Ikalawang Sulat Sa Mga Taga-Corinto

Ang Ikalawang sulat sa mga taga-Corinto o 2 Corinto ay isang aklat sa Bagong Tipan ng Bibliya, na sinasabing isinulat ni Apostol Pablo para sa mga Kristiyanong taga-Corinto.

Mga Aklat ng Bibliya

Sinundan ito ng Unang Sulat sa mga taga-Corinto. Pinaniniwalaang tatlo ang liham na isinulat para sa mga Corintio subalit dadalawa lamang ang nakaabot sa pangkasalakuyang panahon.

Panahon ng pagkakasulat

Isinulat at ipinadala ni San Pablo ang Ikalawang Sulat sa mga taga-Corinto noong mga anim na buwan (may nagsasabing pagkaraan ng isang taon pagkalipas na maisulat ang unang liham. Ipinadala niya ang pangalawang liham sa pamamagitan ni Tito magbuhat sa Macedonia.

Katangian ng liham

Sinasabing mahirap sundan at wariin ang nilalaman ng Ikalawang Sulat ni San Pablo sa mga taga-Corinto sapagkat isa itong tugon sa mga pananalita at mga damdamin ng ibang mga tao, mga bahaging hindi matutunghayan sa sulat na ito. Samakatuwid, may kakulangan upang maunawaan ng husto. Gayunman, napanatili sa liham na ito ang pagbibigay liwanag sa naging buhay ni San Pablo noong mga kapanahunang iyon, bilang isang tao at bilang isang tagapangaral ng Kristiyanismo.

Layunin at paksa ng liham

Nasulat ang ikalawang sulat ni Pablo para sugpuin ang mga paninirang ginagawa ng mga Hudyo, at para na rin maipagtanggol ang kaniyang misyong pampananampalataya. Nakatuon ito sa sariling kaugnayan ni San Pablo sa simbahan o parokyang nasa Corinto, sa Gresya. Lalong lumala ang kalagayan ng mga Kristiyanong Corintio kaya't nilarawang ikinaluha at ikinagalit ito ni San Pablo. Nagpadala ng isang liham (ang isa pang sulat na hindi nakarating sa kasalukuyang panahon; hindi ang Ikalawang Sulat sa mga taga-Corinto) na nagsilbing isang sermon at babala: pinagsasabihan niya ang mga taga-Corinto.

Bilang lunas sa suliranin sa Corinto

Pagkaraang maipadala at maibatid sa mga taga-Corinto ang nilalaman ng sulat ni San Pablo (hindi ang Ikalawang Sulat sa mga taga-Corinto), nagdala si Tito ng balitang nagsasaad na nagbagong-loob ang mga mamamayan ng Corinto. Lubhang ikinagalak ito ni San Pablo, gumaan ang kaniyang kalooban, at nagpapasalamat sa mga taga-Corinto. Kaya't naisulat niya ang Ikalawang Sulat sa mga taga-Corinto na kabahagi ngayon ng Bibliya, na nagpapaliwanag ng mga naging kilos ni Pablo at para rin magbalita ng hinggil sa kaniyang mga gawain habang malayo sa Corinto.

Mga nilalaman

Ikalawang Sulat Sa Mga Taga-Corinto 
Isang sinaunang sipi ng 2 Corinto 11:33-12:9 mula sa Papiro 46 (o Papyrus 46).

Naririto ang nilalaman ng ginawang pakikipag-unayan ni Pablo sa Iglesya sa Corinto:

