Wikang Latin

Ang Latin (lingua Latīna o Latīnum ) ay isang wikang Indo-Europeo na unang sinalita sa Latium na katawagan sa lupain sa palibot ng Roma.

Mahalaga ang ginampanan ng Latin bilang pangunahing wika ng Imperio Romano. Ito rin ang pinanggalingan ng lahat ng mga wikang Romanse kagaya ng (mula kanluran hanggang silangan) Portuges, Espanyol, Katalan, Pranses, Italyano, at Rumano. Makikita rin sa talasalitaan ng iba pang mga pangkasalukuyang wika kagaya ng Ingles (malimit dahil sa Pranses) at mga wika ng Pilipinas (dahil naman sa Kastila) ang maraming salitang hango sa Latin.

Latin
Latina
Bigkas/laˈtiːna/
Katutubo saKanlurang Mediteraneo
Mga natibong tagapagsalita
Katutubo: wala
Pangalawang wika: nasa 5,000
Pangalawang wikang nasusulat: nasa 25,000
Indo-Europeo
  • Italiko
    • Latinopaliskano
      • Latin
Alpabetong Latin
Opisyal na katayuan
Lungsod ng Vaticano
Pinapamahalaan ngOpus Fundatum Latinitas
(Simbahang Katoliko)
Mga kodigong pangwika
ISO 639-1la
ISO 639-2lat
ISO 639-3lat

Ang alfabetong Latin ay hango sa sinaunang alfabetong Italico na siya namang hango sa alfabetong Griego; ito pa rin ang pinakaginagamit na alfabeto sa buong daigdig. Ginamit din ang Latin sa Kanluran sa loob ng mahigit 1000 taon bilang lingua franca o wikang pantalastasan at para na rin sa panitikan sa agham at politika. Napalitan naman ito ng Pranses noong ika-18 siglo at ng Ingles noong ika-19 na siglo.

Sa kasalukuyan, ginagamit pa rin ang Latin sa pagsasauri ng mga nilalang, pagngangalan ng mga larangan at iba pang mga bagay na inaaral sa agham nang naaayon sa Kanluraning kagawian. Samantalang ang Lating Pamsimbahan (Latina Ecclesiastica) pa rin ang formal na wika ng Simbahang Katoliko at pangunahing wika ng Lungsod ng Vatikano. Ginamit ng Simbahan ang Latin bilang banal na wika magpahanggang Ikalawang Kapulungang Vatikano noong decada 1960.

Mga titik at tinig

Isang teenager/adult na lalaki na nagsasalita ng Latin

Narito ang isang talaan ng mga titik at tinig o fonema sa wikang Latin. Upang makatiyak, ginagamit na gabay sa pagbaybay ng bigkas ang IPA.

A (maikli) [ʌ] (tulad ng ‘talim’)
A (mahaba) [aː] (tulad ng ‘akin’)
AE [aj] (tulad ng ‘bigay’)
B [b] (tulad ng ‘alab’)
C [k] (tulad ng ‘anak’)
CH [kʰ] (tulad ng katutubong bigkas ng Inggles na ‘cake’; bahagyang katulad ng sa ‘likha’)
D [d] (tulad ng ‘dalisay’)
E (maikli) [ɛ] (tulad ng ‘pera’)
E (mahaba) [eː] (tulad ng karaniwang bigkas sa salitang Tagalog na ‘pare’, sa Frances na ‘été’, o sa Aleman na ‘Leben’)
EI [ej] (tulad ng ‘Kankanaey’)
EU [ew] (tulad ng ‘Europa’; malapit sa ‘ewan’)
F [f] (tulad ng ‘Filipino’)
G [g] (tulad ng ‘gawa’)
GN [ŋn] (tulad ng ‘pangnakaraan’)
H [h] (tulad ng ‘hawak’)
I (maikli) [ɪ] (tulad ng ‘hapit’)
I (mahaba) [iː] (tulad ng ‘kilos’)
J [j] (tulad ng ‘yugto’)1
K [k] (tulad ng C; madalang gamitin sa Latin)
L [l] (tulad ng ‘laro’)
M [m] (tulad ng ‘madla’)
N [n] (tulad ng ‘niyog’; bago ng C, G, o Q, bilang /ŋ/ ng ‘tangkay’)
O (maikli) [ɔ] (tulad ng ‘Ano?’)
O (mahaba) [oː] (tulad ng sa salitang Tagalog na ‘alimuom’, sa Frances na ‘eau’, o sa Aleman na ‘wo’)
OE [oj] (tulad ng ‘Oy!’)
P [p] (tulad ng ‘payak’)
PH [pʰ] (tulad ng Inggles na ‘pit’)
QU [kʷ] (medyo kasintulad ng ‘pakwan’)
R [ɾ] (tulad ng ‘marami’)
S [s] (tulad ng ‘sarap’)
T [t] (tulad ng ‘talampas’)
TH [tʰ] (tulad ng Inggles na ‘tin’; malapit sa “bathala’)
U (maikli) [ʊ] (tulad ng ‘balut’)
U (mahaba) [uː] (tulad ng ‘pusa’)
V [w] (tulad ng ‘wari’)
X [ks] (tulad ng ‘paksa’)
Y (maikli) [ʏ] (tulad ng Frances na ‘tu’)
Y (mahaba) [yː] (tulad ng Aleman na ‘übermensch’)
Z [z] (tulad ng Inggles na ‘zoo’)

Hindi ipinapakita sa pagbaybay ng Latin ang pagkakaiba ng maiikli at mahahabang patinig, ngunit sa makabagong baybay, maaaring lagyan ng makron (ā, ē, ī, ō, ū, ȳ) ang mahahabang patinig.

