Meka

Ang Meka, na binabaybay ding Mecca o Makkah (ginagamit ang Mecca sa mas matatandang mga teksto; may opisyal na pangalang Makkah al-Mukarramah; Arabe: مكة المكرمة‎) ay isang lungsod sa Saudi Arabia.

Mayroong 1,294,169 katao ang namumuhay doon (senso ng 2004). Ang lungsod ay may sukat na 73 kilometro (45 milya) paloob ng lupa magmula sa Jeddah, na nasa makipot na mabuhanging Lambak ni Abraham, 277 metro (909 talampakan) na nakataas sa antas ng dagat. Nakalagak ito na 81 kilometro (50 milya) magmula sa Dagat na Pula.

Ang Meka ang pinakabanal na lungsod sa mundo ng Islam. Taon-taon, milyun-milyong mga Muslim ang nagsasagawa ng pilgrimahe o pamamakay papunta sa Meka. Tinatawag ang paglalakbay na ito bilang Hajj, kung sinusundan ng mga Muslim ang mga yapak ni Muhammad. Lahat ng mga Muslim na makakapagsasagawa nito ay inaasahang gawin ang Hajj kahit na isang ulit lamang sa panahon ng kanilang buhay. Ang Kaaba at ang Masjid al-Haram, pinakabanal na moske sa Islam ay nasa Meka. Nakasara ang Meka sa mga hindi Muslim maliban na lamang sa ilang mga tagapamahayag na nag-uulat nang hinggil sa Hajj.

Kasaysayan

Ang Kaaba, ang maliit na hugis kubikong gusali na hinaharapan ng mga Muslim habang nagdarasal ay pinaniniwalaang itinatag ni Ibrahim at naging isang sentro ng pananampalataya magmula noon. Naniniwala ang mga Muslim na inataasan ng Diyos si Ibrahim na ipadala ang pangalawa niyang asawang si Hajar at ang kaniyang anak na lalaking si Ismail dito. Natagpuan ng mag-ina ang Balon ng Zamzam na nagpahantong sa mga tao manirahan sa kalapit na lugar, kung kaya't naitatag ang Meka. Nang nasa tamang gulang na si Ismail, tinulungan niya ang kaniyang ama na itayo ang Kaaba. Ang Kaaba ay isang pook na pinananalanginan ng mga Muslim habang nakaharap dito. Tinawag itong Qibla at ito lamang pook na mahaharap ng Muslim kapag nagdarasal.

Mga sanggunian

Mga kawing palabas

Meka  Ang lathalaing ito na tungkol sa Saudi Arabia ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wiki sa pagpapalawig nito.

Tags:

Dagat na PulaJeddahLungsodSaudi ArabiaWikang Arabe

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

KuomintangMonarkiyaMonarkiyang konstitusyonalPalawanBahagi ng pananalitaUnited KingdomSikolohiyang PilipinoDistornilyadorIndustriyalisasyonPahayaganMandaluyongGaslightingApianKatipunan ng mga KarapatanPamamaraang parlamentaryoInternetPransiyaAraw ng KagitinganDinagyangBarenaAng Pagong at ang MatsingSalapiAraw (astronomiya)BinangonanSa Aking Mga KabataSistemang pang-ekonomiyaEutanasyaTalaan ng mga lungsod sa Timog KoreaKapangyarihang Alyados (Unang Digmaang Pandaigdig)AntipoloMaynilaEspiritwalidadEmilio AguinaldoKasaysayan ng MaynilaBenigno Aquino Jr.Aba Ginoong MariaSedulaMga HudyoSandatahang Lakas ng PilipinasPanghalipMultoBaliwagPilipinoBangungotPanunuholLipunanHaponPangako Sa 'YoKronolohiya ng kasaysayan ng PilipinasMakataBata, Bata...Pa'no Ka Ginawa?HinduismoSan Juan, Kalakhang MaynilaMapaLagariBagong Hukbong BayanRespetoBayan KoOryentasyong seksuwalDiperensiyang narsisistiko na personalidadElpidio QuirinoLope K. SantosHanapbuhayKuwentong-bayanSuper Bagyong YolandaAlamat ng pinyaKaragatang Kanlurang PilipinasKolonyalismoPakikipanayamPangalanTalaan ng mga lungsod at bayan sa PilipinasKapaligiranGregorio del PilarTamblotPasigAdolf HitlerSaligang Batas ng Pilipinas ng 1973Sayaw sa Obando🡆 More