentral ng KMT sa Wuhan, na nilayong tanggalan si Heneral Chiang ng kaniyang kapangyarihan at hirangin si Wang Jingwei bilang pinuno. Naantala ang unang yugto ng Northern Expedition dahil sa hidwaang politikal sa Kuomintang kasunod ng pagbubuo ng pangkat sa Nanjing noong Abril 1927 laban sa umiiral na pangkat sa Wuhan. Nagkita sa Wuhan ang mga kasapi ng Partidong Komunista ng Tsina na nakaligtas mula sa masaker ng Abril 12 atmuling inihalal si Chen Duxiu (Ch'en Tu-hsiu) bilang Kalihim Heneral ng Partido. May bahaging inudyukan ng paglilinis ng mga Komunista sa loob ng partido ang politikal na hidwaan, na tumanda ng katapusan ng First United Front, at samdaling bumaba sa puwesto ng pagiging komandante ng Pambansang Hukbong Katihan ng Rebolusyonaryo si Chiang Kai-shek.

Noong Hunyo 1927, nagpadala si Stalin ng isang telegrama sa mga Komunista sa Wuhan, na humihiling ng mobilisasyon ng isang hukbo ng mga manggagawa at magsasaká. Ikina-alarma ito ni Wang Jingwei, na pumasiyang wakasan ang ugnayan sa mga Komunista at makipagkasundo kay Chiang Kai-shek. Ang kudeta sa Wuhan ay isang pagbabagong pampolitika noong Hulyo 15, 1927 na ginawa ni Wang Jingwei tungo kay Chiang Kai-shek at sa kaniyang karibal na pangkat ng KMT na nakabase sa Shanghai. Itinatag sa Wuhan noong Pebrero 21, 1927 ang Pamahalaang Nasyonalista ng Wuhan, at natapos noong Agosto 19, 1927. Pagkaraan ng katapusan ng Northern Expedition, itinaas ang pangmunisipyong antas ng Hankou sa munisipalidad na kontrolado ng pambansang pamahalaan.

Noong pagbaha sa Tsina ng 1931 na isa sa pinakanakamamatay na pagbaha sa kasaysayan ng mundo, naging kanlungan ang Wuhan para sa mga biktima ng pagbaha mula sa mga kalapit na lugar, na dumaragsa na simula noong kahulihan ng tagsibol. Ngunit nang bumaha mismo ang lungsod noong simula ng tag-init, at kasunod ng nakamiminsalang pagbigay ng dike bago mag-alas-6 ng umaga noong Hulyo 27,:270 tinatayang 782,189 urbanong mamamayan at rural na mga bakwit ang nawalan ng tirahan. Sumakop ang baha sa lawak na 32 milya kuwadrado, at nasa maraming talampakan ng tubig ang taas ng baha sa lungsod na tumagal ng halos tatlong mga buwan.:269–270 Maraming nagtipon sa mga pulo o mga tuyong bahagi ng lupa ng lungsod, kalakip ng 30,000 na kumubli sa isang pilapil ng daambakal sa gitnang Hankou. Dahil sa kakulangan ng makakain at pagguho ng kalagayang pangkalinisan sa lungsod, libu-libo ang binawian ng buhay dulot ng mga sakit.Inilarawan ni Jin Shilong, Nakatataas na Inhinyero sa Hubei Flood Prevention Agency, ang pagbaha (sa Ingles):

There was no warning, only a sudden great wall of water. Most of Wuhan's buildings in those days were only one story high, and for many people there was no escape- they died by the tens of thousands. ... I was just coming off duty at the company's main office, a fairly new three-story building near the center of town ... When I heard the terrible noise and saw the wall of water coming, I raced to the top story of the building. ... I was in one of the tallest and strongest buildings left standing. At that time no one knew whether the water would subside or rise even higher.:270

Umabot ang pinakamataas na marka ng tubig-baha noong Agosto 19 sa Hankou, na umabot ng 16 metro (53 talampakan) na higit pa sa karaniwan. Noong 1936, nang tumama ang likas na sakuna sa Gitnang China na nagdulot ng malawakang pagbaha sa Hebei, Hunan, Jiangxi, Wuhan at Chongqing sanhi ng pag-apaw ng mga Ilog Yangtze at Huai, lumikom ng pera at mga materyal si Ong Seok Kim, Kalihim ng Sitiawan Fundraising and Disaster Relief Committee, bilang suporta sa mga biktima.

