Papel

Ang papel ay isang manipis na materyal na pangunahing ginagamit para sa pagsusulat, paglilimbag at pagbabalot.

Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagdiin ng sama-sama ang basang mga hibla, karaniwang selulusa na hinango mula sa kahoy, trapo o damo, o ibang mapagkukunang gulay sa tubig, at tinutuyo upang maging mga pirasong nababanat. Bagaman orihinal na ginawa sa nag-iisang piraso gamit ang kamay ang papel, halos gawa na ngayon ang lahat sa malaking malamakinang gumagawa ng rolyong 10 metro ang lapad, na tumatakbo sa 2,000 metro bawat minuto at hanggang sa 600,000 tonelada bawat taon. Isang materyal ito na maraming nagagawa, kabilang ang pag-imprenta, pagbabalot, dekorasyon, paglilinis, pansala, pandikit sa dingding, pantapos sa aklat, konserbasyon, laminadong worktop, tisyung pangkubeta, pananalapi, seguridad, at ilang mga prosesong pang-industriya at konstruksyon.

Papel
Isang salansan ng papel de Manila

Sa Ehipto noong 3500 BC ang unang natalang may anyong papel na yari sa halamang papirus. Pinapaniwalang nagmula sa Tsina ang totoong papel noong mga ikalawang siglo AD, bagaman may mga ilang ebidensiya na nagsasabing ginagamit ang mga ito bago pa ang nasabing panahon. Maaring umunlad ito noong 105 CE sa pamamagitan ng bating ng korteng Han na si Cai Lun, bagaman hango ang pinakamaagang kapiraso ng papel pang-arkeolohiya noong ikalawang dantaon BCE sa Tsina. Pandaigdigan ang makabagong industriya ng sapal at papel, na nangunguna dito ang Tsina sa produksyon nito at sinundan ng Estados Unidos.

Etimolohiya

Sa etimolohiya, hinango ang salitang papel mula sa Latin na papyrus, na nagmula sa Griyegong πᾰ́πῡρος (pápūros), ang salita para sa halamang Cyperus papyrus. Isang makapal na may materyal na parang papel ang papyrus (o papirus) na ginagawa mula sa sapal ng halamang Cyperus papyrus, na ginagamit ng sinaunang Ehipto at ibang kulturang Mediteranyo para sa pagsusulat bago maipakilala ang papel. Bagaman etimolohikal na hinango ang salitang papel mula sa papyrus, ginagawa ang dalawa ng napakaiba at naiiba ang pag-unlad ng nauna mula sa pag-unlad ng ikalawa. Laminasyon ang papyrus ng natural na hibla ng halaman, habang ginagawa ang papel mula sa mga hibla na nabago ang katangian sa pamamagitan ng pagbababad.

Epektong pangkapaligiran

May ilang masamang epekto sa kapligiran ang produksyon at gamit ng papel. Tumataas ang deporestasyon sa pagkonsumo ng papel, na may 35% nagapas na mga puno ang ginagamit sa paggawa ng papel. Nagtatanim din ng puno ang karamihan sa mga kompanyang gumagawa ng papel upang makatulong sa muling pagtubo ng mga puno. Nasa mababa sa 10% ng sapal ng kahoy ang pagtrotroso ng mga gubat na may mga punong tumutubo, subalit isa ito sa pinakakontrobersyal na mga isyu.

Nasa 40% naman ng kabuuang basura ang papel bawat taon sa Estados Unidos, na nagdagdag sa 71.6 milyong tonelada ng basurang papel sa Estados Unidos pa lamang. Naglilimbag ang katamtamang manggagawa sa opisina sa Estados Unidos ng 31 pahina kada araw.

Mga sanggunian

Tags:

DamoGulayKahoyPag-imprentaPananalapi

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

GlobalisasyonAlpabetong FilipinoPananampalatayaNepotismoFlorante at LauraElizabeth RamseyTiyagaDonsolPaaralanVicente FerrerRespetoTeknolohiyaNagcarlanCOVID-19Kasaysayan ng PilipinasMula Sa PusoDengueBahagi ng pananalitaDigmaang Sibil ng EspanyaKagat ng alupihanDanny JavierSan PedroYouTubeSenakuloPandemya ng COVID-19Gawad sa Manlilikha ng BayanTurismoAngonoGabi (gulay)InggitSanto Tomas, BatangasGitaraAnyong lupaMakopaAspinInternetTalaan ng mga pulo ng PilipinasTalaan ng mga salitang hiniram ng TagalogManggaBangusKarapatanHinuhaGintoEDSADigmaang Pilipino–AmerikanoÑPaglilingkod sa pamayananKomunismoKapangyarihang Alyados (Unang Digmaang Pandaigdig)IndonesiaHomoseksuwalidadTayutayAtisIglesia Filipina IndependientePabulaSakit na naipapasa sa pakikipagtalikTinggilMga pangkat etniko sa PilipinasWikang KapampanganBanaag at SikatChie FilomenoJose W. DioknoEkonomikaSangguniang BarangayPagkamakabansaTala ng mga taonBundok (paglilinaw)Dambanang Rizal (Calamba)Binibining Pilipinas 2024PagpapasyaPanahonPaghahalamanRelihiyonUnited KingdomAbogadoLiyabePhilippine ArenaGawgawMonopolyo🡆 More