Haribon: Nanganganib na espesye ng agila sa Pilipinas

Ang haribon (Pithecophaga jefferyi) ay isang espesye ng agila na kritikal na nanganganib sa pamilyang Accipitridae na endemiko sa mga kagubatan ng Pilipinas.

Mayroon itong kayumanggi at puting balahibo, malagong palong, at karaniwang sumusukat ng 86 hanggang 102 cm (2.82 hanggang 3.35 tal) sa haba at tumitimbang ng 4.04 hanggang 8.0 kg (8.9 hanggang 17.6 lb).

Haribon
Haribon: Pangalan, Taksonomiya, Distribusyon at tirahan
Katayuan ng pagpapanatili
Haribon: Pangalan, Taksonomiya, Distribusyon at tirahan
Kritikal na Nanganganib  (IUCN 3.1)
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Pithecophaga

Ogilvie-Grant, 1896
Espesye:
P. jefferyi
Pangalang binomial
Pithecophaga jefferyi
Ogilvie-Grant, 1896
Haribon: Pangalan, Taksonomiya, Distribusyon at tirahan
Nakaasul ang saklaw

Kinokonsidera ang haribon bilang pinakamalaki ng mga buhay na agila sa mundo ayon sa haba at lawak ng pakpak. Mas malaki o mabigat lang ang Steller's sea eagle (haliaeetus pelagicus) at harpy eagle (harpia harpyja). Idineklara ito bilang pambansang ibon ng Pilipinas. Ang pinakamalaking banta sa espesye ang pagkawala ng tirahan nito, dahil sa pagkakalbo sa mga kagubatan sa saklaw nito.

Ang pangangaso ng haribon ay isang kriminal na pagkakasala, mapaparusahan ng batas na may hanggang 12 taong pagkakakulong at mabigat na multa.

Pangalan

Marami ang mga katutubong pangalan ng haribon sa mga wikang Pilipino. Kabilang dito ang banoy at agila (hiniram mula sa Kastila) sa Tagalog; manaul o manaol sa mga wikang Bisaya; manaol o garuda sa Maranao at Maguindanao; tipule sa Subanon; at mam-boogook o malamboogook sa mga wikang Manobo, Bagobo, Tagabawa, Mandaya, at Kalagan. Ginagamit din ang ilan sa mga pangalang ito para sa mga ibang malalaking agila, tulad ng white-breasted sea eagle (tinatawag ding manaul sa Bisaya). Sa modernong Filipino, karaniwan itong tinutukoy bilang haribon (pinagsamang "haring ibon).

Taksonomiya

Ang unang Europeo na nag-aral tungkol sa espesye ay ang Ingles na eksplorador at naturalista na si John Whitehead noong 1896, na nagmasid sa ibon at pagkaraan ng ilang linggo, kinolekta ng kanyang katulong na si Juan ang unang ispesimen. Ipinadala ang balat ng ibon kay William Robert Ogilvie-Grant sa Londres noong 1896, na unang nagpakita nito sa isang lokal na restawran at inilarawan ang espesye pagkatapos ng ilang linggo.

Sa siyentipikong pagtuklas nito, unang tinawag na monkey-eating eagle ("agilang kumakain ng unggoy") ang haribon dahil sa mga ulat mula sa mga katutubo ng Bonga, Samar, kung saan unang natuklasan ang espesye, na unggoy lamang ang sinisila nito. Hango sa mga ulat na ito ang pangalan ng genus nito, mula sa Griyegong pithecus (πίθηκος, "unggoy") at phagus (-φάγος, "kumakain ng"). Ginugunita ng pangalan ng espesye si Jeffery Whitehead, ang ama ni John Whitehead. Subalit, isiniwalat ng mga kalaunang pag-aaral na kumakain ang diumano'y agilang kumakain ng unggoy ng mga iba pang hayop, tulad ng mga kagwang, malalaki na ahas, bayawak, at kahit mga malalaking ibon tulad ng mga kalaw. Dahil dito, pati ang katotohanan na magkapangalan ito sa agilang koronado ng Aprika at agilang arpiya ng Gitna at Timog Amerika, pinalitan ang pangalan nito ng "Philippine eagle" ("agila ng Pilipinas") sa isang proklamasyon noong 1978 ng dating Pangulong Ferdinand Marcos. Noong 1995, idineklara itong pambansang sagisag ni Pangulong Fidel V. Ramos. Walang kilalang subespesye ang espesyeng ito.

Distribusyon at tirahan

Haribon: Pangalan, Taksonomiya, Distribusyon at tirahan 
Representasyon ng tirahan ng haribon sa Pambansang Museo ng Pilipinas.

Endemiko sa Pilipinas ang haribon, at matatagpuan ito sa apat na malaking pulo: silangang Luzon, Samar, Leyte, at Mindanao. Pinakamarami ang mga agila sa Mindanao, na may mula 82 hanggang 233 pares ng pag-aanak. Anim na pares lang ang matatagpuan sa Samar, dalawa sa Letye, at iilan lang sa Luzon. Matatagpuan ito sa Pambansang Parke ng Hilagang Sierra Madre sa Luzon at Mga Pambansang Parke ng Bundok Apo, Bundok Malindang, at Bundok Kitanglad sa Mindanao.

