Ang Natatanging Rehiyong Administratibo ng Hong Kong ng Republikang Bayan ng Tsina (Ingles: Hong Kong Special Administrative Region of the People's Republic of China; Intsik: 中華人民和國香港特別行政區; Pakinggan), karaniwang tinatawag na Hong Kong (香港), ay isa sa dalawang Special Administrative Region (Natatanging Rehiyong Administratibo) ng Republikang Bayan ng Tsina.
Sumasali ang teritoryong ito sa mga kaganapang pandaigdigan sa ilalim ng pangalang "Hong Kong, Tsina".
Natatanging Rehiyong Administratibo ng Hong Kong 香港特別行政區 | |
---|---|
Wikang opisyal | Tsino, Ingles |
Katawagan | Taga-Hong Kong |
Pamahalaan | |
• Punong Tagapagpaganap | John Lee |
• Pangulo ng Kalupunang Tagapagbatas | Andrew Leung |
Geoffrey Ma | |
Lehislatura | Batasang Kalupunan |
Pagkatatag | |
• Kasunduan ng Nanking | 29 Agosto 1842 |
25 Disyembre 1941 – 15 Agosto 1945 | |
1 Hulyo 1997 | |
Lawak | |
• Kabuuan | 1,104 km2 (426 mi kuw) (ika-183) |
• Katubigan (%) | 4.6 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2008 | 6,985,200 (ika-98) |
• Senso ng 2001 | 6,708,389 |
• Densidad | 6,352/km2 (16,451.6/mi kuw) (ika-4) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2007 |
• Kabuuan | $293.311 bilyon (ika-38) |
• Bawat kapita | $42,123 (ika-10) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2007 |
• Kabuuan | $207.171 bilyon (ika-37) |
• Bawat kapita | $29,752 (ika-27) |
Gini (2007) | 43.4 katamtaman |
TKP (2007) | 0.937 napakataas · ika-21 |
Salapi | Dolyar ng Hongkong (HKD) |
Sona ng oras | UTC+8 (HKT) |
Kodigong pantelepono | 852 |
Kodigo sa ISO 3166 | HK |
Internet TLD | .hk |
Hong Kong | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Tsino | 香港 | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Cantonese Yale | Hēunggóng or Hèunggóng | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Kahulugang literal | "Mabangis na Harbour" | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Hong Kong Special Administrative Region | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Tradisyunal na Tsino | 香港特別行政區 (香港特區) | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Pinapayak na Tsino | 香港特别行政区 (香港特区) | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Cantonese Yale | Hēunggóng Dahkbiht Hàhngjingkēui (Hēunggóng Dahkkēui) or Hèunggóng Dahkbiht Hàhngjingkēui (Hèunggóng Dahkkēui) | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
Ang Hong Kong ay binubuo ng Pulo ng Hong Kong , Kowloon, at ang New Territories. Ang Tangway Kowloon ay nakakabit sa New Territories sa hilaga, at ang New Territories ay nakakabit naman sa Kalupaang Tsina pagtawid ng Ilog Sham Chun (Ilog Shenzhen). Sa kabuuan, ang Hong Kong ay mayroong 236 pulo sa Dagat Luzón, kung saan ang Lantau ang pinakamalaki at ang Pulo ng Hong Kong ang ikalawang pinakamalaki at pinakamatao. Ang Ap Lei Chau naman ang may pinakamataas na densidad ng populasyon.
Ang Hong Kong ay sakupbayan ng British crown hanggang 1997, nang ito ay ibinalik sa pamamahala ng Tsina. Sa ilalim ng patakaran na "isang bansa, dalawang sistema" , mayroong kapuna-punang antas na autonomiya ang Hong Kong mula sa Kalupaang Tsina, gayun din ang pagpapatuloy nito ng pagkakaroon ng sariling sistemang legal, pananalapi, customs, awtoridad sa pandarayuhan, at sariling pamamahala sa langsangan, kasama na ang pagmamaneho sa kaliwang bahagi ng kalsada. Ang tanggulang pambansa at ugnayang panlabas ay pinamumunuan ng sentral na gobyerno sa Beijing.
Ang pangalang Hong Kong ay magkasing ponetico ng salitang 'Heung Gong' na ang ibig sabihin ay "mabangong layagang-dagat".
114°12′E / 22.3°N 114.2°E
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Hong Kong, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.