Kuwadrilateral

Ang kuwadrilateral o apatang-gilid ang tawag sa mga hugis na may apat na gilid at apat na sulok.

Hango ang salitong ito sa Latin na salita, quadrilaterus: quadri- na nangangahulugang "apat", at lateris o gilid. 1 Maliban kung ito ay sadyang babanggitin, ang bawat sulok ng kuwadrilateral ay nasa iisang antas lamang. Ang pinagsama-samang sukat ng mga anggulo sa bawat sulok ng kuwadrilateral ay laging may halagang 360°.

Mga natatanging tipo ng kuwadrilateral

  • Paralelogram ang tawag sa kuwadrilateral na kung saan ang bawat paris ng magkatapat na gilid ay magkahaba at magkabalalay.
      Parihaba: Tipo ng paralelogram na may anggulong may sukat na 90° sa bawat sulok. Hindi kinakailangang magkahaba ang bawat paris ng magkatapat na gilid.
Kuwadrilateral 
Parihaba
      Rombo: Magkapareho ng haba ang bawat gilid ng rombo. Ang bawat paris ng magkatapat na gilid ay magkabalalay at ang magkatapat na sulok ay magkapareho ng sukat ng anggulo. Kapag gumuhit ng mga linya pahiris sa loob ng rombo, ang pinagkurusan ay mga anggulo na may sukat na 90°.
Kuwadrilateral 
Rombo
      Parisukat: Espesyal na uri ng rombo. Kapag ang lahat ng anggulo ng rombo ay may sukat na 90°, ito ay tinatawag ng parisukat. Magkabalalay ang magkatapatan na gilid at lahat ng gilid ay magkahaba.
Kuwadrilateral 
Parisukat

Iba pang mga uri ng kuwadrilateral

      Trapesoid o Trapesiyo: Kuwadrilateral na may isang paris ng magkatapat na gilid na magkabalalay. Kapag regular ang isang trapesiyo, magkahaba ang dalawang gilid na hindi magkabalalay at ang dalawang sulok sa ibaba ay magkasukat.
Kuwadrilateral 
Trapesiyo (hindi regular)
      Saranggola: Magkasukat ang paris ng dalawang magkatabing gilid. Ang anggulo sa gitna ng dalawang hindi magkahabang gilid ay kasinlaki ng anggulo sa tapat nito (sa pagitan ng dalawa pang hindi magkahabang gilid). Ang pinagkurusan ng pahiris na mga linya ay mga anggulo na may sukat na 90° at hinahati ng isang hiris na linya ang isa pang hiris na linya sa kalahati, at bisebersa.
Kuwadrilateral 
Saranggola

Mga sanggunian

  1. Diksiyonaryo ng Etimolohiya sa Web
  2. Kuwadrilateral mula sa Wolfram MathWorld
  3. Matematika para sa ika-pitong baitang


Kuwadrilateral  Ang lathalaing ito na tungkol sa Heometriya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wiki sa pagpapalawig nito.

Tags:

Anggulo

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

TagtuyotPaghahalamanMakataLokal na pamahalaan ng PilipinasAnemiaBatasKagawaran ng Repormang PansakahanKapangyarihang AksisPista ng PanagbengaKawanggawaPederalismoPamilihanUnggoyKalusuganProklamasyon Blg. 1081DagatAlamatFernando de MagallanesKahel (kulay)Winston ChurchillPangulo ng Estados UnidosSiningPapelPartidong NaziKasalanTaripaCarlos P. GarciaIskwalang panubokSa Aking Mga KabataPang-uriKomisyon sa HalalanKapangyarihang Alyados (Ikalawang Digmaang Pandaigdig)Kronolohiya ng Rebolusyong EDSA ng 1986IbonRelihiyonNagkakaisang BansaSanta Maria, BulacanGabriela SilangKompyuterBatas CooperTahananAba Ginoong MariaKuwentong-bayanMedidaNarutoNegosyoRene RequiestasHinuhaPandiwaKasaysayanAnjo PertierraKomonwelt ng PilipinasAti-AtihanEstados UnidosSinulogEksomunyonTalaan ng mga salitang hiniram ng TagalogNapoleon I ng PransiyaCebuHalalanBataanSalagubangPandemya ng COVID-19ErmitanyoTamarawAng Huling El BimboBantasMarcelo H. del PilarPulisyaSurotBob OngImpluwensya ng Espanya sa kulturang PilipinoAnak (pelikula)Mga rehiyon ng PilipinasLabanan sa MactanAbakadaBata, Bata...Pa'no Ka Ginawa?Gaslighting🡆 More