Manny Pacquiao: Sen.

Si Emmanuel Manny Dapidran Pacquiao Sr.

Siya ang kauna-unahang kampeon ng walong dibisyon, nanalo ng sampung titulo at unang nakakamit ng panalo sa Lineal Championship sa limang magkakaibang dibisyon.

Manny Pacquiao
Manny Pacquiao: Ang kanyang buhay, Karera sa palakasan, Karera sa pulitika
Si Pacquiao noong 2010
Senador ng Pilipinas
Kasalukuyang nanunungkulan
Unang araw ng panunungkulan
30 Hunyo 2016
Kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng mga Kinatawan mula sa Nag-iisang Distrito ng Sarangani
Nasa puwesto
30 Hunyo 2010 – 30 Hunyo 2016
Nakaraang sinundanErwin L. Chiongbian
Sinundan niRoel D. Pacquiao
Pansariling detalye
Ipinanganak
Emmanuel Dapidran Pacquiao

(1978-12-17) 17 Disyembre 1978 (edad 45)
Kibawe, Bukidnon, Pilipinas
KabansaanPilipino
Partidong pampolitikaPDP-Laban (2012–2014, 2016–kasalukuyan)
People's Champ Movement (2010–kasalukuyan)
Ibang ugnayang
pampolitika
AsawaJinkee Pacquiao [en] (m.2000–kasalukuyan)
Anak
  • Emmanuel Jr. (Jimuel)
  • Michael Stephen
  • Mary Divine Grace (Princess)
  • Queen Elizabeth (Queenie)
  • Israel
MagulangRosalio Pacquiao (tatay)
Dionisia Mommy D Dapidran Pacquiao (nanay)
Tahanan
Alma mater
TrabahoAtleta
Pulitiko
PropesyonProfessional boxer
Businessperson
Kilala bilangEight-division boxing world champion
Websitiowww.congress.gov.ph

Binansagan si Pacquiao ng "Fighter of the Decade" noong dekada 2000 ng Boxing Writers Association of America (BWAA), World Boxing Council (WBC) at World Boxing Organization (WBO). Siya rin ay tatlong beses naging "Fighter of the Year" sa mga taong 2006, 2008 at 2009 ng The Ring at BWAA. Best Fighter ESPY Award rin sya noong 2009 at 2011.

Si Pacquiao ay may titulong Kampeon ng IBO World Junior Welterweight, Kampeon ng WBC World Lightweight, Kampeon ng The Ring World Junior Lightweight, Kampeon ng WBC World Super Featherweight, Kampeon ng The Ring World Featherweight, Kampeon ng IBF World Junior Featherweight at Kampepn ng WBC World Flyweight. Siya din ay isang WBC Emeritus Champion, WBC Diamond Champion at WBO Super Champion.

Pinatumba at tinalo na ni Pacquiao ang mga boksingero na sina Chatchai Sasakul, Lehlohonolo Ledwaba, Marco Antonio Barrera, Juan Manuel Márquez, Érik Morales, Óscar Larios, Jorge Solís, David Díaz, Oscar De La Hoya, Ricky Hatton, Miguel Cotto, Joshua Clottey, Antonio Margarito at Shane Mosley.

Kasalukuyang nanunungkulan si Pacquiao bilang senador sa bansang Pilipinas.

Ang kanyang buhay

Si Manny Pacquiao ay ipinanganak noong 17 Disyembre 1978 sa Kibawe, Bukidnon, Pilipinas. Siya ay anak ni Rosalio Pacquiao at Dionisia Dapidran-Pacquiao. Ang kanyang magulang ay nahiwalay noong siya ay ika-anim na baitang, matapos nadiskubre ang kanyang ina na ang kanyang ama ay namumuhay sa ibang babae. Siya ay ika-apat sa pitong magkapatid. Dalawa sa kanila ay isa ring pulitiko at dating professional boksingero Alberto Bobby Pacquiao at ang beteranong brodkaster Rolando Rolly Pacquiao.

Si Pacquiao ay pinakasalan si Jinkee Jamora noong 10 Mayo 2000. Sila ay nagkasama na may limang anak. Sa kasalukuyan, siya ay tumira sa General Santos City, South Cotabato. Gayunman, bilang kongresista ng kaisa-isang distrito ng Sarangani, siya ay opisyal na naninirahan sa Kiamba, Sarangani kung saan ang kanyang asawa na si Jinkee ay tirahan niya.

Edukasyon

Nakumpleto ni Pacquiao ang kanyang edukasyong pang-elementarya sa Saavedra Saway Elementary School sa General Santos City, pero first year high school pa lang sa General Santos City National High School at siya ay nag-drop out dahil sa sukdulan at matinding kahirapan. Iniwan nya ang kanyang tahanan sa edad na 15 dahil sa ina na hindi magawang sapat ang pera para suportahan ang kanyang pamilya.

