Krisis Sa Marawi

Ang Krisis sa Marawi, tinatawag ding Labanan sa Marawi, o Pagkubkob sa Marawi, ay ang limang buwang itinagal na bakbakan sa Marawi sa pagitan ng puwersa ng Pamahalaan ng Pilipinas at ang mga kaakibat na militante ng Islamikong Estado ng Irak at ang Levant, kabilang ang mga pangkat ng Maute at Abu Sayyaf na nagsimula noong ika-23 ng Mayo, 2017.

Ang labanang ito ay naging pinakamahabang digmaan sa pook na urbano sa makabagong kasaysayan ng Pilipinas.

Labanan sa Marawi
Bahagi ng Gulo sa mga Moro, Digmaan laban sa droga sa Pilipinas at Digmaan laban sa terorismo
Krisis Sa Marawi
Larawan ng isang nasusunog na gusali kung saan binomba ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas.
Petsaika-23 ng Mayo – ika-23 ng Oktubre, 2017
(5 buwan)
Lookasyon8°00′38″N 124°17′52″E / 8.0106°N 124.2977°E / 8.0106; 124.2977
Katayuan

Wagi ang pamahalaan ng Pilipinas

  • Batas militar, inihayag sa buong Mindanao hanggang ika-31 ng Disyembre, 2017. Muling ipinalawig hanggang ika-31 ng Disyembre, 2018. Ipinalawig pang muli hanggang ika-31 ng Disyembre, 2019.
  • Si Isnilon Hapilon, ang pinuno ng Abu Sayyaf at ang emir ng Islamikong Estado sa Timog-silangang Asya, ay napatay ng militar.
  • Pagkabigo ng mga militante na makapagtatag ng panlalawigang teritoryo ng Islamikong Estado (wilayat).
  • Kinumpirmang patay na ang lahat ng pitong magkakapatid na Maute.
Pagbabago sa
teritoryo
Nabawi ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang lungsod ng Marawi sa ika-23 ng Oktubre, 2017.
Mga nakipagdigma

Krisis Sa Marawi Pilipinas


Sinusuportahan ng:

Krisis Sa Marawi Islamikong Estado ng Irak at ang Levant (lalawigan sa Silangang Asya)
Mga kumander at pinuno
Krisis Sa Marawi Rodrigo Duterte
(Pangulo ng Pilipinas)
Krisis Sa Marawi Delfin Lorenzana
Krisis Sa Marawi Eduardo Año
Krisis Sa Marawi Ronald dela Rosa
Krisis Sa Marawi Isnilon Hapilon
(pinuno ng Abu Sayyaf)
Krisis Sa Marawi Omar Maute †
Krisis Sa Marawi Abdullah Maute †
Krisis Sa Marawi Mahmud Ahmad (Representanteng kumander; itinuring na patay)
Krisis Sa Marawi Amin Bacu (Nakatataas na kumander; itinuring na patay)
Mga sangkot na yunit

Krisis Sa Marawi Sandatahang Lakas ng Pilipinas

Krisis Sa Marawi Pambansang Pulisya ng Pilipinas

  • Krisis Sa Marawi Espesyal na Kilos Hukbo
  • Krisis Sa Marawi Pangkat Pandagat ng PNP

Estados Unidos Mga natatanging hukbong pang-operasyon ng Estados Unidos (tulong teknikal)
Krisis Sa Marawi Pangkat ng Maute
Krisis Sa Marawi Abu Sayyaf
Krisis Sa Marawi Mga Lumalaban para sa Kalayaan ng Islamikong Bangsamoro
Lakas
higit 3,000 sundalo (Hunyo)
6,500 sundalo (Setyembre)
higit 1,000 bandido (pagtataya)
Mga nasawi at pinsala
168 ang namatay, 1,400 ang sugatan 978 ang napatay,
12 ang nahuli
87 sibilyan ang namatay (kabilang ang 40 namatay dahil sa sakit)
Halos 1.1 milyong sibilyan ang kinailangang lumikas
Krisis sa Marawi is located in Pilipinas
Krisis sa Marawi
Ang kinaroroonan ng Marawi sa Pilipinas
Krisis Sa Marawi
Ang Marawi, kung saan pinangyarihan ang krisis.

