Tamblot:

Si Tamblot ay isang babaylan sa Barrio Tupas, Antequera, Bohol at pinuno ng pag-alsa sa Bohol laban sa mga Kastila simula 1621 hanggang 1622.

Siya ay gumawa ng isang himala upang tutulan ang Kristiyanismo at maibalik ang katutubong paniniwala.

Tamblot
Personal
RelihiyonMga sistemang katutubong paniniwalang Boholano
Nabuhay noong1621–1622
Kilala saSiniklb ang mga katutubo na lumaban sa pagsakop ng mga Kastila sa Bohol
TrabahoBabaylan

Paglaban ni Tamblot

Noong 1621 ay hinamon ni Tamblot ang isang Heswitang pari para patunayan kung sino ang may higit na kapangyarihan kay Hesukristo na sinasamba ng mga Kristiyano o kay Ay Sono na pinaniniwalaan ng mga katutubo. Ang hamon ay kung sinong Diyos ang makakagawa ng pagkain mula sa tangkay ng kawayan. Pagkatapos magdasal ng Heswitang pari ay walang pagkain na nagmula sa pinutol na tangkay ng kawayan. Subalit pagkatapos magdasal ni Tamblot ay may pagkain tulad ng kanin at isda na nagmula sa kanyang pinutol na kawayan. Dahil dito ay napaniwala ni Tamblot ang mga dalawang libong Boholano na talikdan ang Katolisismo at mag-aklas laban sa mga Kastila.

Sinimulan ng pangkat ni Tamblot ang pag-aklas noong karamihan sa mga Heswitang pari na nasa Bohol ay pumunta ng Cebu para ipagdiwang ang beatipikasyon ni San Francisco Javier. Sinunog nina Tamblot ang mga bayan at mga simbahan na pinangangasiwaan ng mga Heswitang pari at napalaya ang mga bayan ng Malabago, Maribojoc, at Inabanga.

Kamatayan

Napatay si Tamblot sa paglusob sa kanilang kampo noong Enero 1, 1622 ng mga ipinadalang limampung Kastila at mahigit sa isandaang katutubo mula sa Cebu at Pampanga ni Don Juan de Alcarazo, ang alkalde-mayor ng Cebu noong panahong iyon.

Simbolo ng kabayanihan

Tamblot: Paglaban ni Tamblot, Kamatayan, Simbolo ng kabayanihan 
Watawat ng Bohol

Sumasagisag kina Tamblot at Dagohoy ang dalawang bolo na nasa watawat ng lalawigan ng Bohol bilang dalawang Boholano na lumaban sa mga dayuhan.

Mga sanggunian

Tags:

Tamblot Paglaban ni Tamblot KamatayanTamblot Simbolo ng kabayanihanTamblot Mga sanggunianTamblotBabaylanBoholKastilaKristiyanismo

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

BataanAIDSBlackpinkPariralaHuseng BatuteAli Baba at ang Apatnapung MagnanakawBill GatesPanunumpa ng Katapatan sa WatawatCoco MartinDipologMakinang pinasisingawanKapitalismoKilusang PropagandaKomiksImbensiyonHidilyn DiazAgusan del SurKanlurang AsyaCagayan de OroEdukasyonPelikulang PilipinoIbn SaudGitaraHIVGabinete ng PilipinasPananakop ng mga Hapones sa PilipinasPagsusuriMaynila, sa mga Kuko ng LiwanagBahagi ng pananalitaEspanyaKagawaran ng Agham at Teknolohiya (Pilipinas)PetrarcaIdiyomaMonologoAlbert EinsteinPropagandaPonemaSundiata KeitaKatas ng pukeBell Trade ActSayawTatlong pangkat ng sinaunang mga tao sa PilipinasWalisSarimanokTimog KoreaAba Ginoong MariaTalaan ng mga Sakuna sa PilipinasCorazon AquinoEdukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga AmerikanoReporma sa lupaTalaan ng mga Kabanata sa Noli Me TangereShotaconWatawat ng PilipinasHeneral Luna (pelikula)BalitaTeokrasyaSikolohiyang PilipinoBulaklakBienvenido LumberaSaranggolaPanaguriUnggoyMga lindol sa Turkiya–Siria ng 2023BalarilaMga NegritoImperyong RomanoTagapagbatasPagbabago ng klimaLokal na pamahalaanBarangayQur'anUnang Digmaang OpyoPandemya ng COVID-19PelikulaMarxismoVisita Iglesia🡆 More