Taoismo

Ang Taoismo o Daoismo, mula sa Mandarin na Dàojiào 道教 na binibigkas nang  dào (tulong·impormasyon)  jiào (tulong·impormasyon), Hokkien (POJ) na Tō-kàu, Kantones (Jyutping) na Dou6gaau3, ay tumutukoy sa iba-ibang magkakaugnay na pangpilosopiya at pangrelihiyon nang higit nang mga dalawang libong taon at lumaganap sa Kanluran.

Nangangahulugan ang salitang 道, Tào (o Dào sa makabagong romanisasyon ng Mandarin), bilang "landas" o "daan," bagaman may mga ibang basal na kahulugan ito sa ibang pambayang relihiyong Tsino at pilosopiya. Binibigyan din ng kagandahang-asal at etika ng Taoismo ang Tatlong Hoyas ng Dào: kompasyon, prugalidad, at umildad. Pangkalahatang nakatuon ang kaisipang Taoista sa kalikasan, kaisahan ng mga tao-kosmos (天人相应), kalusugan, mahabang buhay, wúwéi (aksiyon sa pamamagitan ng walang aksiyon—o gumagawa nang di gumagawa), kalayaan, kawalang-kamatayan at pagkakusang-loob.

Taoismo
Taoismo
Simbolo ng interaksiyon ng yīn (阴) at yáng (阳) sa Daoismo

Ang Pangalang Taoismo ay nagmula sa dào, salitang Tsino na ang ibig sabihin “ang daan." Naniniwala ang Taoista na pinakamahalagang mamuhay sa natural na pamamaraan. Ang dào ay dapat umayon sa kalikasan. Ang mga paghihirap, pagdurusa, sakit at problema ng tao ay resulta ng hindi pagsunod sa paraan ng kalikasan. Ang dào ay maihahalintulad sa “isang bagay na walang hugis at porma." Ang mga karagatan at ilog ay kinalalagyan. Kaya makapangyarihan ang dào dahil mapagkumbaba ito. Ang dào rin ang nagbibigay ng puwersa sa lahat ng nilalang.

Simplisidad ang tema ng Taoismo. Ang Taoista ay dapat maging parang simpleng pirasong kahoy. Malimit itong kahoy ay metapora sa Taoismo. Dapat yumuko nang parang hinahanginang talahib. Huwag dapat pilitin ang di paraan ng kalikasan.

Taoismo
Arteng Taoista: palakang may tatlong binti

Ang mga limang elemento ay tubig, apoy, kahoy, bakal, at lupa. Ang mga nagkokorespond na kulay ay itim-asul, pula, berde-asul, puti, at dilaw. Importante ito sa alkimiya ng Intsik.

Ang "pagbalikbalik" ay importante sa Taoismo. Ang meditasyon ay may pinagbabalikan. Ang isip o katawan man ay bumabalik sa "pinanggalingan." Ang kalikasan ay "konstante." Kung di alam ang konstante ay katastrope ang magkakaroon.

Ang paniwala ng mga Taoista ay maraming kaluluwa ang nasa loob ng katawan. May konseptong yin at yang. Ang yin (Tsinong pinapayak: ; Tsinong tradisyonal: ; pinyin: yīn) ay maitim at makababae, habang ang yang (Tsinong pinapayak: ; Tsinong tradisyonal: ; pinyin: yáng) ay maputi at makalalaki. Sa konsepsiyon ng tao, nagkakaroon ng pitong yin na kaluluwa na sasamahan ng tatlong yang na kaluluwa sa pag-anakan. May eskuwela ng Taoismo na naniniwalang may mga 36 000 kaluluwang diyos sa bawat katawan ng tao at ang mga ito ay mikrokosmo na nagrereplek sa makrokosmo. May mga anitong mabait at mga may anitong demonyo. Ang (o Tsi na tinatagalog) ay buhay-enerhiya o "hinga."

Ang Taoismo ay isang klaseng Animismo, katulad ng Shinto ng Hapon. Ang Taoismo ay isang klaseng Panteismo rin.

Ang pinakaimportanteng eskritura sa Taoismo ay ang Dàodéjīng (道德經). Enigmatiko ang orihen nitong libro, pero sinulat daw ni Lǎozǐ (老子)—ang Matandang Bata. Isinalin ang mga 81 kabanata nito sa maraming-maraming wika sa mundo.

Tingnan din

Mga sanggunian

Taoismo  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wiki sa pagpapalawig nito.

Tags:

BuhayEtikaHokkienKalayaanKalikasanKalusuganKantonesPilosopiyaRelihiyonRomanisasyonTalaksan:Zh-dào.oggTalaksan:Zh-jiào.oggTsinaWikang TsinoWikipedia:Tulong sa MediaZh-dào.oggZh-jiào.oggtungkol sa tunog na itowikt:道教

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

TeleponoKasuotanBrazilBalarilaHinduismoMargarito TevesGiovanni BoccaccioSeksuwalidad ng taoKooperatibaPang-angkopAng LadladSingawIbaloiMagat SalamatSoberanyaSimbolismo (sining)Kagawaran ng EdukasyonMga dinastiya sa kasaysayan ng TsinaHIVTradisyong-pambayan ng IndiaPaaralanRivermayaCatriona GrayGabi (gulay)Digmaang NapoleonikoEksistensiyalismoTagapagbatasPista ng MorionesKomunismoLalakiWilliam ShakespeareAlmuranasEpektong greenhouseBudismoMindanaoJames II ng InglateraSigaw ng Pugad LawinLea SalongaFlorante at LauraKasaysayanLino BrockaWalisGregorio del PilarPamilihanGastroenteraytisKorporasyon ng Pilipinas sa Seguro ng DepositoBatasPeminismoImbestigasyon sa pinagmulan ng COVID-19Vice GandaMary WollstonecraftPunong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng PilipinasMga Ibong MandaragitKomisyon sa Wikang FilipinoLGBTPamumuhunanPantayong pananawFernando de MagallanesMaynila, sa mga Kuko ng LiwanagParusang kamatayanVisita IglesiaDigmaang KoreanoPasigPananakit ng bayagKabuuang domestikong produktoMarcelo H. del PilarGabriela SilangTatlong pangkat ng sinaunang mga tao sa PilipinasPagmiminaJuan TamadPag-ibig sa Tinubuang LupaLokal na pamahalaanKabuuang pambansang produktoBuwisBaybayinKagawaran ng Interyor at Pamahalaang LokalImelda MarcosMetallica🡆 More