Inihayag ng pamahalaan ng Pilipinas na nagsimula ang mga pag-atake nang inilunsad nila ang opensiba sa lungsod upang hulihin si Isnilon Hapilon ng grupong Abu Sayyaf, pagkatapos makatanggap ng mga ulat na si Hapilon ay nasa lungsod, maaaring upang makipagkita sa mga militante ng pangkat ng Maute.

Isang madugong bakbakan ang nagsimula nang ang puwersa ni Hapilon ay nagpaputok sa pinagsamang hukbo ng militar at pulis at nagpatawag ng dagdag na hukbo mula sa Maute, isang armadong pangkat na nanumpa ng pakikipag-alyansa sa Islamikong Estado at ang mga pinaniniwalaang responsable sa pagsabog sa lungsod ng Dabaw noong 2016, ayon sa mga tagapagsalita ng militar.

Nilusob ng mga bandidong Maute ang Kampo Ranao at inokupa ang ilang mga gusali sa lungsod, kasama ang Bulwagang Panlungsod ng Marawi, Pamantasang Estado ng Mindanao, isang ospital at bilibid. Inokupa rin ng pangkat ang pangunahing kalsada at sinunog ang Simbahan ni Santa Maria, Paaralang Ninoy Aquino, at Kolehiyo ng Dansalan na pinangangasiwaan ng United Church of Christ in the Philippines (Nagkakaisang Simbahan ni Kristo sa Pilipinas) o UCCP. Sinalakay rin ng pangkat ang Katedral ng Marawi at binihag ang isang pari, pati ang ilang mga nagsimba.

Noong ika-26 ng Mayo, 2017, kinumpirma ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na ang mga dayuhang terorista ay lumalaban kasama ang Maute sa Marawi at ang kanilang pangunahing layunin ay magtaas ng watawat ng Islamikong Estado sa Kapitolyong Panlalawigan ng Lanao del Sur at magpahayag ng wilayat o panlalawigang teritoryo ng Islamikong Estado sa Lanao del Sur.

Noong ika-17 ng Oktubre, 2017, isang araw matapos ang pagkamatay ng mga pinuno ng mga militante na sina Omar Maute at Isnilon Hapilon, inihayag ni Pangulong Duterte na malaya na ang Marawi. Gayunpaman, ang Brigadyer-Heneral na si Restituto Padilla, tagapagsalita ng militar, inihayag naman na ilan sa mga militante ay nananatili at ang mga operasyon ay magpapatuloy hanggang sa sila'y mapuksa. Limang araw ang nakalipas, ika-23 ng Oktubre, inanunsyo ng Kalihim ng Tanggulang Pambansa na si Delfin Lorenzana na ang limang buwang bakbakan laban sa mga terorista sa Marawi ay nagtapos na.

Sa likod ng pangyayari

Krisis Sa Marawi 
Si Isnilon Hapilon, siya ang namuno sa mga teroristang pangkat sa labanan sa Marawi. Siya ang kinilalang emir ng mga pwersa ng Islamikong Estado sa Timog-silangang Asya.

Pangkalahatan

Nakapagtatag ang pangkat ng Maute ng matibay na tanggulan sa Lanao del Sur mula Pebrero 2016 at ang sinisi sa pambobomba sa lungsod ng Dabaw at sa dalawang pagsalakay sa Butig, Lanao del Sur, isang bayang matatagpuan sa timog ng Marawi, noong 2016. Mula noong itinatag ang pangkat noong 2013, minaliit ng pamahalaan ng Pilipinas ang banta ng Islamikong Estado sa Pilipinas. Kasunod ng bakbakan sa Butig noong Pebrero 2016 laban sa mga Maute, itinanggi ni noo'y Pangulong Benigno Aquino III na maaaring may presensya ang Islamikong Estado sa bansa. Sinabi niyang ang mga nasa likod ng pagsalakay ay mga mersenaryong nais lamang makilala ng teroristang pangkat na nakabatay sa Gitnang Silangan.