Para sa baybay ng Simbahang Katoliko ng Latin, tingnan ang Latin Eclesiastico.

1 Sa gitna ng dalawang patinig, dalawa ang bilang na ginagampanan ng titik J: isang katinig at isa ring bumubuo ng diptonggo kasama ng naunang patinig. Halimbawa (gamit ang baybay pambigkas sa Tagalog), major (/máy·yor/), cujus (/kwí·yus/), rejectus (/rey·yék·tus/).

Ilang halimbawa

Salita

  • tatay : pater
  • nanay : mater
  • ako : ego
  • ikaw : tu
  • parusa : multa
  • diwata : nympha, diva
  • bula : bulla
  • kapit : aprehendere; capere
  • sabon : sapo
  • diyos : deus
  • balat : cutis
  • grabe : gravis
  • sana : utinam
  • isa : uno
  • ito : iste
  • tinapay : pan
  • dalawa : duo
  • tatlo : tri
  • lima : quinque
  • walo : octo
  • pera : pecunia
  • paa : pes
  • pakiusap : si vobis; tibi placeat...
  • mata : oculus
  • tenga : auris
  • ilong : nasus
  • kamay : manus
  • at : ac; et
  • ngunit : at; sed
  • kasi/dahil : quoniam; quod
  • oo : ita
  • o  : aut
  • hindi : non
  • apoy : ignus
  • tubig : aqua
  • lupa : terra
  • hangin : ventum
  • salaysay/kasaysayan : historia
  • usapan : recensere
  • paanyaya : invitatio
  • abuloy : donatio
  • halamanan : hortum
  • salamat : gratias

Pangungusap

  • Aba! : Hercle!
  • Magandang araw, kumusta? : Salve, ut vales?
  • Saan ka pupunta? : Quo vadis?
  • Sana dumating siya. : Utinam veniat is.
  • Sana ay sinabi mo kaagad. : Utinam dixeris protinus.
  • Veni vedi vici : Dumating ako, nakita ko, sinakop ko
  • pax et bonum : kapayapaan at kabutihan
  • Senatus Populusque Romanus (SPQR) : Senado ng Sambayanang Romano
  • alea iacta est : ang sugal ay naitapon na
  • Iesus Nazarenus Rex Iudaeorum (INRI) : Hesus Nazareno, Hari ng mga Hudyo

Tingnan din

Wikang Latin 
Wiki
Edisyon ng Wiki sa Wikang Latin

Wikang Latin  Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wiki sa pagpapalawig nito.

Tags:

Wikang Latin Mga titik at tinigWikang Latin Ilang halimbawaWikang Latin Tingnan dinWikang LatinImperyong RomanoLazioMga wikang Indo-EuropeoMga wikang RomanseRomaTala ng mga wika sa PilipinasWikang IngglesWikang ItalyanoWikang KastilaWikang KatalanWikang PortugesWikang PransesWikang Rumanoen:Help:IPA/Latin

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad PanlipunanPang-aabusong seksuwalNAMFRELDinamika (musika)PanghalipMorong, BataanApolinario MabiniHabagatAnayFernando Poe Jr.PakikipanayamMuntinlupaAklatImpiyernoPandemya ng COVID-19 sa PilipinasTalaan ng mga salitang hiniram ng TagalogMahatma GandhiGabriela SilangLakandulaMakatiKarapatanMga wika sa PilipinasSultanato ng MaguindanaoTransportasyon sa PilipinasGomburzaPalawanPang-abayLuwadPamahalaan ng PilipinasPananampalatayaKapaligiranSikolohiyang PilipinoSilang, KabiteMga pambansang sagisag ng PilipinasMithiinApogSaligang Batas ng Pilipinas ng 1973NarutoLambak ng CagayanHabeas corpusBahaKidapawanPartidong pampolitikaBundok ApoMarxismoTitiFreddie AguilarIsabelo de los ReyesPasmaLa Ilustración FilipinaAlbert EinsteinPangungusapSangguniang BarangayPeminismoRehiyon ng DavaoCOVID-19Kronolohiya ng Rebolusyong EDSA ng 1986Pang-uriEdukasyonNagkakaisang BansaKaibiganPáitKagawaran ng EdukasyonBangko Sentral ng PilipinasTimog-silangang AsyaSanta Rosa, LagunaPanahonPresasHimagsikang MagalatKawalang trabahoAlmuranasLipa, BatangasKagawaran ng Paggawa at EmpleoTalaan ng mga kabanata sa Noli Me TangerePatutotBatas militar sa ilalim ni Ferdinand MarcosBaboy🡆 More