Ang Copenhague (Danes: København; Ingles: Copenhagen) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod sa Dinamarka, na may populasyon sa kabayanan na 1.2 milyon (base sa Enero 2011) at kalakhang populasyon na 1.9 milyon (base sa Abril 2011).
Ang Copenhague ay nakalagay sa mga pulo ng Selandia at Amager.
Copenhagen København | ||
---|---|---|
Mula sa taas na kaliwa: Christiansborg Palace, Frederik's Church, Tivoli Gardens at Nyhavn. | ||
| ||
Mga koordinado: 55°40′34″N 12°34′06″E / 55.67611°N 12.56833°E 12°34′06″E / 55.67611°N 12.56833°E | ||
Bansa | Dinamarka | |
Rehiyon | Kabisera (Hovedstaden) | |
Itinatag | Ika-11 dantaon | |
Naging lungsod | Ika-13 | |
Pamahalaan | ||
• Lord Mayor | Frank Jensen (S) | |
Lawak | ||
• Lungsod | 86.20 km2 (33.28 milya kuwadrado) | |
• Metro | 2.778,3 km2 (1.0727 milya kuwadrado) | |
Pinakamataas na pook | 91 m (299 tal) | |
Pinakamababang pook | 1 m (3 tal) | |
Populasyon (2014) | ||
• Lungsod | 579,513 | |
• Kapal | 6,700/km2 (17,000/milya kuwadrado) | |
• Urban | 1,246,611 (details) | |
• Metro | 1,990,036 (details) | |
• Densidad sa metro | 711/km2 (1,840/milya kuwadrado) | |
• Etnisidad | 77.3% Danish 22.7% Iba pa | |
Demonym | Københavner | |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) | |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | |
Postal code | 1050-1778, 2100, 2150, 2200, 2300, 2400, 2450 | |
Kodigo ng lugar | (+45) 3 | |
Websayt | kk.dk |
Unang naitala noong ika-11 siglo, ang Copenhague ay naging kabisera ng Dinamarka noong ika-15 siglo. Noon ika-17 siglo, sa ilalim ng pamumuno ni Cristian IV, ito ay naging mahalagang sentrong panrehiyon. Nang matapos ang pang-malawakang Tulay ng Øresund noong 2000, ang Copenhague ay naging sentro ng lalung nagkakalapit na Rehiyon ng Øresund. Sa loob ng rehiyon na ito, ang Copenhague at ang Swekong lungsod ng Malmoe ay tuluyang lumalaki at nagbubuo ng pinag-isang kalakhan.
Ang Copenhague ay isang pangunahing sentro ng kultura, negosyo, midya at agham, ayon sa ilang mga talaang pandaigdig. Ang biyolohiya, impormatika at pagbabarko ay mahahalagang industriya at ang pagsasaliksik at pagpapatupad (research and development) ay isang pangunahing bahagi ng ekonomiya ng lungsod. Ang natatanging kinalalagyan nito at ng kaniyang kapaki-pakinabang na mga pasilidad, bukod sa pagkakaroon ng pinakamalaking daungan sa Escandinavia na mapupuntahan sa loob ng 14 minutos sa tren mula sa kabayanan, ay siyang nagdulot sa kaniyang pagiging himpilang panrehiyon at isang madalas na tanggapan ng mga rehiyonal na kompanya at kumbensiyon.
Ang Copenhague ay paulit-ulit na kinikilala bilang isa sa mga lungsod na may pinakamataas na kagandahan sa buhay. Ito rin ay kilala bilang isa sa mga lungsod na maalaga sa kalikasan. Ang tubig sa babaying-dagat ay malinis at maaaring languyan. 36% ng mga mamamayan ay naglalakbay patungong trabaho sa pamamagitan ng bisikleta.
Mula noong pagsalin ng milenio, ang Copenhague ay nagkaroon ng mabilis na pag-unlad panlungsod at pangkultura, at inilalarawan ito bilang isang boom town. Ito ay dala rin ng masisigasig na pagpupuhunan sa mga pasilidad pangkultura at isang bagong pangkat ng mga matatagumpay na disenyador, kusinero at arkitektor. Base sa 2010, ang Copenhague is tinala bilang ika-10 pinakamahal-tirahang lungsod sa daigdig ayon sa pahayagang Forbes.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Denmark ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wiki sa pagpapalawig nito.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Copenhague, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.