Tayikistan

Ang Tayikistan o Tajikistan, opisyal bilang Republika ng Tayikistan, ay isang bansang nasasagitna ng lupain sa Gitnang Asya.

Dushanbe ang kabisera nito at pinakamataong lungsod. Napapaligiran ang Tayikistan ng Apganistan sa timog, Usbekistan sa kanluran, Kirgistan sa hilaga, at Tsina sa silangan. Nahihiwalay ito mula sa Pakistan sa Koridor na Wakhan ng Apganistan. Binubuo ng mga Tajik ang mayoryang etniko ng bansa at Tajik ang kanilang pambansang wika, isa uri ng Persa.

Republika ng Tayikistan
Ҷумҳурии Тоҷикистон (Tayiko)
Jumhurii Tojikiston
Республика Таджикистан (Ruso)
Respublika Tadžikistan
Sagisag ng Tayikistan
Sagisag
Salawikain: Истиқлол, Озодӣ, Ватан
Istiqlol, Ozodí, Vatan
"Kasarinlan, Kalayaan, Bayan"
Awitin: Суруди Миллӣ
Surudi Milli
"Pambansang Awit"
Kinaroroonan ng  Tayikistan  (green)
Kinaroroonan ng  Tayikistan  (green)
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Dusambe
38°33′N 68°48′E / 38.550°N 68.800°E / 38.550; 68.800
Wikang opisyalTayiko (pambansa)
Ruso (interetniko)
KatawaganTayiko
PamahalaanUnitaryong republikang pampanguluhan sa ilalim ng awtoritaryong diktadura
• Pangulo
Emomali Rahmon
Kokhir Rasulzoda
LehislaturaKataas-taasang Asembleya
• Mataas na Kapulungan
Pambansang Asembleya
• Mababang Kapulungan
Asembleya ng mga Kinatawan
Pagbuo
• Pagdeklera ng soberanya
24 Agosto 1990
• Naideklera ang Republika ng Tayikistan
31 Agosto 1991
• Idineklara ang kalayaan mula sa USSR
9 Setyembre 1991
• Kinilala ang kalayaan
26 Disyembre 1991
• Kasalukuyang konstitusyon
6 Nobyembre 1994
Lawak
• Kabuuan
142,326 km2 (54,952 mi kuw) (ika-94)
• Water
2,575 km2 (994 mi kuw)
• Katubigan (%)
1.8
Populasyon
• Pagtataya sa 2022
9,750,065 (ika-94)
• Densidad
48.6/km2 (125.9/mi kuw) (ika-155)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $53.679 bilyon (ika-119)
• Bawat kapita
Increase $5,360 (ika-148)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $11.816 bilyon (ika-151)
• Bawat kapita
Increase $1,180 (ika-167)
Gini (2015)34
katamtaman
TKP (2021)Increase 0.685
katamtaman · ika-122
SalapiSomoni (TJS)
Sona ng orasUTC+5 (TJT)
Ayos ng petsadd.mm.yyyy
Gilid ng pagmamanehokanan
Kodigong pantelepono+992
Internet TLD.tj
  1. Mayroon ang Ruso ng katayuang wikang opisyal sa pamamagitan ng paggamit nito bilang opisyal na wikang interetniko na nabanggit sa Konstitusyon ng Tayikistan.

Mga teritoryong pampangasiwaan

  1. Mga distrito sa ilalim Gitnang Hurisdiksyon ng Pamahlaan
  2. Lalawigan ng Sughd
  3. Lalawigan ng Khatlon
  4. Awtonomong Rehiyon ng Gorno-Badakhshan

Politika

Punong Ministro ng Tayikistan

Ang punong ministro ng Tayikistan (Сарвазири Ҷумҳурии Тоҷикистон) ay isang titulo na kinuha ng pinuno ng pamahalaan ng Tayikistan. Pagkatapos ng pangulo, ang punong ministro ang sumunod na makapangyarihang indibiduwal sa bansa. Nakikipagtalastasan ang punong ministro sa gawa ng Gabinete at nagbibigay payo at tinutulungan ang pangulo sa pangangasiwa ng mga gampanin ng pamahalaan.