Wuhan 
Bapor kanyonero ng Zhongshan

Noong Ikalawang Digmaang Tsino-Hapones at kasunod ng pagbagsak ng Nanking noong Disyembre 1937, naging pansamantalang kabisera ng pamahalaang Kuomintang ng Tsina ang Wuhan, at naging isa pang sentro ng pakikipaglaban sa himpapawid simula noong unang bahagi ng 1938 sa pagitan ng makabagong pang-isahang eroplano na nagdadala ng bomba at eroplanong pandigma ng mga puwersa ng Hukbong Imperyal ng Hapon at ang Hukbong Himpapawid ng Tsina, na kinabibilangan ng suporta mula sa Soviet Volunteer Group sa kapuwang mga eroplano at tauhan, habang naglaho ang suporta mula sa Estados Unidos sa mga kagamitang pandigma. Habang nagpatuloy ang labanan noong 1938, ang Wuhan pati ang nakapaligid na rehiyon ay naging sityo ng Labanan sa Wuhan. Pagkaraang kinuha ng mga Hapones noong kahulihan ng 1938, naging isang pangunahing sentro ng mga operasyong lohistika ng mga Hapones ang Wuhan sa katimugang Tsina.

Wuhan 
Si Chiang Kai-Shek na sinusuri ang mga sundalong Tsino sa Wuhan habang papalapit ang mga puwersang Hapones sa lungsod

Noong unang bahagi ng Oktubre 1938, pumunta sa silangan at hilaga ang mga hukbong Hapones sa dakong labas ng Wuhan. Dahil diyan, kinailangang lumipat pakanluran sa Hubei at Sichuan ang maraming mga kompanya at negosyo pati maraming bilang ng tao. Ang hukbong dagat ng KMT ay bumalikat ng pananagutan ng pagdepensa ng Ilog Yangtze sa pamamagitan ng pagpapatrolya. Noong Oktubre 24, nakipagdigma ang Zhongshan, bapor kanyonero ng KMT, sa anim na mga sasakyang panghimpapawid ng mga Hapones habang nagpapatrolya ng mga katubigan ng Ilog Yangtze malapit sa bayan ng Jinkou (Distrito ng Jiangxia sa Wuhan) sa Wuchang. Bagamat napabagsak ng Zhongshan ang dalawa sa mga eroplano, pinalubog ng mga Hapones ang bapor kanyonero na ikinasawi ng 25. Noong 1997 iniahon ito mula sa kailaliman ng Ilog Yangtze at inayos ito sa isang pampook na gawaan ng barko. Kasalukuyang nasa isang museong itinayo nang may layon sa Distrito ng Jiangxia ang Zhongshan, na binuksan noong Setyembre 26, 2011.

Bilang mahalagang sentro sa Yangtze, isang mahalagang base ang Wuhan para sa mga operasyong Hapones sa Tsina. Noong Disyembre 18, 1944, binomba ang Wuhan ng 77 eroplanong Amerikano na nagdadala ng bomba, at humantong sa isang mapaminsalang sunog na ikinawasak sa malaking bahagi ng lungsod. Sa loob ng susunod na tatlong mga araw, binomba ng mga Amerikano ang Wuhan, na nagpawasak sa lahat ng mga daungan at bodega ng lungsod, pati na ang mga baseng panghimpapawid ng mga Hapones sa lungsod. Ikinasawi ng libu-libong mga Tsinong sibilyan ang mga pambobombang ito. "Ayon sa estadistika ng mga nadisgrasya na tinipon ng lungsod ng Hankou noong 1946, higit sa 20,000 katao ang namatay o nasugatan sa mga pambobomba noong Disyembre 1944."

Bumalik ang Wuhan sa pamamahala ng Tsina noong Setyembre 1945. Sa pangasiwaan, unang sinama ang Wuchang at Hanyang upang mabuo ang bagong Lungsod ng Wuchang, subalit noong Oktubre 1946 hiniwalay ang mga ito bilang Lungsod ng Wuchang (kasama ang Wuchang) at Kondado ng Hanyang. Naging isang munisipalidad na kontrolado ng estado ang Hankou noong Agosto 1947. Sa militar na pangasiwaan, itinatag sa Wuhan ang Wuhan Forward Headquarters na pinamunuan ni Bai Chongxi.