  1. Dinalaw ni Apostol Pablo ang Corinto na unang beses at nanatili roon ng 18 buwan (Mga Gawa 18:11). Umalis siya sa Corinto at nagtungo sa Efeso, kung saan siya nanatili ng 3 taon (Mga Gawa 19:8, 19:10, 20:31).
  2. Sinulat ni Pablo ang "sulat na pagpapaalala" mula sa Efeso.
  3. Sinulat ni Pablo ang 1 Corinto mula Efeso (1 Corinto 16:8).
  4. Dinalaw ni Pablo ang Corinto ng ikalawang beses gaya ng kaniyang sinabi sa 1 Corinto 16:6. Maaring nangyari ito nang nakadestino pa siya sa Efeso. Tinawag niya ito bilang isang "mapait na pagdalaw" sa 2 Corinto 2:1.
  5. Sinulat ni Pablo ang "sulat ng mga luha".
  6. Sinulat ni Pablo ang 2 Corinto na nagsasabing muli niyang dadalawin ang Corinto nang ikatlong ulit (2 Cor 12:14, 2 Cor 13:1). Hindi niya sinabi kung saan siya sumusulat, subalit naganap ito noong nilisan ni Pablo ang Efeso patungong Macedonia (Mga Gawa 20).
  7. Maaaring nakadalaw si Pablo ng 3 beses sa Corinto matapos niyang isulat ang liham na ito dahil nabanggit niya kataga sa Mga Gawa 20:2-3: na nanatili siya ng 3 buwan sa Gresya.

Mga bahagi

May tatlong pangunahing mga bahagi ang Ikalawang Sulat sa mga taga-Corinto: Una, ang pagtatanggol ni San Pablo tungkol sa kaniyang sarili (1, 1, - 7, 16). Ikalawa, mga abuloy na ukol sa mga taga-Jerusalem (8, 1, - 9, 15). At ikatlo, tungkol sa kaniyang pagiging alagad (10, 1 - 13, 13). Naririto ang balangkas ng ikalawang liham ni San Pablo:

    • Pagbati (1:1-11).
    • Ipinagtanggol ni Pablo ang kaniyang mga gawa at pagkaapostol at nagpatunay sa kaniyang pag-ibig sa mga taga-Corinto (1:12 - 7:16).
    • Mga paalala sa abuluyan para sa mga mahihirap sa Iglesya sa Jerusalem (8:1 - 9:15).
    • Polemikong pagtatanggol sa kanyang pagka-apostol (10:1 - 13:10).
    • Mga huling pagbati (13:11-14).

Sanggunian

Mga panlabas na kawing


Tags:

Ikalawang Sulat Sa Mga Taga-Corinto Panahon ng pagkakasulatIkalawang Sulat Sa Mga Taga-Corinto Katangian ng lihamIkalawang Sulat Sa Mga Taga-Corinto Layunin at paksa ng lihamIkalawang Sulat Sa Mga Taga-Corinto Bilang lunas sa suliranin sa CorintoIkalawang Sulat Sa Mga Taga-Corinto Mga nilalamanIkalawang Sulat Sa Mga Taga-Corinto SanggunianIkalawang Sulat Sa Mga Taga-Corinto Mga panlabas na kawingIkalawang Sulat Sa Mga Taga-CorintoApostol PabloBagong TipanBibliyaCorintoUnang Sulat sa mga taga-Corinto

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Philippine Human Rights Information CenterPagtatalik na premaritalManny PacquiaoCatarman, Hilagang SamarDaliri sa kamayKulugo sa ariSeksuwal na panliligaligAngelica PanganibanTerorismoAnyong lupaBawal na gamotKasoyTiyagaKudetaEditoryalImplasyon (presyo)MetodoKasaysayan ng PilipinasKundolKapitalismoPampangaKoridoKagat ng asoLikas na yamanImpiyernoPambansang Pulisya ng PilipinasHumanismoPamamanhikanPusaIndustriyaDambanang Rizal (Calamba)PalayJose W. DioknoRomeo at JulietaPangunang lunasMonarkiyang konstitusyonalPenomenolohiya (pilosopiya)Rebolusyong EDSA ng 1986Libangan (gawain)TekstoKanal SuezPigsaAsyaPang-ukolEpektong greenhousePandaigdigang Organisasyon ng PangangalakalJuan LunaKawalang trabahoKaibiganDengueKagawaran ng Kalakalan at IndustriyaNorzagarayTala ng mga bansa ayon sa sistema ng pamahalaanPangulo ng Estados UnidosIslam sa PilipinasIlogBarkoKritikal na pag-iisipTimog AsyaPamilangCalabarzonBagong Hukbong BayanBulaklak ng MayoSeverino ReyesPaglilitisItalyaPilibusteroDaunganPanunuholMaynilaPelikulang PilipinoSilid-aralanIndonesiaPasmaEstados UnidosEdukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga AmerikanoSigwaLeni RobredoBaha🡆 More