Kagat Ng Alupihan

Ang kagat ng alupihan (Ingles: centipede bite) ay isang uri ng sugat na dahil sa kagat o duro (pagtusok) ng isang alupihan.

Kagat ng alupihan
Kagat Ng Alupihan
Ilalim ng alupihang Scolopendra cingulata, na nagpapakita ng mga porkipulo o "bibig na pangsipit" nito.

Mga sintomas

Pagkaraang makagat ng alupihan, ang taong nakagat ay maaaring makaranas ng pamamaga, pamumula, paghapdi at pagkirot ng nakagat na bahagi ng katawan. Ang taong ito ay maaari ring makaranas ng pansamantalang lagnat pagdaka. Kung minsan ang bahaging ito ay naiimpeksiyon kapag napabayaan.

Mga dapat gawin

Kabilang sa mga dapat isagawa pagkaraang makagat ng alupihan ang mga sumusunod: paghuhugas ng nakagat na bahagi ng katawan sa pamamagitan ng tubig at sabon, na pagkatapos ay susundan ng pagpapatong ng malamig na patong (cold compress) upang huwag lumala ang pamamaga ng naapektuhang bahagi ng katawan (na ginagawa nang 3 hanggang 4 na mga ulit sa magdamagan at sa mga kasunod pang mga araw kung hindi pa nawawala ang pamamaga). Ang namamagang bahagi ay maaari ring pahiran ng kremang Hydrocortisone. Upang mabawasan o maibsan ang hapdi, karaniwang pinaiinom ang pasyente ng pantanggal ng kirot na katulad ng Paracetamol o Ibuprofen. Karaniwang pinananatiling malinis ang pook ng kagat sa pamamagitan ng paghuhugas sa naapektuhang bahagi nang 1 hanggang 2 mga ulit na ginagamitan ng tubig at sabon, at paliligo. Karaniwang pinamamatyagan sa taong nakagat kung nagkakaroon ng pagbabago sa sugat. Kapag naimpeksiyon ang sugat at nagnana, kailangan ang pagpapatingin sa manggagamot upang malunasan ng niresetang antibiyotiko ang kumplikasyong ito. Kapag hindi gumaling ang sugat at nananatiling maranasan ang mga sintomas pagkaraan ng mga nagawang pag-aalaga at paglulunas, kasama na ang pagkakaroon ng mataas na lagnat, pagkakaroon ng alerhiya sa balat (pamamantal, pangangati, at iba pa) dahil sa kagat ng alupihan, at iba pang mga pagbabago, partikular na ang hinggil sa hitsura ng sugat, kailangang ang pagpapakonsulta sa manggagamot.

Tingnan din

Mga sanggunian

Tags:

Kagat Ng Alupihan Mga sintomasKagat Ng Alupihan Mga dapat gawinKagat Ng Alupihan Tingnan dinKagat Ng Alupihan Mga sanggunianKagat Ng AlupihanAlupihan

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

ManokImpeksiyon sa daanan ng ihiWikang InglesJoseph EstradaAnyong tubigAhasDemokrasyaKalayaang sibilBulutung-tubigBahay na batoAung San Suu KyiMagat SalamatTagtuyotBiag ni Lam-angBundok PinatuboMga Gobernador-Heneral ng PilipinasSakit sa pag-iisipMuslimBahaghariPagpapahayag ng Kalayaan ng PilipinasKanser sa susoKalakalanAspinTaiwanIlog PasigMaynilaBarangayFernando AmorsoloFacebookSugalMakatiMithiinListahan ng mga aktibong bulkan sa PilipinasLawaTeoryang pampanitikanBatasLambingPaglilingkod sa pamayananAsulBahagi ng pananalitaDasalSabwatan ng TondoGregoria de JesusBintiPatutotNoli me tangere (parilala)Katauhang pangkasarianSingaw (sakit)KasingkahuluganPasmaKasaysayan ng MaynilaMel TiangcoPabulaSurotVice GandaPaaralanJus sanguinisAghamInggitMonopolyoSaligang batasGonoreaAIDSGamugamoTimog KoreaMatinding DepresyonUnggoyElpidio QuirinoKronolohiya ng kasaysayan ng PilipinasPagpapasyaKarapatang sibil at pampolitikaIce SeguerraPusaMandaluyongBaybayinBayawakAdolf Hitler🡆 More