Wuhan 
Mga hukbo ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan sa Abenida Zhongshan, Hankou noong Mayo 16, 1949

Sa kasagsagan ng mga huling yugto ng Digmaang Sibil ng Tsina, hinangad ni Bai na makipagpayapaan, at ipinanukala na maaring mamuno sa hilagang Tsina ang Partido Komunista habang sa katimugang Tsina naman ang pamahalaang Nasyonalista. Hindi ito tinanggap, at nilisan ni Bai at ng garison ng Wuhan ang lungsod noong Mayo 15, 1949. Pumasok sa Wuhan ang mga hukbo ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan noong hapon ng Mayo 16, 1949, Lunes.

Republikang Bayan ng Tsina

Wuhan 
Sa kaniyang tula na "Swimming" (1956) na nakaukit sa Bantayóg ng Pagbaha noong 1954 sa Wuhan, nakikini-kinita ni Mao Zedong ang "mga pader ng bato" na itatayo salungat sa agos.

Muling itinatag ang Komisyon ng Katubigan ng Changjiang noong Pebrero 1950 kalakip ng mga punong tanggapan nito sa Wuhan. Mula Hunyo hanggang Setyembre 1954, naganap sa lalawigan ng Hubei ang nakamiminsalang mga pagbaha sa Ilog Yangtze. Dahil sa di-karaniwang dami ng pag-ulan gayon din ang pambihirang mahabang tag-ulan sa gitnang kahabaan ng Ilog Yangtze noong tag-sibol ng 1954, nagsimulang tumaas ang ilog mula sa karaniwang lebel nito noong huling bahagi ng Hunyo. Noong 1969, itinayo ang isang malaking bantayog na bato sa liwasan sa tabi ng ilog sa Hankou upang bigyang parangal sa mga kabayanihan sa paglaban sa mga pagbaha noong 1954.

Bago ang pagtatayo ng Tulay ng Ilog Yangtze sa Wuhan, binuo ng Kompanyang Makina ng Hunslet ang dalawang mabibigat na mga lokomotibong 0-8-0 para ilulan ang mga train ferry para makatawid sa Ilog Yangtze sa Wuhan.

Ang proyektong pagtatayo ng Tulay ng Ilog Yangtze sa Wuhan, kilala rin bilang Unang Tulay ng Ilog Yangtze, ay tinuring na isa sa pangunahing mga proyekto ng unang panlimang taon na panukala. Nagsimula ang pagtatayo sa mismong tulay noong Oktubre 25, 1955. Sa parehong araw ng 1957 natapos ang proyekto, at idinaos ang seremonya ng pagbubukas nito sa trapiko noong Oktubre 15. Pinagsama ng Unang Tulay ng Ilog Yangtze ang Daambakal ng Beijing–Hankou sa Daambakal ng Guangdong–Hankou upang maging Daambakal ng Beijing–Guangzhou, kaya binansagang 'lansangang bayan sa siyam na mga lalawigan' (九省通衢) ang Wuhan.

Kasunod ng Kumperensiya ng Chengdu, pumunta si Mao sa Chongqing at Wuhan noong Abril upang suriin ang kanayunan at mga pabrika. Sa Wuhan, tinawagan niya ang lahat ng mga pinuno ng mga lalawigan at munisipalidad na hindi dumalo sa kumperensiya na magbigay ng ulat ng kanilang trabaho. Ayon kay Tian Jiaying na kalihim ni Mao, ang Kumperensiya ng Wuhan ay pandagdag sa Kumperensiya ng Chengdu.

Noong Hulyo 1967, sumiklab ang alitang sibil sa lungsod sa kasagsagan ng Insidente sa Wuhan ("Insidente ng ika-20 ng Hulyo"), isang armadong labanan sa pagitan ng dalawang magkalabang mga pangkat na nakikilaban para sa pamumuno ng lungsod noong karurukan ng Himagsikang Pangkalinangan.

Noong 1981, sinimulan ng pamahalaang lungsod ng Wuhan ang muling pagtatayo ng Toreng Yellow Crane sa bagong lokasyon, mga 1 kilometro (0.62 milya) mula sa sinaunang sityo, at natapos ito noong 1985. Nawasak ang pinakahuling tore sa orihinal na lokasyon nito noong 1884, at nang itinayo ang Tulay ng Ilog Yangtze sa Wuhan noong 1957 ang isa sa mga trestle nito ay nasa dating sityo ng tore.

