Inhenyeriya

Ang inhenyeriya (binabaybay o tinatawag din bilang inhinyerya, inhinyeriya, inhenyerya, pag-iinhinyeryo, o pag-iinhenyeryo) ay ang kasanayan gamit ang likas na agham, matematika, at ang proseso ng disenyong inhenyeriya upang malutas ang mga suliraning teknikal, mapataas ang pagiging episiyente at produktibidad, at mapabuti ang mga sistema.

Binubuo ang makabagong inhenyeriya ng maraming larangan sa ilalim nito na kinabibilangan ng imprastraktura, makinarya, mga behikulo, elektronika, mga materyal, at sistema ng enerhiya.

Sumasaklaw ang disiplina ng inhenyeriya sa isang malawak na sakop ng mas maraming espesyalisadong larangan ng inhenyeriya, na kasama sa bawat isa ang isang mas partikular na diin sa isang espesipiko na larangan ng nilapat na matematika, nilapat na agham, at mga uri ng aplikasyon.

Hinango ang katawagang inhenyeriya mula sa Latin na ingenium, na nangangahulugang "katalinuhan" at ingeniare, nangangahulugang "umimbento, mag-isip". Tinatawag na inhinyero o inhenyero (inhinyera o inhenyera kung babae) ang mga propesyonal na nagsasanay sa inhinyeriya.

Pangunahing sangay ng inhenyeriya

Malawak na disiplina ang inhenyeriya na kadalasang pinaghiwa-hiwalay sa ilang mga sub-disiplina. Bagaman kadalasang sinasanay ang inhinyero sa isang partikular na disiplina, maari siya maging mulitdisplinaryo sa pamamagitan ng karanasan. Kadalasang naipakilala ang inhenyeriya bilang apat na pangunahing sangay: inhinyeriyang kimikal, inhinyeriyang sibil, inhinyeriyang elektrikal, at inhinyeriyang mekanikal.

Inhenyeriyang interdisiplinaryo

Humuhugot ang inhenyeriyang interdisiplinaryo mula sa higit sa isang mga sangay na prinsipyo ng pagsasanay. Sa kasaysayan, ang inhenyeriyang nabal at inhenyeriyang pagmimina ay ang pangunahing sangay. Kabilang sa ibang mga larangan ay ang inhenyeriyang pagmamanapaktura, inhenyeriyang pang-akustika, inhenyeriyang korrosyon, intrumentasyon at kontrol, aeroespasyo, awtomotibo, kompyuter, elektronika, inhinyeriyang pang-impormasyon, petrolyo, pang-kapaligiran, pang-sistema, awdiyo, software, arkitektural, agrikultural, biyosistema, biyomedikal, heolohikal, kayo, industriyal, materyal, at inhenyeriyang nukleyar.

Ibang sangay ng inhenyeriya

Inhenyeriyang awtomotibo

Ang inhinyeriyang awtomotibo, sa piling ng inhinyeriyang pang-aeroespasyo, inhinyeriyang pangmarina, at arkitekturang nabal, ay isang sangay ng inhinyeriyang pambehikulo (inhinyeriyang pangsasakyan), na nagsasama ng mga elemento ng mga inhinyeriyang mekanikal, elektrikal, elektroniko, pangsopwer, at pangkaligtasan upang mailapat at magamit sa pagdidisenyo, pagmamanupaktura at pagpapatakbo ng mga motorsiklo, mga awtomobil, mga bus, mga trak, at sa kani-kaniyang mga subsistema o kabahaging mga sistema na pang-inhinyeriya.

Inhinyeriyang pampetrolyo

Ang inhinyeriyang pampetrolyo ay isang larangan ng inhinyeriya na nakatuon sa mga gawain na may kaugnayan sa produksiyon ng mga hidrokarbon, na maaaring krudo o likas na gas. Ang panggagalugad at produksiyon ay nakatalaga sa pangunahing sektor ng industriya ng langis at gas. Ang panggagalugad ng hidrokarbon, na ginagawa ng mga siyentipikong panlupa, at ng inhinyeriyang pampetrolyo ay ang dalawang pangunahing mga disiplina ng industriya ng langis at gas, na nakatuon sa pagpapataas makaekonomiyang pagkuha ng hidrokarbon mula sa mga imbakang nasa ilalim ng lupa.

Mga sanggunian

Tags:

Inhenyeriya Pangunahing sangay ng inhenyeriyaInhenyeriya ng interdisiplinaryoInhenyeriya Ibang sangay ng inhenyeriyaInhenyeriya Mga sanggunianInhenyeriyaElektronikaEnerhiyaKasanayanLikas na aghamMatematika

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

ManuskritoDiego SilangPandanggoPaglilingkod sa pamayananKarapatang sibil at pampolitikaKagawaran ng Tanggulang Bansa (Pilipinas)RodriguezDasmariñasNegosyoAbakaMakataKagawaran ng Repormang PansakahanLikas na kapaligiranPasigPista opisyal sa PilipinasMga AetaAlamat ng pinyaSekularisasyonKonsuladoLea SalongaDinagyangSanggunianAnahawAnjo PertierraKidapawanDi-kathang isipCalabarzonPantasyaImperyalismoBughawMapaTuberkulosisKarapatang pantaoKorupsiyon sa PilipinasSibuyasPakikipag-ugnayan sa ibang taoPista ng PanagbengaSikolohiyang PilipinoMga Gobernador-Heneral ng PilipinasPaghihiwalay ng MindanaoBatas militarCriza TaaKagawaran ng AgrikulturaKapayapaanWalisEkonomiya ng PilipinasDambanang Rizal (Calamba)Hiroshima Peace MemorialBundokPigsaIkalawang Digmaang Sino-HaponesLibangan (gawain)PagnanakawSamahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang AsyaPagtatalik na premaritalHimagsikang PilipinoSi Tandang Bacio MacunatKalikasanKatipunan ng mga KarapatanMga pambansang sagisag ng PilipinasProduksiyon ng bigas sa PilipinasHeneral Luna (pelikula)Bayan KoSeksuwal na panliligaligPatinigAlemanyang NaziJovito SalongaIndustriyaIsloganAmado V. HernandezSanaysay24 OrasBahay na batoImplasyon (presyo)Pandemya ng COVID-19 sa PilipinasMangyanPagkalulong sa bawal na gamotIkalawang Digmaang PandaigdigBangko Sentral ng Pilipinas🡆 More