Aklat Ni Josue: Ikaanim na aklat ng Bibliya

Ang Aklat ni Josue o Josue ay ang ikaanim na aklat ng Tanakh at ng Lumang Tipan ng Bibliya.

Mga Aklat ng Bibliya

Nagmula ang pamagat ng librong ito sa pangalan ni Josue, ang humalili kay Moises bilang pinuno ng mga Israelita. Nanggaling ang pangalan Josue sa Hosea na dating tawag kay Josue. Pinalitan ni Moises ang Hosea ng pangalang Yehosua na nangangahulugang "ang Panginoon ang kaligtasan."

May-akda

Hindi natitiyak ang pangalan at katauhan ng sumulat sa Aklat ni Josue.

Mga bahagi

Binubuo ang Aklat ni Josue ng tatlong mga bahagi:

  • Pagsakop sa Canan (1, 1-12, 24)
  • Paghahati ng Lupain (13, 1-21, 45)
  • Pagbabalik ng mga Lipi sa Kanluran at Pamamaalam ni Josue (22, 1-24, 33)

Paglalarawan

Nilalahad sa Aklat ni Josue ang pagkakabihag, pagkakahati, at pagkakasakop ng mga Israelita sa lupaing tinatawag na Canan, sa ilalim ni Josue. Nilalayon ng aklat na bigyan ng patunay ang pagiging matapat ng Diyos sa Israelita, na makakamtan nila ang Lupang Pangako, ang pamana sa kanila ng Diyos. Kung hindi dahil sa Diyos, hindi magagapi ng mga Israelita ang mga bansang nasa Canan.

Historisidad

Ayon sa mga iskolar ng Bibliya, ang pigurang si Moises ay hindi totoo at ang salaysay ng paglalakbay ng mga Israelita mula sa Ehipto patungo sa ilang hanggang sa Canaan ay hindi sinusuportahan ng mga ebidensiyang arkeolohikal. Ayon sa mga iskolar, ang mga Israelita ay hindi galing sa Ehipto kundi nagmula sa Canaan. Gayundin, hindi inaayunan ng mga arkeologo ng Bibliya na sinakop ng mga Israelita ang Canaan gaya ng binabanggit sa Aklat ni Josue dahil walang ebidensiyang arkeolohikal na sumusuporta sa isang digmaan o pananakop. Ayon sa mga arkeologo, ang Canaan ay hindi tinirhan ng mga tao sa sinasabing panahon ng pananakop, pakikidigma at genocide(pagpatay ng buong lahi) ng mga Israelita sa mga mamamayan ng rehiyong ito.

Kaugnayan kay Hesus

Mula sa pangalang Yehosua ni Josue ang pangalan Hesus. Bilang paghahambing, at ayon kay Msgr. Jose C. Abriol, katumbas ng "pananakop ni Josue sa Lupang Pangako" ang "pananakop ni Hesus sa daigdig" na naganap sa pamamagitan ng "Santa Iglesya, patungo sa Langit ng Bayan."

Mga sanggunian

Panlabas na kawing

Tags:

Aklat Ni Josue May-akdaAklat Ni Josue Mga bahagiAklat Ni Josue PaglalarawanAklat Ni Josue HistorisidadAklat Ni Josue Kaugnayan kay HesusAklat Ni Josue Mga sanggunianAklat Ni Josue Panlabas na kawingAklat Ni JosueBibliyaIsraelitaJosue (kahalili ni Moises)Lumang TipanTanakh

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Pambansang Pulisya ng PilipinasBalutPangatnigBekeManuel RoxasBatas militar sa ilalim ni Ferdinand MarcosKidapawanNegros OrientalTsartPaglilimbagDistornilyadorInhinyerong konstruksyonImpeksiyon sa daanan ng ihiPaghahalamanHolokaustoPapelBaboyKagat ng alupihanTeresa MagbanuaKalayaan ng mga mamamahayagKrisis sa MarawiEstadoSan Pedro, LagunaArtikuloSultanato ng MaguindanaoSikolohiyaKalakhang MaynilaAnyong tubigMariano GómezDindo FernandoHimagsikang PransesSakutingBundok ApoDamdaminBalintatawMaharlikaBicolBudismoElpidio QuirinoCabuyaoSi Tandang Bacio MacunatRusyaAnayJuan Ponce EnrileAraw ng KalayaanLabanan sa MactanQuezonKarl MarxKanser sa susoWikang KapampanganPariralaSenakuloArsobispoKasanayanIdiyomaIsraelEpektong greenhousePanliligawLos BañosMalaysiaSus scrofaPangangalagang pangkalusuganMga Gobernador-Heneral ng PilipinasBulkang MayonPangulo ng Estados UnidosTalasalitaanMaria Clara at IbarraPagpapalaglagMahatma Gandhi24 OrasGuroSoberanyaAsoPartido Komunista ng PilipinasApdoIkalawang Digmaang Laban sa OpyoAklatPropesyon🡆 More