Noong kasagsagan ng mga pagpoprotesta sa Liwasan ng Tiananmen noong 1989, hinarang ng mga mag-aaral sa Wuhan ang tulay pandaambakal ng Ilog Yangtze at nagtipon ang 4,000 pang mag-aaral sa estasyong daambakal.:400 Nagsagawa ng isang 'sit-in' sa riles ang humigit-kumulang sanlibong mga estudyante. Natigil ang daloy ng trapikong riles sa kahabaan ng mga linyang Beijing-Guangzhou at Wuhan-Dalian. Hinikayat din ng mga mag-aaral ang mga empleyado ng pangunahing mga negosyong pagmamay-ari ng pamahalaan na magwelga.:405 Napakaigting ng sitwasyon kaya iniulat na nag-bank run ang mga residente at nag-panic-buying sila.:408

Wuhan 
Ang pangunahing gusali ng Huazhong University of Science and Technology, kasama ang bantayog ni Mao Zedong sa harap nito

Bunga ng pagbobomba ng Estados Unidos sa embahada ng Tsina sa Belgrade noong Mayo 7, 1999, sumiklab ang mga pagpoprotesta sa Tsina, kasama sa Wuhan.

Noong Hunyo 22, 2000, isang lipad ng Wuhan Airlines mula Enshi papuntang Wuhan ay napilitang umikot sa loob ng 30 minuto dahil sa pagkidlat at pagkulog. Bumagsak ang eroplano kalaunan sa mga pampang ng Ilog Han sa Distrito ng Hanyang, na ikinasawi ng lahat na nakasakay rito (may samu't-saring mga tala ng bilang ng mga pasahero at tripulante). Pitong katao sa kalupaan ang namatay rin sa pagkabagsak nito.

Nagorganisa ang mga nagpoprotestang Tsino protesters ng mga boykot sa tingiang tindahan ng Pranses na Carrefour sa pangunahing mga lungsod kabilang na sa Kunming, Hefei at Wuhan. Ipinaratang nila sa bansang Pransiya ang sabwatang maka-sesyonista at kontra-Tsinong rasismo. Iniulat ng BBC na daan-daang katao ang nag-demonstrasyon sa Beijing, Wuhan, Hefei, Kunming at Qingdao. Noong Mayo 19, 2011, tinamaan sa kaniyang dibdib si Fang Binxing, punong guro ng Beijing University of Posts and Telecommunications at kilala ring "Ama ng Dakilang Firewall ng Tsina", ng isang sapatos na inihagis ng isang mag-aaral sa Huazhong University of Science and Technology na kinilala ang sarili bilang "hanjunyi" (寒君依 o 小湖北), habang nagbibigay siya ng isang lektyur sa Unibersidad ng Wuhan.

Matagal nang puntirya ng nakapipinsalang mga pagbaha ang lungsod, at sinasabing makokontrol ang mga ito ng mapaghangad na proyektong Saplad ng Tatlong Bangin, na natapos noong 2008. Ikinasira ng bagyong taglamig sa Tsina noong 2008 ang panustos mg tubig sa Wuhan: aabot sa 100,000 katao ang nawalan ng suplay ng tubig nang pumutok ang ilang tubo. Tumama ang bugso ng init sa Hilagang Emisperyo ng 2010 sa Wuhan noong Hulyo 3. Noong pagbaha sa Tsina ng 2010, naranasan ng Ilog Han sa Wuhan ang pinakamalalang pagbaha sa loob ng dalawampung mga tao, habang ipinagpatuloy ng mga opisyal ang pagsasalansan ng mga sako ng buhangin (sandbags) sa kahabaan ng mg Ilog Han at Yangtze sa lungsod at isinuri ang mga imbakan ng tubig. Binaha muli ang lungsod noong pagbaha ng 2011, at ilang bahagi nito ay nawalan ng kuryente. Noong pagbaha sa Tsina ng 2016, naranasan ng Wuhan ang 570 milimetro (22 pulgada) ng pag-ulan sa unang linggo ng Hulyo, lagpas sa tala ng pag-ulan noong 1991. Itinaas ang red alert para sa mabigat na pag-ulan noong Hulyo 2, ang parehong araw kung kailang namatay ang walong katao nang bumagsak sa kanila ang isang 15-metro (49 talampakang) bahagi ng isang mataas na pader na 2 metro (6.6 talampakan) ang taas. Bahagyang lumubog sa baha ang sistemang subway ng lungsod, ang Wuhan Metro, pati ang pangunahing estasyong daangbakal ng lungsod. Hindi bababa sa 14 residente ng lungsod ang namatay, isa ang nawawala, at higit sa 80,000 ang inilikas.