Karera sa palakasan

Boksing

Sa edad na 16, si Pacquiao ay lumipat ng Maynila para sumali sa boksing bilang amateur. Noong 1995, ang pagkamatay ng kanyang minimithi at malapit na kaibigan na si Eugene Barutag ang nag-udyok sa kanya para ipagpatuloy ang kanyang propesyonal na karera sa boksing. Sa kasalukuyan panahon kinilala si Pacquiao bilang isa sa pinakamahusay na boxingero sa kasaysayan na may kamangha-manghang tagumpay naging kampeon siya sa walong dibisyon, nag retiro si Pacquiao noong 2021.

Basketbol

Noong April 2014, inanunsyo ni Pacquiao ang kanyang balak na sumali sa Philippine Basketball Association (PBA) bilang manlalaro at coach ng Kia Motors 2014-2017.

Karera sa pulitika

Noong Pebrero 2007, opisyal na inanunsyo ni Pacquiao na gustong tumakbo bilang miyembro ng Bahay Kongresista (House of Representatives) para sa halalan sa Mayo 2007, kumakatawan sa unang distrito ng South Cotabato. Siya ay tumakbo bilang Partido Liberal (Liberal Party). Pero natalo siya ng kanyang kalaban na si Darlene Antonino-Custodio.

Noong 2009, kinumpirma ni Pacquiao na tumakbo muli bilang kongresista, pero sa oras na ito ay sa Sarangani. Noong May 13, 2010, si Pacquiao ay opisyal na prinoklama bilang kongresista ng kaisa-isang distrito ng Sarangani. Siya ay nakakuha ng 120,052 boto laban sa kanyang kalaban na si Roy Chongbian na nakakuha ng 60,899 na boto.

Noong 2013, si Pacquiao ay nanalo sa ikalawang termino niya sa pagka-kongresista sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na pinangunahan ni Bise-Presidente Jejomar Binay. At noong 2015, idineklara ni Pacquiao na tumakbo bilang Senador sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA) sa pamumuno ni Binay.

Noong Setyembre 2021, inihayag ni Manny Pacquiao ang kanyang kandidatura para sa halalan sa pagka-2022 sa pagkapangulo.

Kontrobersiya

Si Pacquiao ay nahaharap ng iba't ibang kontrobersiya tulad ng kasong pag-iwas ng buwis (tax evasion case) at pahayag sa LGBTQ at same-sex marriage.

Noon Pebrero 2016, nagbigay si Pacquiao ng kanyang pahayag sa TV5 Network tungkol sa same-sex marriage. Inilarawan ni Pacquiao ang same-sex marriage na "mas masahol kaysa sa mga hayop" dahil ang mga hayop sa pangkalahatan ay hindi sila nagkaroon ng pagsasama sa parehong kasarian. Kinondena nina Vice Ganda, Aiza Seguerra, Boy Abunda at ang grupong Ladlad ang pahayag niya.

Tingnan din

Mga sanggunian

Mga panlabas na kawing

Tags:

Manny Pacquiao Ang kanyang buhayManny Pacquiao Karera sa palakasanManny Pacquiao Karera sa pulitikaManny Pacquiao KontrobersiyaManny Pacquiao Tingnan dinManny Pacquiao Mga sanggunianManny Pacquiao Mga panlabas na kawingManny PacquiaoMga Pilipino

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Estados UnidosSenado ng PilipinasKagawaran ng Paggawa at EmpleoPagpapatiwakalKalakhang MaynilaTala ng mga bansa ayon sa sistema ng pamahalaanTanayBatasMitolohiyang PilipinoIkalawang Digmaang PandaigdigTeoryaUsogDatosPanatang MakabayanImplasyon (presyo)Produksiyon ng bigas sa PilipinasKatarunganApdoPanliligawPamilyaBundokHimagsikanKawalang trabahoWikang KapampanganKomprehensibong Programa sa Repormang PansakahanDaigdigLihamPang-uriLakandulaPanloloko sa Pondo ng Pangunahing Tulong sa Pag-unladRelihiyon sa PilipinasKoridoManny PacquiaoDemokrasyaWency CornejoRabiesRusyaAraw ng mga Nagkakaisang BansaVice GandaKarahasan laban sa kababaihanEmperador MeijiPandaigdigang Organisasyon ng PangangalakalAntonio LunaMartsa ng Kamatayan sa BataanDulaSabwatan ng TondoSapilitang trabahoKumpilSangguniang BarangaySalitaMarijuanaKalayaan ng mga mamamahayagIslamPunoTalabaMoralidadLaroAmado V. HernandezPanulaanEroplanoPulmonyaSosyalismoKulugoChiang Kai-shekLope K. SantosBurol (seremonya)HumanismoNueva EcijaAnne CurtisPantayong pananawKapeKasanayanWikang InglesKinaltas na Kabanata ng Noli me TangerePigingPanitikanDagatGaleon ng Maynila🡆 More