Ang pangkat ng Abu Sayyaf, na sinisi sa mga nakamamatay na pambobomba at pandurukot sa nakaraan, ay iniulat rin na nanumpa ng pakikipagalyansa sa kilusan ng Islamikong Estado mula pa noong 2014. Isa sa mga pinuno nito na si Isnilon Hapilon, ay kabilang sa mga "most wanted" na terorista ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos na may pabuyang aabot sa $5 milyon para sa kanyang pagkahuli. Kasunod ng pagdukot at pagpugot ng ulo sa negosyanteng taga-Canada na si John Ridsdel noong Abril 2016, isiniwalat ni Aquino na nakatanggap siya ng mga banta sa buhay mula sa pangkat, at binalak rin ng Abu Sayyaf na dukutin ang kanyang kapatid na si Kris Aquino at si pambansang kamao Manny Pacquiao. Kinilala rin ni Aquino si Hapilon na ang sa likod ng mga pagtatangkang palitan ng relihiyon at isanib sa kanila ang mga bilanggo sa New Bilibid Prison at simulan ang planong pambobomba sa Kalakhang Maynila na sinabi niyang "bahagi ng kanilang pagsusumikap na makakuha ng pabor sa Islamikong Estado."

Noong Nobyembre 2016, kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ugnayan ng Maute sa Islamikong Estado kahit na inihayag pa rin ng militar na ang Islamikong Estado ay hindi nakapagtatag ng mga ugnayan sa Pilipinas. Sa gitna ng mabagsik na bakbakan sa Butig noong ika-30 ng Nobyembre 2016, si Duterte ay nagiwan ng babala sa pangkat ng Maute: "Ayaw ko makipag-away sa inyo. Ayaw ko makipag-patayan, ngunit pakiusap, huwag niyo akong pilitin. Hindi ako maaaring maglakbay rito buwan-buwan para lang makipag-usap, at pagtalikod ko patayan nanaman. Ayaw ko nang magbanggit pa nang kung anuman, ngunit pakiusap, huwag niyo akong pilitin."

Noong ika-2 ng Disyembre 2016, pagkatapos mabawi ng militar ang Butig, ang mga umuurong na Maute ay iniulat na nagiwan ng sulat na nagbabantang pupugutan ng ulo sina Duterte at ang militar. Noong ika-12 ng Disyembre 2016, sa isang talumpati bago mag-hapunan sa Wallace Business Forum, nangahas si Duterte sa mga Maute na lusubin ang Marawi, sinabing: "Dahil nagbanta sila (Maute) na bumaba mula sa bundok upang sakupin ang Marawi? Gawin niyo. Hihintayin namin kayo roon. Walang problema."

Mula Abril hanggang Mayo 2017, nagkaroon ng labanan sa pagitan ng mga puwersa ng pamahalaan ng Pilipinas at Abu Sayyaf sa Inabanga, Bohol dahil sa mga natanggap na ulat na balak mandukot ng banyaga ang pangkat na nagdulot ng pagkamatay ng tatlong sundalo.

Pasimula sa labanan

Inihayag ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na ang labanan sa Marawi ay dahil sa isinagawang operasyon ng militar sa koordinasyon ng Pambansang Pulisya, taliwas sa mga naunang ulat na ang labanan ay sinimulan ng mga militante. Nakatanggap ng mga ulat ang mga puwersa ng pamahalaan na ang isang pangkat ng mga mandirigmang Abu Sayyaf na pinamumunuan ni Isnilon Hapilon ay nasa Marawi upang maaaring makipagkita sa pangkat ng Maute.