Noong Enero 31, 2018, bumisita si Theresa May, Punong Ministro ng United Kingdom, sa Wuhan at binisitahan ang Toreng Yellow Crane at ang Tulay ng Ilog Yangtze sa Wuhan. Noong Abril 26 sa parehong taon, bumisita si Punong Ministro Narendra Modi sa lungsod sa loob ng dalawang araw ng di-pormal na mga pagpupulong niya kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Sa gitna ng pulong na ito, binisita nila ang Silangang Lawa at ang Museong Panlalawigan ng Hubei.

Noong unang bahagi ng Hulyo 2019, may mga pagtutol sa mga panukala para sa pagtatayo ng isang sunugan ng basura sa Distrito ng Xinzhou. Idinaos sa lungsod ang Ikapitong Military World Games noong Oktubre.

Noong Disyembre 2019, unang lumitaw ang pagkalat ng novel coronavirus ng 2019–20. Naka-lockdown na ang lungsod mula pa noong kahulihan ng Enero 2020.

Klima

Pamahalaan at mga polisiya

Wuhan 
Ang pangunahing tarangkahan ng komite ng Partidong Pangmunisipyo ng Wuhan

Isang sub-probinsiyal na lungsod ang Wuhan. Pinangangasiwaan ng pampook na Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang pamahalaang pangmunisipyo, na pinamumunuan ng Kalihim ng CPC ng Wuhan (Tsino: 武汉市委书记) (kasalukuyang si Ma Guoqiang , 马国强. Ang pampook na CPC ay naglalabas ng mga kautusang pampangasiwaan, naniningil ng mga buwis, nangangasiwa sa ekonomiya, at namamahala sa isang tumatayong komite ng Kongresong Bayan ng Munisipyo sa paggawa ng mga pagpapasiyang pampolisiya at sa pamamahala sa lokal na pamahalaan.

Kabilang sa mga opisyal na pamahalaan ang alkalde (市长), kasalukuyang si Zhou Xianwang (周先旺), at mga bise-alkalde. Maraming mga kawanihan ay nakatuon sa batas, pampublikong seguridad, at ibang mga kapakanan.

Mga paghahating pang-administratibo

Ang sub-probinsiyal na lungsod ng Wuhan ay kasalukuyang binubuo ng 13 mga distrito. Magmula noong Ika-anim na Senso ng Tsina noong 2010, binubuo ang 13 mga distrito ng 160 antas-township na mga dibisyon kabilang ang 156 na mga subdistrito, 3 mga bayan, at 1 township.

Mapa Distrito Wikang Tsino (Pinapayak) Pinyin Populasyon
(Senso 2010)
Area (km2) Density
(/km2)
1
2
3
Hanyang
Wuchang
Qingshan
Hongshan
Dongxihu
Hannan
Caidian
Jiangxia
Huangpi
Xinzhou
Mga distrito ng Hankou
1. Jiang'an
2. Jianghan
3. Qiaokou
Mga distritong sentral 6,434,373 888.42 7,242
Jiang'an 江岸 Jiāng'àn Qū 895,635 64.24 13,942
Jianghan 江汉 Jiānghàn Qū 683,492 33.43 20,445
Qiaokou 硚口 Qiáokǒu Qū 828,644 46.39 17,863
Hanyang 汉阳 Hànyáng Qū 792,183 108.34 7,312
Wuchang 武昌 Wǔchāng Qū 1,199,127 87.42 13,717
Qingshan 青山 Qīngshān Qū 485,375 68.40 7,096
Hongshan 洪山 Hóngshān Qū 1,549,917 480.20 3,228
Mga Distritong Naik at Rural 3,346,271 7,605.99 440
Dongxihu 东西湖 Dōngxīhú Qū 451,880 439.19 1,029
Hannan 汉南 Hànnán Qū 114,970 287.70 400
Caidian 蔡甸 Càidiàn Qū 410,888 1,108.10 371
Jiangxia 江夏 Jiāngxià Qū 644,835 2,010.00 321
Huangpi 黄陂 Huángpí Qū 874,938 2,261.00 387
Xinzhou 新洲 Xīnzhōu Qū 848,760 1,500.00 566
Rehiyong Katubigan (水上地区) 4,748 - -
Kabuoan 9,785,392 8,494.41 1,152

Mga misyong diplomatiko

May apat na mga bansang mayroong konsulado sa Wuhan:

