Ikalawang Aklat Ng Mga Macabeo

Ang Ikalawang Aklat ng mga Macabeo ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya.

Mga Aklat ng Bibliya

Isinulat ito ni Jason na taga-Cirene. Isa itong deuterokanonikong libro sa Kanon Katoliko at Apokripa sa Kanon Protestante na tumutuon ng pansin sa mga panghihimagsik ng mga Hudyo laban kay Antioco at nagwawakas sa pagkagapi sa heneral ng mga Siryanong si Nicanor noong 161 BK. Ang bayani ng aklat na si Judas Macabeo ang nagwagi laban sa heneral na si Nicanor.

Sa pagkakasunud-sunod na pang-Bibliya, sinundan nito ang Unang Aklat ng mga Macabeo. Ngunit, ayon sa kronolohiya ng mga kaganapan, hindi ito maituturing na kasunod ng Unang Aklat ng mga Macabeo sapagkat isa itong bukod na paglalahad na mga kaganapang sakop ng ilan at piling mga taon sa pagitan ng 175 BK at 160 BK.

Paglalarawan

Katulad ng sinundang Unang Aklat ng mga Macabeo, tinatalakay din sa mga pahina ng librong ito ang pagiging bayani ng taong nagngangalang Judas Macabeo at ng mga kapatid niya. Nilalahad rin dito ang ginawa nilang pagtatanggol sa kanilang pananampalataya at sambayanan. Sa katunayan, isa lamang itong buod ng limang mga aklat na pangkasaysayan, at naguulat ng mga kaganapan sa kasaysayan ng mga Hudyo mula mga 180 BK (panahon ng Dakilang Saserdoteng si Onias III) magpahanggang 161 BK (panahon ng kamatayan ni Nicanor). May mga bahaging umaagapay sa mga pangyayaring binabanggit sa unang kabanata ng Unang Aklat ng Macabeo. Pinaniniwalaang naganap ang mga pangyayaring nakapaloob sa aklat na ito noong mga 168 BK hanggang 135 BK, at nakapapalooban ng mga pagpapatotoo hinggil sa pagkakaroon ng kabilang-buhay, sa muling-pagkabuhay ng mga sumakabilang-buhay, ng purgatoryo, at ang walang-katapusang pagbibigay ng kaparusahan mga makasalanan. Ngunit, mas may damdamin ang Ikalawang Aklat ng mga Macabeo, kung ihahambing sa Una. At binigyang diin ang natatanging pananaw ng mga Hudyo. Kabilang sa paksa ang pagkakaroon ng "mariing pagpapahalaga sa pagiging tapat sa kautusan at sa gantimpala ng Diyos para sa mga martir ng pananampalataya."

Mga bahagi

Binubuo ang Unang Aklat ng mga Macabeo ng tatlong mga bahagi:

    • Pambungad na Salita (1, 1-2, 33)
    • Ang Pag-uusig ni Antioco sa Relihiyon (3, 1-7, 42)
    • Kasaysayan ni Judas Macabeo (8, 1-15, 40)

Mga sanggunian

Mga panlabas na kawing

Tags:

Ikalawang Aklat Ng Mga Macabeo PaglalarawanIkalawang Aklat Ng Mga Macabeo Mga bahagiIkalawang Aklat Ng Mga Macabeo Mga sanggunianIkalawang Aklat Ng Mga Macabeo Mga panlabas na kawingIkalawang Aklat Ng Mga MacabeoApokripaBibliyaDeuterokanonikoHudyoLumang TipanSyria

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

NobelaApolinario MabiniHimagsikang PransesPanghalipDaniel PadillaKapangyarihang AksisBituinKapataganKomprehensibong Programa sa Repormang PansakahanPagpapasyaPangasinanMalaysiaSingaw (sakit)José de la CruzPilipinasKabiteBibiBatas militarPagkalulong sa bawal na gamotPangulo ng PilipinasTalinghagaWalisPalayKapatid sa kasalWikang FilipinoPananampalatayaAmado V. HernandezHesusPakikipanayamIndonesiaPaglilingkod sa pamayananAlamat ng pinyaRodriguezPista ng MorionesPaaralanLakandulaParusang kamatayanItalyaSiquijorAraling panlipunanKulugoKaragatang PasipikoMunisipalidadKomunismoTamblotSaknongDamdaminImplasyon (presyo)MetodoRelihiyonAlmuranasKarpinteroTanauanIbonMga kagawarang tagapagpaganap ng PilipinasBangko Sentral ng PilipinasKasarianAnak (pelikula)KalikasanEpektong greenhouseKalayaan ng mga mamamahayagWinston ChurchillPamangkinPabulaTuguegaraoKatas ng pukeHiroshima Peace MemorialHIVMga lalawigan ng PilipinasMapaDiego SilangTotalitarismoSeverino ReyesAlpabetong FilipinoAraw ng mga Nagkakaisang BansaKomonwelt ng Pilipinas🡆 More