Ibn Saud

Si Abdul Aziz Al Saud, Hari ng Saudi Arabia (15 Enero 1876 – 9 Nobyembre 1953) (Arabe: عبد العزيز آل سعود‎) ay ang unang monarka ng Pangatlong Estadong Saudi na nakikilala bilang Saudi Arabia.

Mula sa kanyang buong pangalang Abdul Aziz bin Abdur Rahman Al Saud o 'Abd al-'Aziz ibn 'Abd al-Rahman ibn Faisal al Sa'ud, pangkaraniwang siyang tinutukoy bilang ibn Saud o Ibn Saud.

Ibn Saud
Si Ibn Saud ng Saudi Arabia.

Ipinanganak si Ibn Saud sa Riyadh sa Bahay ng Su'ūd (karaniwang may transliterasyong Saud), na sumunod sa kilusang Wahhabi ng Islam magmula noong ika-18 daang taon at makapangkasaysayang nakapagpanatili ng pangingibabaw sa panloob na mga lupaing matataas ng Arabya na kilala bilang ang Nejd (tingnan ang Unand Estadong Saudi at Pangalawang Estadong Saudi). Simula sa muling pagsakop ng tahanang lungsod na Riyadh ng kanyang pamilya noong 1902, pinag-isa ni Ibn Saud ang kanyang pagtaban o kontrol sa Nejd noong 1922, sinakop niya ang Hejaz noong 1925. Naitatag ang nasyon at pinag-isa bilang Saudi Arabia noong 1932. Sa kalaunang panahon ng kanyang paghahari at pamumuno, natuklasan ang petrolyo sa Saudi Arabia noong 1938, at nakita ng kanyang pamahalaan ang simula ng malakihang pakinabang ng likas na yamang ito pagkalipas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ama si Ibn Saud ng maraming mga supling o anak, kabilang na ang lahat ng mga hari ng Saudi Arabia na namuno pagkaraan niya.

Kasaysayan ng mag-anak na Saud

Noong kaagahan ng dekada ng 1800, namumuno ang pamilya ng Saud sa isang malaking bahagi ng Arabya. Pagdating ng 1891, napalayas at nanatili sa Kuwait ang mag-anak. Ilang bahagi ng Arabya ang naging pag-aari ng Imperyong Otomano (mga Turko). Naging maliliit na mga kaharian ang natitirang iba pa.

Kasaysayan ng Saudi Arabia

Noong 1902, sinimulan ni Ibn Saud ang pagbawi ng mga lupaing dating pag-aari ng kanyang mag-anak. Kinuha niya ang Riyadh sa pamamagitan ng dalawang daang mga kalalakihang mandirigma, kasama ang teritoryong nasa paligid ng Riyadh. Noong 1913, inagaw niya mula sa mga Turko ang dalampasigan ng Gulpong Persa na nasa pagitan ng Qatar at Kuwait. Noong 1922, naging Sulta ng Nejd si Ibn Saud dahil sa kanyang pamumuno sa Nejd, binabaybay ding Nedj, ang tawag sa kabuoan ng gitnang Arabya. Noong 1926, nasakop ni Ibn Saud ang Hejaz, ang tawag sa dalampasigan ng Dagat na Pula. Noong 1932, ipinahayag niya na pinag-iisa niya ang kanyang mga lupain bilang isang kaharian na nasa ilalim ng pangalang Saudi Arabia, na naging isang mayamang bansa pagdaka dahil sa pagmimina ng langis o petrolyo.

Mga sanggunian

Tags:

Hari ng Saudi ArabiaSaudi ArabiaWikang Arabe

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Komisyon sa HalalanKonstruksiyonPamamaga ng mataPampangaHidilyn DiazWikang InglesPang-abayPanliligawJose P. LaurelPulisyaXXXTentacionPeminismoPáitMga wika sa PilipinasKapaligiranGabi (gulay)SinulogBalbalDaniel PadillaSakit sa pag-iisipPagmiminaKagat ng asoDasalPangako Sa 'YoDyords JavierLos BañosKatas ng pukeSaligang Batas ng Pilipinas ng 1973IsraelBuwan ng WikaMga kagawarang tagapagpaganap ng PilipinasJaime L. SinPagkalulong sa bawal na gamotPangungusapGonoreaButuanSaranggolaMariano GómezPaghahari-harianBoracayTaripaPagbabago ng klimaAlpabetong FilipinoMuslimLualhati BautistaIsabelo de los ReyesMIMAROPASasakyang panghimpapawidPanunumpa ng Katapatan sa WatawatLiberalismoPulmonyaJosé RizalDalagPagduduwalArtipisyal na katalinuhanKasaysayan ng Pilipinas (1898–1946)KorupsiyonCabanatuanEditoryalSalitaKilusang kababaihanJus sanguinisKompyuterKatamKagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad PanlipunanPanahonHIVPakikipagtalastasanNegros OrientalSanta Rosa, LagunaAraw ng KagitinganTurismoAlbert EinsteinBudhiFidel V. RamosUsog🡆 More