Ramadan: Pag-aayuno ng isang buwan sa Islam

Ang Ramadan (Arabe: رَمَضَان‎, romanisado: Ramaḍān ) ay isang kaganapang panrelihiyon ng mga Muslim na nagaganap tuwing ika-siyam na buwan sa kalendaryong Islam, kung kailan naihayag ang Qur'an.

Ito ang panahon ng pag-aayuno (sawm), pagdarasal, pagnilay, at pamayanan. Isang paggunita ng unang paghayag ni Muhammad, itinuturing bilang isa sa mga Limang Haligi ng Islam ang taunang pagtalima sa Ramadan at tumatagal ng dalawampu't siyam hanggang tatlumpung araw, mula isang pagkakita ng gasuklay na buwan hanggang sa susunod na pagkakita nito.

Ramadan
رَمَضَان
Ramadan: Pag-aayuno ng isang buwan sa Islam
Mula sa itaas, kaliwa pakanan: Isang gasuklay na buwan sa Sarıçam, Turkiya na nagmamarka ng simula ng buwan ng Ramadan sa Islam; pagbabasa ng Quran noong Ramadan sa Bandar Torkaman, Iran; Iftar (kainan ng komunidad) sa Dubai, Nagkakaisang Arabong Emirato; pagdasal ng Tarawah sa isang moske sa Kanlurang Sumatra, Indonesya; mga pagkaing inihahain sa tradisyonal na kainang Iftar; mga dekorasyong pang-Ramadan sa Herusalem; mga kahon ng donasyon (pang-Zakat) sa Taipei, Taiwan.
Ipinagdiriwang ngMga Muslim
UriPanrelihiyon
Mga pagdiriwangMga iftar at pagdarasal ng komunidad
Mga pamimitagan
  • Sawm (pag-aayuno)
  • Zakat at sadaqah (limos)
  • Paggunita ng Gabi ng Qadr
  • Pagbabasa ng Quran
  • Pag-iiwas sa lahat ng masasamang gawa at pagpapakumbaba
  • Pagdasal ng Taraweeh (mga Sunni na Muslim)
NagsisimulaSa huling gabi ng buwan ng Sha'ban
NagtataposSa huling gabi ng buwan ng Ramadan
PetsaPaiba-iba (sumusunod sa kalendaryong lunar ng Islam)
2023 date22 Marso – 21 Abril
DalasTaunan (kalendaryong lunar)
Kaugnay saEid al-Fitr, Gabi ng Qadr

Obligado na umiwas sa pagkain at inumin mula pagsikat ng araw at paglubog ng araw ang lahat ng mga adultong Muslim na walang sakit (matindi man o malala), hindi naglalakbay, nakatatanda, nagpapasuso, diyabetiko, o nagreregla. Suhur ang tawag sa kainan bago ang pagsikat ng araw, at iftar naman ang tawag sa hapunang matapos ang ayuno. Kahit nailabas ang mga fatwa na nagdedeklara na dapat sundin ng mga Muslim na naninira sa mga rehiyon na may araw sa hatinggabi o gabi sa polo ang talaorasan ng Mecca, isang karaniwang kaugalian na sundin ang talaorasan ng pinakamalapit na bansa kung saan malinaw ang kaibahan ng araw at gabi.

Pinaniniwalaang mas marami ang mga espirituwal na gantimpala (thawab) ng pag-aayuno tuwing Ramadan. Kaayon nito, hindi lang iniiwasan ng mga Muslim ang pagkain at inumin tuwing mga oras ng pag-aayuno, kundi produktong tabako, seksuwal na relasyon, at makasalanang pag-uugali. Sa halip, inilalaan ang kanilang sarili sa salat (pagdasal) at pag-aaral ng Qur'an.

Mga sanggunian

Tags:

IslamIslamikong kalendaryoKalendaryoLimang Haligi ng IslamMuslimPag-aayunoQur'anRelihiyonWikang Arabeen:WP:IPA for Arabic

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Winston ChurchillTuguegaraoSelosTeoryaPangngalanLGBTWalisSistemang padrinoBulutung-tubigBangsamoroSiningRebolusyong EDSA ng 1986Kagawaran ng EdukasyonSiquijorHimagsikanPartido Liberal (Pilipinas)Manuel RoxasHeneral Luna (pelikula)Philippine Human Rights Information CenterEnsiklopedyaCariñosaAklatanKorupsiyonKatapatanCarlos P. GarciaArsobispoPagkamamamayanDindo FernandoPang-abayBituinAghamPelikulang PilipinoLuwadEduardo V. ManaloMunisipalidadAltapresyonKawayanMagna CartaConfucianismoMandaluyongParusang kamatayanKalayaan ng mga mamamahayagKaruwaganIkalawang Digmaang PandaigdigOpyoPaaralanBalintatawDenguePangasinanMultoKomonwelt ng PilipinasMaynilaMarilaoWatawatBatas Republika Bilang 9165 ng PilipinasHolokaustoMonarkiyaLambingSorbetesMga wika sa PilipinasBahay na batoGMA NetworkPedro PaternoSingaw (sakit)KumbentoLipunang pambayanPanunumpa ng Katapatan sa WatawatPariralaDiperensiyang narsisistiko na personalidadInggitRodriguezBahagi ng pananalitaPilibusteroXXXTentacionSikolohiyang PilipinoMalaysiaMaka-Diyos, Maka-tao, Makakalikasan at MakabansaEpiko🡆 More