Konsulado Taon Distritong konsular
Wuhan  France Consulate General Wuhan Oktubre 10, 1998 Hubei/Hunan/Jiangxi
Wuhan  United States Consulate General Wuhan Nobyembre 20, 2008 Hubei/Hunan/Henan/Jiangxi
Wuhan  Republic of Korea Consulate General Wuhan Oktubre 25, 2010 Hubei/Hunan/Henan/Jiangxi
Wuhan  United Kingdom Consulate General Wuhan Enero 8, 2015 Hubei/Henan

Ang kasalukuyang Konsul Heneral ng Estados Unidos, ang Kagalang-galang na si Ginoong Jamie Fouss, ay itinalaga sa Wuhan noong Agosto 2017. Ipinagdiwang ng tanggapan ng Konsulado Heneral ng Estados Unidos, Gitnang Tsina (matatagpuan sa Wuhan) ang opisyal na pagbubukas nito noong Nobyembre 20, 2008, at ito ang kauna-unahang bagong konsulado ng Estados Unidos sa Tsina sa loob ng higit 20 mga taon. Nakatakdang magbibigay ang konsulado ng mga serbisyo ng visa at mamamayan sa taglagas ng 2018.

Magtatatag ang mga bansang Hapon at Rusya ng mga tanggapang konsular sa Wuhan.

Demograpiya

Historical population
TaonPop.±% p.a.
19531,427,300—    
19824,101,000+3.71%
19906,901,911+6.72%
20008,312,700+1.88%
20077,243,000−1.95%
20109,785,388+10.55%
201410,338,000+1.38%
201510,607,700+2.61%
Ang laki ng populasyon ay maaaring naapektuhan ng mga pagbabago sa mga dibisyong pampangasiwaan. 1953, 1982, 1990, 2000 2007 2015

Mga kapatid na lungsod

Magkakambal ang Wuhan sa:

Wuhan 
Wuhan 
Wuhan
Wuhan 
6
Wuhan 
1
Wuhan 
Galați
Wuhan 
8
Wuhan 
4
Wuhan 
5
Wuhan 
7
Wuhan 
Christchurch
Wuhan 
Borlänge
Wuhan 
Kópavogur
Wuhan 
3
Wuhan 
Chalcis
Wuhan 
2
Wuhan 
Entebbe
Sister cities of Wuhan
1.Manchester 2.Swansea 3.Essonne 4.Bordeaux 5.Arnhem 6.Duisburg 7.Sankt Pölten 8.Győr
Bansa Lungsod Mula noong
Wuhan  Hapon Wuhan  Ōita Setyembre 7, 1979
Wuhan  Estados Unidos Wuhan  Pittsburgh Setyembre 8, 1982
Wuhan  Alemanya Wuhan  Duisburg Oktubre 8, 1982
Wuhan  Nagkakaisang Kaharian Wuhan  Manchester Setyembre 16, 1986
Wuhan  Romania Wuhan  Galați Agosto 12, 1987
Wuhan  Ukraine Wuhan  Kiev Oktubre 19, 1990
Wuhan  Sudan Khartoum Setyembre 27, 1995
Wuhan  Hungary Wuhan  Győr Oktubre 19, 1995
Wuhan  Pransiya Wuhan  Bordeaux Hunyo 18, 1998
Wuhan  Netherlands Wuhan  Arnhem Setyembre 6, 1999
Wuhan  Timog Korea Wuhan  Cheongju Oktubre 29, 2000
Wuhan  Austria Wuhan  Sankt Pölten Disyembre 20, 2005
Wuhan  New Zealand Wuhan  Christchurch Abril 4, 2006
Wuhan  Canada Markham Setyembre 12, 2006
Wuhan  Sweden Wuhan  Borlänge Setyembre 28, 2007
Wuhan  Iceland Wuhan  Kópavogur Abril 25, 2008
Wuhan  Israel Wuhan  Ashdod Nobyembre 8, 2011
Wuhan  Pransiya Wuhan  Essonne Disyembre 21, 2012
Wuhan  Turkiya İzmir Hunyo 6, 2013
Wuhan  Mehiko Wuhan  Tijuana Hulyo 12, 2013
Wuhan  Rusya Wuhan  Saratov Agosto 7, 2015
Wuhan  Tsile Wuhan  Concepción Abril 7, 2016
Wuhan  Kyrgyzstan Wuhan  Bishkek Nobyembre 15, 2016
Wuhan  Gresya Chalcis Mayo 11, 2017
Wuhan  Rusya Wuhan  Izhevsk Hunyo 16, 2017
Wuhan  Nagkakaisang Kaharian Swansea January 31, 2018
Wuhan  Uganda Entebbe Abril 13, 2018
Wuhan  Thailand Wuhan  Bangkok Nobyembre 16, 2018

