Gujarat

Ang Gujarat ( /ˌɡʊdʒəˈrɑːt/ Gujǎrāt   ( pakinggan)) ay isang estado sa kanlurang bahagi ng India.

Lokal itong tinatawag na Jewel of the West. May lawak itong 196,024 km² at may baybayin na 1,600 km, na halos lahat ay nasa tangway ng Kathiawar, at may populasyong 60 million. Kahangganan ng estado ang Rajasthan sa hilaga, Maharashtra sa timog, Madhya Pradesh sa silangan, at Dagat Arabiano at pati na rin ng Sindh (lalawigan ng Pakistan) sa kanluran. Gandhinagar ang kabisera ng Gujarat habang ang pinakamalaking lungsod nito ay Ahmedabad. Katutubo sa estado ang wikang Gujarati.

Gujarat

ગુજરાત  (Gujarati)
गुजरात  (Hindi)
Estado ng India
Pakanang ikot mula itaas: Mataas na Hukuman ng Gujarat, Dwarka, Laxmi Vilas, Kankaria, Gandhi Ashram, Salt Desert ng Kutch.
Pakanang ikot mula itaas: Mataas na Hukuman ng Gujarat, Dwarka, Laxmi Vilas, Kankaria, Gandhi Ashram, Salt Desert ng Kutch.
Opisyal na sagisag ng Gujarat
Sagisag
Kinaroroonan ng Gujarat (kulay pula) sa India
Kinaroroonan ng Gujarat (kulay pula) sa India
Mapa ng Gujarat
Mapa ng Gujarat
Mga koordinado (Gandhinagar): 23°13′N 72°41′E / 23.217°N 72.683°E / 23.217; 72.683
BansaGujarat India
ItinatagMayo 1, 1960
KabiseraGandhinagar
Distrito33
Pamahalaan
 • GobernadorOm Prakash Kohli
 • Pangunahing MinistroAnandiben Patel
 • LehislaturaUnicameral (182 puwesto)
 • Parliamentary constituency26 (SC-2,ST-4)
 • Mataas ng HukumanGujarat High Court
Lawak
 • Kabuuan196,024 km2 (75,685 milya kuwadrado)
Ranggo sa lawakika-6
Populasyon
 (2011)
 • Kabuuan60,439,692
 • Ranggoika-9
 • Kapal310/km2 (800/milya kuwadrado)
DemonymGujarati
Wika
 • Wikang opisyalGujarati & Sindhi
 • Mga wikang sinasalita (Alpabetikong pagkakasunod)Ingles, Hindi, Kutchi, Marathi, Marwari, Sindhi, Urdu
Sona ng orasUTC+05:30 (IST)
Kodigo ng ISO 3166IN-GJ
HDIIncrease 0.527 (medium)
Ranggo ng HDIika-11 (2011)
Literacy80.18%
Websaytgujaratindia.com

Nasasakupan ng estado ang mga pangunahing pook ng sinaunang Kabihasnan ng Lambak ng Indus, gaya ng Lothal at Dholavira. Pinaniniwalaang isa sa unang pantalan sa buong daigdig ang Lothal. Ang mga lungsod sa baybayin ng Gujarat, lalo na ang Bharuch at Khambhat, ay nagsilbing pantalan at sentro ng kalakalan noong imperyo ng Maurya at Gupta, at noong paghalili ng dinastiyang Saka noong simula ng panahon ng Western Satraps, kung saan sakop ng teritoryo nito ang Saurashtra at Malwa: na ngayo'y mga estado na ng Gujarat, South Sindh, Rajasthan, Maharashtra at Madhya Pradesh.

Kilalá ang Gujarat ng mga Sinaunang Griyego, ang iba't-ibang Imperyong Persiano, Republikang Romano at pamilyar dito ang ibang sentro ng Kanluraning kabihasnan hanggang sa pagtatapos ng Gitnang Panahon sa Europa. Ang pinakamatandang talâ ng panunulat patungkol sa 2,000 taong kasaysayang pandagat ng Gujarat ay dokumentado sa Griyegong aklat na 'The Periplus of the Erythraean Sea: Travel and Trade in the Indian Ocean by a Merchant of the First Century'.

Si Mahatma Gandhi, na nanguna sa kilusan para sa kalayaan ng India laban sa pananakop ng mga Briton, ay taga-Gujarat. Si Muhammad Ali Jinnah, na ipinagpipitagan sa Pakistan bilang Quaid-i-Azam (Dakilang Pinuno), Baba-i-Qaum (Ama ng Bayan), at unang gobernador-heneral ng Pakistan ay mula sa Muslim na pamilya sa Rajikot sa Gujarat. Si Sardar Vallabhbhai Pate, ang tinaguriang "Iron Man ng India", na unang diputadong Punong Ministro ng malayang India ay mula sa Karamsad, Gujarat. Nagmula rin sa Gujarat ang dalawang naging punong ministro ng India Morarji Desai (1977–1979) at ang kasalukuyang si Narendra Modi.

Mga sanggunian

Tags:

AhmedabadGujarat.oggIndiaMadhya PradeshMaharashtraPakistanRajasthanSindhTalaksan:Gujarat.oggWikang GujaratiWikipedia:IPA for English

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Vice GandaGomburzaPatakarang bukas na pintoSimple random samplingMga katutuboMultoMuslimMariano GómezLambingKalikasanKawayanPandemya ng COVID-19 sa PilipinasAmpalayaHinuhaDigmaanKalabawRitmoHaribonIbonBahagi ng pananalitaManny PacquiaoCOVID-19MartilyoKatapatanHaponKonsuladoPantabanganTamblotSimbang GabiHalimaw (pelikula noong 1986)Talaan ng mga lindol sa PilipinasTalaarawanPalarong PambansaIkalawang Digmaang Laban sa OpyoManuel L. QuezonNagkakaisang BansaKalayaang sibilDaigdigDasalAlpabetong FilipinoDinamika (musika)ArsobispoTempo (musika)Ice SeguerraBahay na batoAung San Suu KyiLokal na pamahalaan ng PilipinasKilusang PropagandaEtikaTag-ulanJaime L. SinBarenaAlamat ng pinyaTiyagaSalagubangEncantadiaBahay Kubo (katutubong awit)Bawal na gamotProklamasyon Blg. 1081Calamba, LagunaWikaJulian BanzonDuhatPagkamakabansaMagasinYantokMalabonPangungusapMarcos ang EbanghelistaTeresa MagbanuaPambansang Alagad ng Sining ng PilipinasKomunismoGabriela SilangKapataganBangusAraw (astronomiya)PunoTahanan🡆 More