Sakuna Sa Chernobyl

Naganap noong ika-26 ng Aribl, 1986 ang Sakuna sa Chernobyl (Ukranyo: Чорнобильська катастрофа, Chornobylska Katastrofa; tinatawag rin bilang Chernobyl o ang aksidente sa Chernobyl) sa Plantang Nuklear na Pangkuryente ng Chernobyl sa Ukraine, na nasa ilalim ng pamamahala ng Unyong Sobyet.

Isang pagsabog at sunog na dulot nito ang naglabas ng malaking bilang ng alikabok na radyaaktibo sa hangin, na kumalat sa USSR at Europa.

Sakuna Sa Chernobyl
Lugar ng plantang nukleyar ng Chernobyl
Sakuna Sa Chernobyl
Ang abandonadong lungsod ng Pripyat. Makikita ang plantang nukleyar ng Chernobyl sa malayo.

Ang sakuna sa Chernobyl ang pinakamalalang aksidente sa kasaysayan ayon sa gastos at bilang ng mga namatay, at isa sa dalawa lamang sa mga aksidenteng nukleyar na inuri bilang Level 7 ayon sa International Nuclear Event Scale. Mahigit sa limangdaang libong "liquidators" ang sumali at umabot ng 18 bilyong rubles and nagastos ng pamahalaan ng Unyong Sovbyet upang matigil ang pagkalat ng radyasyon at ang mas malaking sakunang maaaring mangyari. 31 katao ang namatay dahil sa aksidente sa panahon na ito ay hindi pa nakokontrol. Pinagaaralan pa rin hanggang sa ngayon ang epekto ng aksidente katulad ng pagtaas ng mga kaso ng cancer sa lugar na malapit sa Chernobyl.

Epekto sa Ekonomiya

Ayon kay Mikhail Gorbachev, umabot ng 18 bilyong ruble (katumbas ng 18 bilyong dolyar) ang nagastos ng Unyong Sobyet sa paglilinis at pag-aayos ng pinsala na dulot ng sakuna. Tinatayang umaabot ng 235 bilyong dolyar ang naging gastos nito sa Belarus, samantalang mula 5 hanggang 7 porsyento ng gastos ng pamahalaan ng Ukraine dahil sa sakuna sa ngayon. Karamihan ng gastos dahil sa sakuna ay para sa mga benepisyo ng 7 milyong kataong naapektuhan ng sakuna sa tatlong bansa.

Tags:

Wikang Ukranyo

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

RespetoPananaliksikKomonwelt ng PilipinasNorzagarayKapitalismoKarapatanBadmintonKongreso ng PilipinasPanitikan sa PilipinasKagat ng asoFernando Poe Jr.Kasunduan sa NanjingBangko Sentral ng PilipinasTalaarawanGomburzaPananakop ng mga Ingles sa MaynilaEstadoWency CornejoPangulo ng Estados UnidosPahayaganGabriela SilangSikolohiyang PilipinoPartido Komunista ng PilipinasKarl MarxEmilio JacintoLipa, BatangasMonologoPananakop ng mga Hapones sa PilipinasBicolMoralidadBulkang MayonPilipinasJacinto ZamoraIglesia ni CristoSenado ng PilipinasDamdaminBudhiMakataAsyaLuslosKalakalanApolinario MabiniIrogPantasyaEditoryalMakamisaBenito MussoliniSimbahang Katolikong RomanoKagawaran ng AgrikulturaSaknongEDSAPagtotrosoDasalRebolusyong EDSA ng 1986Alemanyang NaziMaria Asuncion RiveraOrasanMahatma GandhiGMA NetworkPulisyaUnang Digmaang OpyoApelyidoSeksuwalidad ng taoKundolKasarianGaleon ng MaynilaHatirang pangmadlaHolokaustoBaboyYouTubeBayanKilusang PropagandaKagawaran ng Paggawa at EmpleoMelchora AquinoSigaw ng Pugad LawinSaligang Batas ng Pilipinas ng 1987Tsokolateng burolWatawatKorido🡆 More