At mayroon ding magkasundo na ugnayang palitan ang Wuhan sa:

Lungsod Bansa Mula noong
Wuhan  Lungsod ng Kobe Wuhan  Hapon Pebrero 16, 1998
Wuhan  Hirosaki Wuhan  Hapon Oktubre 17, 2003
St. Louis Wuhan  Estados Unidos Setyembre 27, 2004
Wuhan  Atlanta Wuhan  Estados Unidos Setyembre 9, 2006
Daejeon Wuhan  Timog Korea Nobyembre 1, 2006
Gwangju Wuhan  Timog Korea Setyembre 6, 2007
Kolkata Wuhan  Indiya Hulyo 24, 2008
Suwon Wuhan  Timog Korea Disyembre 5, 2008
Taebaek Wuhan  Timog Korea Disyembre 5, 2008
Wuhan  Columbus Wuhan  Estados Unidos Oktubre 30, 2009
Wuhan  Bremen Wuhan  Alemanya Nobyembre 6, 2009
Wuhan  Port Louis Wuhan  Mauritius Nobyembre 10, 2009
Lungsod ng Cebu Wuhan  Pilipinas Agosto 19, 2011
Wuhan  Yogyakarta Wuhan  Indonesya Nobyembre 12, 2011
Wuhan  Perm Wuhan  Rusya Setyembre 10, 2012
Wuhan  Chicago Wuhan  Estados Unidos Setyembre 20, 2012
Košice Wuhan  Slovakia Nobyembre 6,2012
Wuhan  Naples Wuhan  Italya Setyembre 18, 2012
Wuhan  Moselle Wuhan  Pransiya Hulyo 16, 2013
Wuhan  San Francisco Wuhan  United States Nobyembre 21, 2013
Lalawigan ng Siem Reap Wuhan  Cambodia Nobyembre 21, 2013
Biratnagar Wuhan    Nepal Nobyembre 21, 2013
Wuhan  Bangkok Wuhan  Thailand Nobyembre 21, 2013
Wuhan  Częstochowa Wuhan  Poland Marso 14, 2014
Wuhan  Oliveira de Azeméis Wuhan  Portugal Abril 11, 2014
Wuhan  Sydney Wuhan  Australya Mayo 30, 2014
Wuhan  Durban Wuhan  Timog Aprika Hunyo 2014
Wuhan  Burlingame Wuhan  Estados Unidos Hunyo 23, 2014
Wuhan  Menlo Park Wuhan  Estados Unidos Hunyo 23, 2014
Wuhan  Cupertino Wuhan  Estados Unidos Hunyo 23, 2014
Wuhan  East Palo Alto Wuhan  Estados Unidos Hunyo 23, 2014
Hayward Wuhan  Estados Unidos Hunyo 23, 2014
Wuhan  Millbrae Wuhan  United States Hunyo 23, 2014
Moraga Wuhan  Estados Unidos Hunyo 23, 2014
Wuhan  Morgan Hill Wuhan  Estados Unidos Hunyo 23, 2014
Mountain View Wuhan  Estados Unidos Hunyo 23, 2014
Wuhan  Oakley Wuhan  Estados Unidos Hunyo 23, 2014
Union City Wuhan  Estados Unidos Hunyo 23, 2014
Betong Wuhan  Thailand Hunyo 25, 2014
Wuhan  Salo Wuhan  Finland Agosto 25, 2014
Wuhan  Gävle Wuhan  Sweden Agosto 27, 2014
Patan Wuhan    Nepal Oktubre 20, 2014
Wuhan  Pattaya Wuhan  Thailand Oktubre 24, 2014
Wuhan  Berane Wuhan  Montenegro Oktubre 24, 2014
Wuhan  Córdoba Wuhan  Arhentina Oktubre 24, 2014
Wuhan  Liège Wuhan  Belgium Oktubre 29, 2014
Wuhan  Lille Wuhan  France Nobyembre 3, 2014
Wuhan  Holbæk Wuhan  Denmark Nobyembre 24, 2014
Heraklion Wuhan  Greece Disyembre 11, 2014
Cape Town Wuhan  Timog Aprika Disyembre 9, 2014
Wuhan  São Luís Wuhan  Brazil Abril 29, 2015
Wuhan  Varaždin Wuhan  Croatia Mayo 7, 2015
Wuhan  Kota Kinabalu Wuhan  Malaysia Mayo 20, 2015
Wuhan  Erdőkertes, Wuhan  Pest Megye Wuhan  Hungary Hulyo 4, 2015
Gold Coast Wuhan  Australya Setyembre 29, 2015
Wuhan  Le Mans Wuhan  France Nobyembre 1, 2015
Wuhan  Southern Province Wuhan  Sri Lanka Disyembre 3, 2015
Galle Wuhan  Sri Lanka Disyembre 5, 2015
Mungyeong Wuhan  Timog Korea Disyembre 22, 2015
Daegu Wuhan  Timog Korea Marso 25, 2016
Tacoma Wuhan  United States Abril 5, 2016
Wuhan  Lima Wuhan  Peru Abril 8, 2016
Tabriz Wuhan  Iran Mayo 28, 2016
Marrakesh Wuhan  Morocco Hunyo 3, 2016
Wuhan  Phnom Penh Wuhan  Cambodia Hulyo 11, 2016
Wuhan  Dublin Wuhan  Ireland Setyembre 5, 2016
Wuhan  Houston Wuhan  United States Setyembre 10, 2016
Jinja Wuhan  Uganda Setyembre 20, 2016
Wuhan  Pucallpa Wuhan  Peru Setyembre 20, 2016
Maribor Wuhan  Slovenia Setyembre 23, 2016
Montego Bay Wuhan  Jamaica Setyembre 28, 2016
Victoria Wuhan  Seychelles Oktubre 17, 2016
Wuhan  Kemi Wuhan  Finland Nobyembre 25, 2016
San Nicolás de los Arroyos Wuhan  Argentina Disyembre 16, 2016
Wuhan  Foz do Iguaçu Wuhan  Brazil Marso 9, 2017
Wuhan  Dunkirk Wuhan  Pransiya Marso 20, 2017
Wuhan  Jihlava Wuhan  Czech Mayo 10, 2017
Wuhan  Brest Wuhan  Belarus Agosto 29, 2017
Wuhan  Zhytomyr Wuhan  Ukraine Nobyembre 14, 2017
Wuhan  Marseille Wuhan  France Nobyembre 20, 2017
Wuhan  Herstal Wuhan  Belgium Mayo 21, 2018
Fergana Wuhan  Uzbekistan Oktubre 14, 2018