Ayon kay Rolando Bautista, pinuno ng Dibisyong Tabak ng Hukbong Katihan, nakatanggap sila ng mga ulat na sasakupin ng mga lokal na teroristang pangkat ang Marawi dalawa hanggang tatlong linggo bago ang pagsisimula ng mga sagupaan. Habang ang pinagsamang militar at pulis ay nagsagawa ng pagsosona sa Marawi upang patunayan ang impormasyon na ang mga kahina-hinalang tao, kasama sina Omar at Abdullah Maute, ay nagsasama-sama sa pook, sila ang nakita sa halip na si Isnilon Hapilon, ang pinuno ng Abu Sayyaf na unang naiulat na nakapagtatag ng direktang ugnayan sa Islamikong Estado at kamakailang inilipat ang kanyang base sa mga lalawigan ng Lanao. Iminungkahi rin ng intelihensya ng militar na ang pangkat ni Hapilon sa Abu Sayyaf ay may ugnayan na sa Maute at iba pang mga lokal na teroristang pangkat na nanumpa ng pakikipagalyansa sa Islamikong Estado. Ayon sa Sandatahang Lakas, itong "pagkakaisa" ng mga hukbo ay ang ikatlo sa apat na hakbang na kinakailangang makumpleto ng mga pangkat na nais makasali sa Islamikong Estado. Ang ikaapat na hakbang ay ang pagtatatag ng wilayat o teritoryo nang si Hapilon ay naunang iniulat na itinalaga bilang emir ng mga puwersa ng Islamikong Estado sa Pilipinas.

Ang Kagawaran ng Katarungan ng Estados Unidos ay inilista si Hapilon bilang isa sa mga "most wanted" na terorista sa daigdig na may pabuya nang aabot sa $5 milyon para sa kanyang pagkahuli.

Iniulat ng mga residente ng Marawi ang pagdating ng isang armadong pangkat sa kanilang lugar at pagkatapos na beripikahin ng Sandatahang Lakas ang impormasyon, naglunsad ng militar ng isang oplang surhikal upang mahuli si Hapilon.

Pagtugon ng pamahalaan

Krisis Sa Marawi 
Pagtatalumpati ni Pangulong Duterte sa Iligan kaugnay sa nangyayaring krisis sa Marawi.
Krisis Sa Marawi 
Nakipagkita si Duterte sa mga sundalo ng ika-4 na Sangay ng Hukbong Lakad sa himpilan nito kaugnay sa krisis.

Kasunod ng pag-atake, inihayag na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas militar sa Mindanao, ika-10 ng gabi ng ika-23 ng Mayo, 2017 (oras sa Pilipinas). Nakasaad sa Saligang Batas ng 1987, ang batas militar ay magtatagal nang 60 araw. Nagpasya na rin si Pangulong Duterte na ikliin ang kanyang diplomatikong pagbisita sa Rusya.

Si Pangalawang Pangulong Leni Robredo ay nanawagan ng pagkakaisa habang ang mga puwersa ng pamahalaan ay nagpapatuloy na lumalaban sa mga teroristang pangkat sa Marawi. Sinimulan rin niya ang pagsasagawa ng mga pagabuloy at pinamunuan ang pagbibigay ng tulong para sa mga biktima.

Ilang mga tsekpoynt ang isinagawa noong Linggo, ika-28 ng Mayo, 2017, sa buong Kamaynilaan. Isang mensaheng pangkaligtasan na inisyu ay nagsasabi sa mga mamamayan ng mga posibleng tsekpoynt sa Kalakhang Maynila.

Inilunsad ng Kagawaran ng Edukasyon ang programang "Brigada for Marawi" (Brigada para sa Marawi) upang tulungan ang mga lumikas na guro at mag-aaral mula sa Marawi. Bilang bahagi ng programa, nanawagan ang kagawaran ng mga abuloy mula sa publiko, sinubaybayan ang mga guro at mag-aaral at naglaan ng tulong sikolohikal sa mga naapektadong mga guro. Ang Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad ay nangakong maglalaan ng tulong na ₱1 libo sa bawat apektadong pamilya. Ito ay upang ipagdiriwang pa rin ng mga Muslim ang Ramadan.

Mga namatay

Krisis Sa Marawi 
Labi ng mga sundalong namatay sa labanan.

