Ang Sulat ni Hudas o Sulat ni Judas ay aklat sa Bagong Tipan na ipinagpapalagay na isinulat ni Hudas ang Alagad na kapatid ni Santiago ang Makatarungan na kapatid ni Hesus at kaya ay kapatid rin ni Hesus.
Mga Aklat ng Bibliya |
---|
|
Bagaman isa lamang napakaikling akdang may dalawampu't limang taludtod at siyang pinakamaiksing sulatin at aklat na nasa Bagong Tipan ng Bibliya, nilalarawan itong natatangi dahil sa angkin nitong katatagan at karangalan. Naaangkop ang halos lahat ng nilalaman nito sa pangkasalukuyang panahon sapagkat may pagkakatulad sa kapanahunan ni San Hudas Tadeo, isang panahong laganap ang imoralidad at erehiya. Laban si San Hudas Tadeo sa ganitong mga bagay.
Ang sulat ni Judas ay isa sa mga tinutulang aklat ng kanon. Bagaman ang liham na ito ay itinuturing ng ilang mga skolar na isang pseudonomosong(may pekeng pangalan) aklat na isinulat sa pagitan ng huli ng ika-1 siglo CE at unang kwarter ng ika-2 siglo CE sa batayan ng mga pagtukoy sa tradisyon ng mga apostol, at sa mahusay na istilong Griyego nito, ito ay pinepetsahan ng ilang mga konserbatibong skolar sa pagitan ng 66 hanggang 90 CE
Ito ay itinuring nina Clement ng Alexandria, Tertullian at ng pragmentong Muratorian na kanonikal bagaman ang unang historikal na rekord ng mga pagdududa sa may-akda nito ay matatagpuan sa mga kasulatan ni Origen ng Alexandria na nagsalita ng mga pagdududa na pinanghahawakan ng ilan ngunit niya. Ito ay inuri ni Eusebius na isang antilegomena(tinutulang kasulatan). Ito ay kalaunang tinanggap sa kanon nina Athanasius at sa Synod ng Laodicea (c. 363) at Konseho ng Carthage (397).
Ang ilang bahagi ng liham ni Judas ay labis na katulad ng Ikalawang Sulat ni Pedro lalo ang kapitulo 2 kaya ang karamihan sa mga skolar ng Bibliya ay umaayon na may pagbatay sa pagitan ng dalawang aklat na ito. Maaring ang isa ay direktang humango sa isa o ang parehong ito ay humango sa isang karaniwang pinagkunan. Dahil sa ang liham na ito ay mas maikli sa 2 Pedro at dahil sa iba ibang mga detalyeng istilistiko, ang ilang mga may akda ay tumuturing sa Judas na pinagkunan ng parehong mga talata sa 2 Pedro. Gayunpaman, ang ibang may akda ay nagbigay pansin sa pagsisipi ng Judas 18 sa 1 Pedro 3:3 sa tensong nakaraan(past tense) kaya itinuturing ng mga ito na ang Judas ay isinulat pagkatapos isulat ng 2 Pedro.
Ang Sulat ni Judas ay naglalaman ng mga reperensiya sa dalawang mga aklat na apokripal.
Sa pagkasulat ng liham na ito, nilayon ni Hudas Tadeong sugpuin at labanan ang mga maling pangaral na ginagawa ng mga ereheng hindi kumikilala kay Hesus bilang Panginoon at Guro. Hindi ayon ang mga erehe sa "lahat ng Batas, kapangyarihan, at kalayaang Kristiyano." Kabilang sa loob ng Simbahan o parokya ang mga nabanggit na erehe dito, at nagsilbing babala ang Sulat ni Hudas para sa mga taong ito.
Binubuo ng tatlong bahagi ang Sulat ni Hudas: Una, mayroon itong isang Pambungad. Nagsisilbing isang babala para sa mga Kristiyano ang hinggil sa mga bulaang tagapagturo o mga huwad na mga mangangaral. Nagtatapos ito sa isang Paglalagom o konklusyon, ang ikatlong bahagi ng liham.
2 Pedro | Sulat ni Judas |
---|---|
1:5 | 3 |
1:12 | 5 |
2:1 | 4 |
2:4 | 6 |
2:6 | 7 |
2:10–11 | 8–9 |
2:12 | 10 |
2:13–17 | 11–13 |
3:2-3 | 17-18 |
3:14 | 24 |
3:18 | 25 |
Marami sa mga talata sa sulat ni Hudas ay katulad ng 2 Pedro na pinaniniwalaan na ang 2 Pedro ay kumopya sa Sulat ni Hudas. May 80 salitang Griyego na ginamit sa parehong 2 Pedro at Sulat ni Hudas at 7 hinalinhang mga sinonimo. Dahil sa maikli, ang Hudas sa 2 Pedro at dahil sa mga detalyeng istilistiko, pinaniniwalaan ng mga iskolar na kumopya ang 2 Pedro sa Judas. However, other writers, arguing that Jude 18 quotes 2 Peter 3:3 as past tense, consider Jude to have come after 2 Peter. Isa rin sa tanda nito ang pag-aalis sa talata na sumisipi sa Aklat ni Enoch na inalis sa 2 Pedro.
Ang Sulat ni Hudas ay sumangguni sa 2 aklat na hindi kasama sa Kanon ng Biblia. Isa rito ay ang aklat na pinamagatang Ang Pag-akyat ni Moises (o Asunsiyon ni Moises) na tinukoy sa bersikulo 9 ng Sulat ni Hudas ukol sa pagtatalo ni Arkanghel Miguel at ng Diablo tungkol sa katawan ni Moises. Ang ikalawang aklat na pinagsanggunian ni Hudas ay ang Aklat ni Enoc) ukol sa hula na mababasa sa 1 Enoc 60:8, 1:9 (= Deuteronomyo 33:2). Bagama't ang Aklat ni Enoc ay hindi kasama sa kanon ng makabagong biblia, ito ay tinuturing na kanonikal ng Ortodoksiyang Iglesia ng Etiopia. Bilang karagdagan, ikinukumpara ang paghalaw na ito ni Hudas Tadeo sa ginawang paghalaw ni San Pablo mula sa Mga Orakulo ni Epimenides. Ginawa ni Judas Tadeo ang paghalaw na ito upang patunayang totoo ang mga hula ni Enoc. Nagwawakas ang aklat na may mga payo o pangaral para sa mga Kristiyano.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Sulat ni Hudas, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.