Pambansang Kapulungan

Ang Pambansang Kapulungan (Tayiko: Маҷлиси миллии, Majlisi milli; Ruso: Национальный совет Высшего собрания) ay ang mataas na kapulungan ng dalawahang kamara ng parlamento ng Tayikistan. Mayroon itong 33 kasapi : 25 ang hinalal na may terminong limang taon ng mga diputado ng lokal na majlisi at 8 na hinirang ng pangulo. Bilang isang karapatan, ang mga dating pangulo ay kasapi habang buhay. Nagsisilbi si Rustam Emomali, na anak ng kasalukuyang Pangulo na si Emomali Rahmon, bilang Tagapanulo ng Majlisi Milli simula noong Abril 17, 2020.

Nahalal ang dalawampu't limang kasapi noong Marso 27, 2020 at hinirang ni Pangulong Emomali Rahmon ang isang-kapat ng mga kasapi noong April, na dinala ang kabuuang bilang ng mga kasapi sa tatlumpu't isa.

Kapulungan ng mga Kinatawan

Ang Kapulungan ng mga Kinatawan (Ruso: Пала́та представи́телей Вы́сшего собра́ния Респу́блики Таджикиста́н; Tayiko: Маҷлиси намояндагон) ay ang mababang kapulungan ng dalawahang kamara ng Kataas-taasang Kapulungan ng Tayikistan. Naging dominanteng partido ang Partidong Demokratikong Pambayan ng Tayikistan (Tayiko: Ҳизби халқии демократии Тоҷикистон, romanisado: Hizbi xalqii demokratii Tojikiston; Ruso: Народная демократическая партия Таджикистана, romanisado: Narodnaya demokraticheskaya partiya Tadzhikistana) sa lehislatura simula pa noong 2000.

Sistema ng paghalal

Dalawang kaparaanan ang paghalal ng mga kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan; nahalal ang 41 kasapi sa isahang-kasapi na konstityuwensya gamit ang sistemang dalawang-kurso, habang nahalal ang 22 sa representasyong proporsyonal sa isahang konstityuwensyang pambansa, na may isang saklaw ng elektoral na 5%.

Talababa

Mga sanggunian

Tayikistan  CIS

This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Tayikistan, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.

Tags:

Tayikistan Mga teritoryong pampangasiwaanTayikistan PolitikaTayikistan TalababaTayikistan Mga sanggunianTayikistanApganistanDushanbeGitnang AsyaKirgistanPakistanTsinaUsbekistanWikang PersaWikang Tajik

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

PangatnigNoli Me TangereMunisipalidadMoro National Liberation FrontTalabaTaiwanTitiSamahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang AsyaPang-aabusong seksuwalElpidio QuirinoSanta Maria, BulacanCebuHimala (pelikula)Pamamaga ng mataNavotasPartido Komunista ng TsinaPaglilingkod sa pamayananEpikoKathang-isipKatapatanNorzagarayIrogMorong, BataanPandaigdigang Organisasyon ng PangangalakalPagpapalaglag sa PilipinasWoodrow WilsonAbakaPagdurugo ng ilongDigmaang KoreanoNegros OrientalRehiyon ng DavaoSimbahanKanlurang AsyaEspanyaTahananMuhammadBaguioBalbalBahaSultanato ng MaguindanaoPagkamatay ng magkapatid MaguadSosyalismoIbong AdarnaEspiritwalidadWikang KastilaPananakop ng mga Ingles sa MaynilaSaranggolaNoli me tangere (parilala)AklatanGastroenteritisArko ni NoeKonstruksiyonDaunganUbong-dalahitKagawaran ng Interyor at Pamahalaang LokalHalalanMetodoIlogPanahon ng KaliwanaganKatipunan ng mga KarapatanDuhatImpluwensya ng Espanya sa kulturang PilipinoSeksuwal na panliligaligMapaPagsusuriManny PacquiaoGintoAwtoritarismoPananampalatayaBugtongJudy Ann SantosMarilaoKorupsiyon sa PilipinasLos BañosDaigdigKasunduan sa Paris (1898)PelikulaPilipinasBeke🡆 More