Lingguwistika Morpolohiya

Ang morpolohiya ay ang sangay ng linggwistika na nag-aaral ng morpema (morpheme) o ang pinakamaliit na yunit ng tunog na may kahuluguhan.

Pinag-aaralan dito ang sistema ng pagsasalansan ng mga morpema upang makabuo ng salita na may payak o kumplikadong kahulugan. Ang mga morpema ay maaaring isang buong salita, panlapi, artikulo, o metalinggwistikal na yunit ng kahulugan tulad ng intonasyon at stress o diin.

Kayarian ng salita

May apat na kayarian ng mga salita. Ito ang mga sumusunod:

  1. payak - salitang-ugatin
  2. maylapi - salitang-ugat at may panlapi
  3. inuulit - kapag ang salitang-ugat ay inuulit
  4. tambalang-salita - dalawang magkaibang salitang pinagsama upang makabuo ng bagong kahulugan

Mga halimbawa ng tambalang salita at mga kahulugan nito

  1. Taingang-kawali- taong nagbibingi-bingihan
  2. Ingat-yaman - tresyurera o tresyurero, tagapag-ingat ng salapi o ari-arian ng isang tao o organisasyon
  3. Matapobre - mapagmataas, malupit, mapangmata sa mga mahihirap
  4. Patay-gutom - timawa, palaging gutom, matakaw
  5. Hampaslupa - mahirap, pobre, pulubi
  6. Akyat-bahay - magnanakaw, mang-uumit sa bahay ng iba
  7. Boses-palaka - pangit kumanta, sintunado o wala sa tono
  8. Ningas-kugon - sinisimulan ang isang Gawain ngunit hindi tinatapos
  9. Nakaw-tingin - pag-sulyap sa isang tao na hindi niya nalalaman
  10. Agaw-pansin - madaling makakuha ng pansin o atensiyon, takaw-pansin, agaw-eksena
  11. Sirang-plaka - paulit-ulit ang sinasabi
  12. Takip-silim - mag-gagabi, pagitan ng hapon at gabi
  13. Bukang-liwayway - mag-uumaga, pagitan ng ng umaga at madaling-araw
  14. Madaling-araw - pagitan ng hatinggabi at bukang-liwayway
  15. Hatinggabi - eksaktong alas dose ng gabi, pagitan ng gabi at madaling-araw
  16. Tanghaling-tapat - eksaktong alas dose ng umaga, pagitan ng umaga at hapon
  17. Balat-sibuyas - maramdamin, madaling masaktan
  18. Likas-yaman - pinagkukunang yaman na nanggagaling sa kalikasan
  19. Tubig-alat - tubig na nanggagaling sa dagat o karagatan
  20. Tubig-tabang - tubig na nanggagaling sa mga ilog, lawa at ibang maliit na bahagi ng tubig
  21. Hanap-buhay - trabahong kailangan ng mga tao.

Lingguwistika Morpolohiya  Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wiki sa pagpapalawig nito.

Tags:

Linggwistika

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Park Jung MinRelihiyon sa PilipinasPaseguruhan ng mga Naglilingkod sa PamahalaanGlobalisasyonEstadoRebelyon ni DagohoyVintaRomantisismoLagunaWikang FilipinoLeo EchegarayUgandaSosyolohiyaKagawaran ng Repormang PansakahanPanulaanPosisyong papelBawal na gamotDaliri sa kamayWilliam HarveyBahagi ng pananalitaKongreso ng PilipinasHainismoMontesquieuKapulungan ng mga Kinatawan ng PilipinasTulinganBalagtasanPang-abayAIDSRamon ObusanPambansang Alagad ng Sining ng PilipinasÑKatas ng pukeTeorya ng dependensiyaPampublikong sektorPilosopiyaPabulaIbn SaudTotalitarismoAd hominemPiso ng PilipinasRomaJose P. LaurelSamahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang AsyaDemokrasyaPagpapatalastasFernando de MagallanesBenigno Aquino Jr.Henry SyIspiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng PilipinasTrece MartiresDiptonggoPusaMarxismoFrancis BaconDambanang AguinaldoDigmaang NapoleonikoTuluyanKagawaran ng KalusuganMitolohiyaViva Hot BabesPelikulang PilipinoDaniel PadillaAnna OhuraGladys GuevarraSun Yat-senKasaysayanPatinteroAntropolohiyaPamahalaan ng PilipinasIkalawang Republika ng PilipinasSikolohiyang PilipinoIndustriyalisasyonAntonio PigafettaTeleseryeKasunduan sa VersaillesKasunduan sa Paris (1898)Panggagahasa🡆 More