Tingnan rin

Mga sanggunian


Talababa


This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Wuhan, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.

Tags:

Wuhan EtimolohiyaWuhan KasaysayanWuhan KlimaWuhan Pamahalaan at mga polisiyaWuhan DemograpiyaWuhan Mga kapatid na lungsodWuhan Tingnan rinWuhan Mga sanggunianWuhanHubeiIlog YangtzePinapayak na panitik ng wikang TsinoTalaan ng mga lungsod sa Tsina ayon sa populasyonTalaksan:Zh-Wuhan.oggTradisyonal na panitik ng wikang TsinoTsinaZh-Wuhan.oggwikt:武汉wikt:武漢

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

PangatnigMga rehiyon ng PilipinasLipunang pambayanLungsod QuezonArtikuloAlpabetong FilipinoAlemanyang NaziIdeolohiyang pampolitikaDarnaBulutung-tubigNobelaKing GutierrezSpoliariumManugangGliceria Marella de VillavicencioBantasKrisis sa MarawiIlocosTsinaMyrna DelgadoJus soliLikas na yamanYouTubePeminismoLapulapuMoro National Liberation FrontKapaligiranDengueBicolPagmamanupakturaHumanismoWatawat ng PilipinasDalagUnang Digmaang OpyoBarangayKawayanCalabarzonSaligang batasMuscatTimog-silangang AsyaPagbabago ng klimaTalambuhayInternetJovito SalongaWikipediaTalasalitaanPantigPagkamamamayanMarilaoTalaan ng mga artista sa PilipinasPaglilingkod sa pamayananMakatiOrasanSakit na naipapasa sa pakikipagtalikBaboyUnited KingdomAlamat ng pinyaHesusMagna CartaKomonwelt ng PilipinasTiyagaTambanMetodoPakikipagtalastasanKomisyon sa Wikang FilipinoTributoEpektong greenhouseApdoElpidio QuirinoPanunuholPagsusuriPagpapasyaHukbalahapSigarilyoSilid-aralanKaugaliang PilipinoMga Aeta🡆 More