Hugis

Ang isang hugis anyo, korte, porma, pigura, o tabas ay isang representasyong grapikal ng isang bagay o panlabas na hangganan, balangkas, o panlabas na pang-ibabaw nito, taliwas sa ibang katangian tulad ng kulay, tekstura, o uri ng materyal.

Nahahadlangan ng isang hugis pamplano o pigurang pamplano na mailagay sa isang plano, taliwas sa mga solidong hugis na 3D. Maaring ilagay ang isang dalawang-dimensyong hugis o dalawang-dimensyong pigura (binaybay din: 2D na hugis o 2D na pigura) sa isang pangkalahatang nakakurbang ibabaw (isang hindi Euclidiyanong dalawang-dimensyong espasyo).

Hugis
Isang larurang pambata na tinatawag na Shape-O na ginawa ng Tupperware na ginagamit para matutunan ang iba't ibang mga hugis.

Pag-uuri ng mga payak na hugis

May ilang payak na hugis ang maaring ilagay sa malawak na kategorya. Halimbawa, nauuri ang mga poligono ayon sa kanilang bilang ng sulok tulad sa mga tatsulok, kuwadrilateral, pentagono, at iba pa. Nahahati naman ang bawat isang kategoryang ito sa mas maliit pa na mga kaurian; ang mga tatsulok ay maaring maging ekwilatero, isoseles, obtuso, agudo, escaleno, atbp. habang ang mga kuwadrilateral ay maari maging parihaba, rombo, trapesoide, parisukat, atbp.

Ang iba pang karaniwang hugis ay mga punto, guhit, plano, seksyong koniko tulad ng mga elipse, bilog, at parabola.

Ilan sa mga karaniwang hugis na 3-dimensyon ay ang polihedro, na mga hugis na may patag na mukha; mga elipsoide, na hugis-itlog o hugis-espera na mga bagay; silindro; at mga kono.

Kung papatak ang isang bagay sa isa sa mga kategoryang ito na tumpak o kahit tinaya lamang, maari nating gamitin ito upang isalarawan ang hugis ng isang bagay. Kaya, maari nating sabihin na ang hugis ng isang takip ng boka de alakantarilya (o manhole cover) ay disko, dahil tinatayang pareho ang heometrikong bagay sa aktuwal na heometrikong disko.

Sa heometriya

Ang isang hugis heometriko ay binubuo ng impormasyong heometriko na nanatili kapag tinanggal ang lokasyon, eskala, oryentasyon, at repleksiyon mula sa deskripsyon ng isang heometrikong bagay. Alalaong baga, ang resulta ng paggalaw ng isang hugis, pagpapalaki nito, pag-ikot nito, o pagrepleho nito sa salamin ay parehong hugis tulad ng sa orihinal, at hindi naiibang hugis.

Mga piling hugis

Heometriya

Bilog at mga baryante

Kuwadrilateral at mga baryante

Ibang poligon

Mga sanggunian

Tags:

Hugis Pag-uuri ng mga payak na hugisHugis Sa heometriyaHugis Mga piling hugisHugis Mga sanggunianHugisKulayPlano (heometriya)

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Agrikultura sa PilipinasJosé RizalIndioMarian RiveraKatauhang pangkasarianPagduduwalTeodora Realonda y QuintosWikipediaIntramurosHimagsikang PilipinoPagpapalaglagRamadanMga rehiyon ng PilipinasIndustriyalisasyonHimagsikanLabanan sa BritanyaPamilyaDagatTalaarawanSultanato ng MaguindanaoSakit na naipapasa sa pakikipagtalikJose W. DioknoEfren PeñafloridaTalaan ng mga Kabanata sa Noli Me TangereBantasTaiwanGavrilo PrincipEstadistikaSitawProduksiyon ng bigas sa PilipinasErmitanyoPang-ukolEleanor RooseveltKasoyDinamika (musika)PangngalanBacolodMga IgorotGabriela SilangDiperensiyang narsisistiko na personalidadTahananPilibusteroAwtoritarismoSistemang pang-ekonomiyaHagdan-hagdang Palayan ng BanaweCarlos P. GarciaMangingisdaGlobalisasyonTambalanSagisag ng Republika ng PilipinasPananahiBahay Kubo (katutubong awit)LilaPamamaraang parlamentaryoEtikaGraciano López JaenaLas PiñasGawgawPananaliksikTag-ulanRizalBuod (paglilinaw)NorzagarayPanghalipDemokrasyaIndustriyaPandemya ng COVID-19 sa PilipinasBawal na gamotPagtutuliTaripaAklanPamayananUnang PahinaTempo (musika)HanapbuhayLungsod QuezonSeksuwal na panliligaligMga lungsod ng Pilipinas🡆 More