Matatagpuan itong agila sa mga kagubatan ng lawan at gitnang montano, lalo na sa mga matarik na lugar. Ang taas ng tirahan nito ay mula sa mababang lupain hanggang sa mga bundok na mahigit 1,800 m (5,900 tal). Tinantiya na 9,220 km2 (2,280,000 acre) ng lagong-lumang kagubatan ang nananatili sa saklaw ng ibon. Subalit, 146,000 km2 (56,000 mi kuw) ang kabuuang tinantiyang saklaw nito.

Representasyon

Haribon: Pangalan, Taksonomiya, Distribusyon at tirahan 
Mga simbolikong pasaporte na inisyu para kina Geothermica at Sambisig, mga indibidwal na agila na ipinahiram sa Singapura.

Idineklara ang haribon bilang pambansang ibon ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1995 ni Pangulong Fidel V. Ramos sa Proklamasyon Blg. 615, serye ng 1995. Dahil sa laki at pagkabihira nitong agila, isa itong hinahangad na espesye ng mga tagamasid ng ibon.

Naitampok ang haribon sa 12 o higit pang mga selyo mula sa Pilipinas, na may petsa mula 1967 hanggang 2007. Inilarawan din ito sa mga baryang 50-sentimo na inilikha mula 1983 hanggang 1994; noong 2018, sa 500-Pisong panggunitang barya na yaring-pilak, upang ipagdiwang ang ika-25 anibersaryo ng Bangko Sentral ng Pilipinas; noong Enero 18, 2021, at sa di-umiikot na 5,000 Pisong salaping papel na panggunita kay Lapulapu. Noong Disyembre 11, 2021, inihayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang disenyo ng bagong 1,000-Pisong salaping papel na yaring-polimer na nagtatampok sa ibon bilang pangunahing larawan, na naging kontrobersiyal sa pagpalit nito sa tatlong martir ng Ika-2 Digmaang Pandaigdig: Punong Mahistradong José Abad Santos, suprahistrang Josefa Llanes Escoda, at Heneral Vicente Lim.

Sa kasaysayan, mga 50 haribon ang nakakulong sa mga zoo sa Europa (Inglatera, Alemanya, Belhika, Italya at Pransiya), Estados Unidos, at Hapon. Ang una ay isang babae na dumating sa Zoo ng London noong Agosto 1909 at namatay roon noong Pebrero 1910. Dumating sa mga zoo ang karamihan mula 1947 hanggang 1965. Namatay ang huling nasa labas ng Pilipinas noong 1988 sa Zoo ng Antwerp, kung saan ito nakatira mula noong 1964 (maliban sa isang yugto sa Zoo ng Planckendael sa Belhika). Nakamtan lang ang pagpaparami sa pagkabihag noong 1992 sa pasilidad ng Philippine Eagle Foundation sa Lungsod ng Davao, Pilipinas, kung saan ito nang-anak nang iilang beses mula noon.

Ginawang maskot din ang haribon sa mga palaro, pinakakapansin-pansin ang haribon sa Palaro ng Timog Silangang Asya 2005 na ginanap sa Maynila na kilala bilang "Gilas". Haribon din ang hayop na ginamit sa logo ng Gilas Pilipinas, ang pambansang koponan ng basketbol ng Pilipinas.

Mga sanggunian

Ang Pambansang Ibon ng Pilipinas Naka-arkibo 2019-09-03 sa Wayback Machine.

Tags:

Haribon PangalanHaribon TaksonomiyaHaribon Distribusyon at tirahanHaribon RepresentasyonHaribon Mga sanggunianHaribon Mga link sa labasHaribon

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

KasaysayanBangusFacebookTaripaSingaw (sakit)Lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalakiSalitaBatas militar sa ilalim ni Ferdinand MarcosKabibeTelebisyonNarutoNobelang PilipinoMarilaoKatotohananBatasSumbreroLuwadBawal na gamotMiguel López de LegazpiBacolodPagmiminaBata, Bata...Pa'no Ka Ginawa?Bahay na batoEmilio AguinaldoTekstoGloria Macapagal ArroyoPanlililokMakataMarikinaHumanismoNingas-kugonSilang, KabiteBatas militarLihamGatoHimagsikanKikilTuberkulosisImperyalismoDigmaanHermano PuleNoli Me TangereMarcelo H. del PilarHimagsikang PilipinoTeoryang pampanitikanAbakaBuwayaPropesyonPalayAnemiaGregorio del PilarDasalHIVImplasyon (presyo)Sergio OsmeñaHesusDyords JavierAnyong lupaManuel L. QuezonProklamasyon Blg. 1081Pista ng PanagbengaTalaan ng mga Pangulo ng PilipinasPosisyong papelBahaghariEspiritwalidadSimbahan ng BarasoainLarong onlinePantabanganPanunuholPamamanhikanDigmaang PasipikoTalaan ng mga bagyo sa PilipinasSimple random samplingPangangalagang pangkalusuganPagpapahayag ng Kalayaan ng PilipinasPagmamanupakturaNoli Me Tángere (nobela)🡆 More