Partido Komunista Ng Pilipinas: Marksista–Leninista–Mawistang partidong politikahin

Ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP, Ingles: Communist Party of the Philippines) ay ang pangunahing partido Komunista sa Pilipinas.

Binuo ang partido sa isang malayong barangay sa lungsod ng Alaminos, Pangasinan noong 26 Disyembre 1968 ni Jose Maria Sison, alinsunod sa pagbiyak nito mula sa nakatatandang Partido Komunista ng Pilipinas. Itinyak ni Sison ang pagsilang nito sa Barangay Dulacac sa tatluhang hangganan ng Alaminos, Bani at Mabini sa Pangasinan, kung saan itinanghal ang "kongreso ng muling pagtatag" ng PKP sa isang barung-barong malapit sa bahay ng mga Navarette, ang mga magulang sa kasal ni Arthur Garcia, isa sa mga tagapagtaguyod ng PKP. Inihayag ni Sison na ang mga gerilyang Komunista at nagtanghal ng mga "gawaing kultural" at nagdiriwang ng ika-39 anibersaryo ng kilusan. Noong 26 Disyembre 2007, idiniriwang naman ng Partido Komunista ng Pilipinas ang ika-39 anibersaryo nito.

Maoista ang ideolohiya ng PKP at lumalaban ito ng "digmaang bayan" sa pamamagitan ng armadong sangay nito, ang Bagong Hukbong Bayan, simula ng 1969. Nakikilahok ito sa Maoistang Pandaigdigang Kumperensiya ng mga Partido at Organisasyong Marxista-Leninista. Namumuno rin ang PKP sa Pambansang Prenteng Demokratiko.

Ang PKP ay nakikipaglaban sa isang digmaang gerilya laban sa estado mula nang itatag ito. Bagama't ang mga hanay nito sa pagsisimula ay humigit-kumulang 500 lamang, mabilis na lumaki ang partido, dahil umano sa pamamahayag at pagpapataw ng batas militar ng dating pangulo at diktador na si Ferdinand Marcos sa kanyang dalawampu'y isang taong pamumuno. Sa pagtatapos ng pamumuno ni Marcos sa bansa, lumawak ang bilang ng mga mandirigma na kinabibilangan ng mahigit 10,000 na manghihimagsik. Sa isang talumpati sa harap ng Kongreso ng US noong 1986, inamin ni Pangulong Corazon Aquino ang mabilis na paglago ng partido bilang dulot ng mga pagtatangka ni Marcos na pigilan ito sa pamamagitan ng "paraan ng paglago nito" sa kanyang pagtatatag ng batas militar, at iminungkahi niya na tingnan ito ng ibang mga pamahalaan bilang aral sa pagharap sa mga komunistang pagaalsa.

Noong 2019, sinabi ni Sison na dumarami ang bilang ng mga miyembro at tagasuporta nito, sa kabila ng mga pahayag ng gobyerno ng Pilipinas na malapit nang masira ang organisasyon. Ang organisasyon ay nananatiling isang underground na operasyon, na ang pangunahing layunin nito ay ang ibagsak ang gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng armadong himagsikan at alisin ang impluwensya ng U.S. sa Pilipinas. Binubuo ito ng Pambansang Demokratikong Hanay ng Pilipinas, isang kasamahan ng iba pang mga panghimagsikang organisasyon sa Pilipinas na may magkakahanay na mga layunin; ang Kabataang Makabayan, na nagsisilbing bagwis-pangkabataan; at ang Bagong Hukbong Bayan, na nagsisilbing armadong bagwis nito.

Sa kasalukuyan, ang PKP ang tinuturing pinakamalaking Marxista, Leninista, at Maoista na panghimagsikang pangkat sa mundo, na mayroong humigit-kumulang 150,000 miyembro, kung paniniwalaan ang mga kadre at opisyal nito.Padron:Isang di-primaryang pinagmulan ang kailangan



Mga sanggunian

Tags:

1968Bani, PangasinanDisyembre 26Jose Maria SisonLungsod ng AlaminosMabini, PangasinanPangasinanWikang Ingles

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

BudismoJohannes KeplerKaibiganAnyong lupaSementeryoWikang KapampanganParusang kamatayanTotalitarismoRedford WhiteKagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad PanlipunanPangatnigTulang pasalaysayPista opisyal sa PilipinasTsinaInhenyeriyaTalaan ng mga kabanata sa Noli Me TangereLabanan sa MactanHaranaAnekdotaSayusayKahulugan ng buhayTimothy HuttonBata, Bata...Pa'no Ka Ginawa?EstadistikaSabado de GloriaAgham panlipunanWikang KastilaKuliglig (Cicadidae)Benjamin PascualPanliligawUgandaPasigPangulo ng PilipinasApdoJuan LunaHenry HudsonCagayan de OroRizalRelihiyon sa PilipinasSalaysayMangyanBumberoLutuing PilipinoPagpapalaglag sa PilipinasMga wika sa PilipinasEmilio AguinaldoMga IlokanoLea SalongaMonopolyoBulkanAraling panlipunanLalakiLungsod ng ZamboangaSamahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang AsyaKasaysayan ng Pilipinas (1521–1898)Unang PahinaEstados UnidosGabinete ng PilipinasMaharlikaPamamaga ng lalamunanSan Jose del MonteEl NiñoPamahalaanTimog-silangang AsyaSitawTinimbang Ka Ngunit KulangPanaginipMargarito TevesPelikulang PilipinoLagunaPang-uriSanta Maria, BulacanPatinteroInternetMaria Clara at IbarraMitolohiyang PilipinoKagawaran ng KalusuganPulmonyaRusya🡆 More