Ang mga naiulat na namatay ay ang mga sumusunod:

  • 978 bandido ang napatay (kabilang ang 13 dayuhan)
  • 168 sundalo at pulis ang namatay (12 sa mga sundalo ang namatay sanhi ng sumablay na pagbomba mula sa himpapawid)
  • 87 sibilyan ang namatay (kabilang ang 40 namatay dahil sa sakit)
  • higit 1,400 tropa ng pamahalaan ang sugatan

Ang hepe ng pulisya ng Malabang na si Romeo Enriquez, ay ang kinilala ni Rodrigo Duterte na ang pulis na pinugutan ng ulo, sa kanyang talumpati bilang isa sa mga pagbabatay para sa kanyang pagpapahayag ng batas militar, ngunit makalipas ay nahanap si Enriquez na buhay pa pala. Ang napatay na pulis ay makalipas kinilala na nang tama ng Pambansang Pulisya sa Awtonomong Rehiyon sa Muslim Mindanao bilang si Senior Inspector Freddie Solar, isang dating hepe ng pulisya ng Malabang at kasapi ng Yunit Kontra Droga ng pulis panlalawigan ng Lanao del Sur.

Bukod sa mga namatay, halos nasira ang buong Marawi sa itinuturing na bilang pinakamabigat na labanan sa Pilipinas mula noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Pagkamatay ng mga nagsilikas dahil sa mga sakit

Ayon sa ulat ng Kagawaran ng Kalusugan noong ika-16 ng Hunyo, 'di hihigit sa 40 lumikas, na nanatili sa labas ng mga "evacuation center", ay namatay sa pagkauhaw. Habang ang 19 na iba pa ay binawian ng buhay dahil sa kumalat na mga sakit na sanhi ng pananatili sa masisikip na mga kampo ng paglilikas. Itong ulat ay itinama ng Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan na si Paulyn Ubial bilang 4 lamang sa mga lumikas ang namatay dahil sa pagkauhaw, sa halip na 40.

Reaksyon

Social media

Krisis Sa Marawi 
Ang paalala ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP) kaugnay sa paggamit ng social media na may kinalaman sa krisis sa Marawi.

Ang mga reaksyon ukol sa pagpapahayag ng batas militar ay halo sa social media. Bumuhos ang dasal sa social media sa gitna ng mga ulat ng pagsakop at panununog ng Maute sa mga pampubliko at pampribadong pasilidad sa Marawi, hapon ng Martes kasama ang hashtag na #PrayForMarawi (Dasal para sa Marawi) na naging trending sa social media. Sa gitna ng mga hindi kumpirmadong ulat ng pagpupugot ng ulo at pandurukot, ang tagapagsalita ng Pambansang Pulisya na si Dionardo Carlos ay nakiusap sa mga mamamayan na limitahan ang "sa kung anong nalalaman nila, nakikita nila" sa paggawa ng mga post na may kinalaman sa nangyayari ngayon sa Marawi sa social media.

Ilang mga Pilipinong personalidad ang naglahad ng kanilang mga reaksyon sa nagpapatuloy na labanan sa pagitan ng mga puwersa ng pamahalaan at Maute sa Mindanao. Ilang mga sikat rin ang nanawagan ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba sa alyansang pulitikal.

Ibang bansa

  • Krisis Sa Marawi  Tsina: Ang tagapagsalita ng Ministrong Pandaigdigan ng Tsina na si Lu Kang ay nagpahayag ng malaking suporta ng kanyang bansa para sa mga puwersa ng pamahalaan ng Pilipinas at sinabi na "ang terorismo ay ang karaniwang kalaban ng sangkatauhan. Nauunawaan at sinusuportahan ng Tsina ang pamahalaan ng Pilipinas sa pagsugpo sa terorismo." Dagdag ni Kang, "naniniwala kami na sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Duterte, maipapanatili ng pamahalaan ng Pilipinas ang seguridad at katatagan sa rehiyon ng Mindanao."
  • Krisis Sa Marawi  Malaysia: Agad na sinimulan ng Malaysia na higpitan ang hangganan nito sa Pilipinas pagkatapos inihayag ng pangulo ang batas militar. Ang Inspektor-Heneral ng Pulisya na si Khalid Abu Bakar sinabi na sila'y “nag-iingat, at laging alisto sa kung anong nangyayari sa kalapit na Pilipinas”. Ang Punong Ministro ng Malaysia na si Najib Razak ay inanunsiyo rin na ang kanyang pamahalaan ay aalok ng suporta sa mga hukbo ng Pilipinas.
  • Krisis Sa Marawi  Rusya: Si Pangulong Vladimir Putin ay nagpaabot ng kanyang pakikiramay sa mga biktima ng pag-atake sa Marawi matapos iklian ni Pangulong Duterte ang kanyang pagbisita sa Moscow. Sa kanilang pagpupulong sa Kremlin, sinabi ni Putin kay Duterte na "ako at ang aking mga kasamahan ay lubos na nauunawaan na kailangan mong umalis upang bumalik sa iyong bayan" at inihayag na sana'y ang gulo "ay malulutas sa lalong madaling panahon at sa kaunting mga nasawi lamang."
  • Krisis Sa Marawi  Nagkakaisang Kaharian: Binalaan ng pamahalaan ng Britanya ang kanilang mga mamamayan na iwasang bumiyahe sa kanlurang Mindanao, kasama na ang Marawi kung saan nagpapatuloy pa rin ang labanan sa pagitan ng militar at Maute.
  • Krisis Sa Marawi  Estados Unidos: Ang Kalihim sa Pahayagan ng White House na si Sean Spicer ay naglabas ng pahayag na kinokondena ang "kamakailang karahasang kagagawan ng isang pangkat ng teroristang may kaugnayan sa Islamikong Estado sa katimugang Pilipinas" at sinabing, "itong mga duwag na terorista ay pumatay ng mga Pilipinong alagad ng batas at nilalagay sa kapahamakan ang buhay ng mga inosenteng mamamayan." Tiniyak ng White House sa Pilipinas ang suporta nito sa mga pagsusumikap laban sa terorismo at sinabing, "ang Estados Unidos ay ipinagmamalaking kakampi ang Pilipinas, at ipagpapatuloy ang pakikipagtulungan sa Pilipinas upang i-adres ang mga banta sa kapayapaan at kaligtasan ng ating mga bansa."

Tingnan rin

Mga sanggunian

Mga kawing panlabas

Tags:

Krisis Sa Marawi Sa likod ng pangyayariKrisis Sa Marawi Pagtugon ng pamahalaanKrisis Sa Marawi Mga namatayKrisis Sa Marawi ReaksyonKrisis Sa Marawi Tingnan rinKrisis Sa Marawi Mga sanggunianKrisis Sa Marawi Mga kawing panlabasKrisis Sa MarawiAbu SayyafDigmaanIslamikong EstadoMarawiPangkat ng MautePilipinasPook na urbanoSandatahang Lakas ng Pilipinas

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Pamahalaan ng PilipinasKasoySayaw sa ObandoBawal na gamotSeverino ReyesTanayRebelyon ni DagohoyHermano PuleAwtoritarismoSangguniang BarangayProduksiyon ng bigas sa PilipinasPagtutuliKudetaBurol (seremonya)Limang Haligi ng IslamHuling PaalamBinangonanTalaan ng mga Kabanata sa Noli Me TangerePangasiwaan ng Pilipinas sa Serbisyong Atmosperiko, Heopisiko, at AstronomikoHIVAlyansaEksomunyonIndustriyalisasyonAIDSBugtongAnemiaPampangaBituinKasaysayan ng Pilipinas (1565–1898)Sagisag ng Republika ng PilipinasOrganisasyong di-pampamahalaanKarpinteroRodriguezLiberalismoKundolPartido Liberal (Pilipinas)HukbalahapBayan KoSurotPagsusuriKomisyon sa Wikang FilipinoSimple random samplingPanaginipTrangkasoHimagsikanMga lalawigan ng PilipinasLuha ng BuwayaMga pambansang sagisag ng PilipinasTalabaDaliri sa kamayDinamika (musika)Ekonomiya ng PilipinasBagyoBulkang TaalTsokolateng burolPaglilitisKarahasanMustasaFerdinand MarcosRelihiyonAklatanPakikipagtalastasanGoogleKumpisalPhilippine Human Rights Information CenterValenzuelaMagat SalamatMarxismoNingas-kugonDulaKarl MarxRelihiyon sa PilipinasTeoryaNobelaLapulapuMithiinBatas Republika Bilang 9165 ng PilipinasMakamisa🡆 More