Ang Miss Universe 2020 ay ang ika-69 na edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida, Estados Unidos noong 16 Mayo 2021.
Ang edisyong ito ay iniusog makalipas ang taong 2020 bunsod ng COVID-19.
Miss Universe 2020 | |
---|---|
Petsa | 16 Mayo 2021 |
Presenters |
|
Entertainment | Luis Fonsi |
Pinagdausan | Seminole Hard Rock Hotel & Casino, Hollywood, Florida, Estados Unidos |
Brodkaster | Telebisyon:
|
Lumahok | 74 |
Placements | 21 |
Bagong sali | |
Hindi sumali |
|
Bumalik |
|
Nanalo | Andrea Meza Mehiko |
Pinakamahusay na Pambansang Kasuotan | Thuzar Wint Lwin Myanmar |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Zozibini Tunzi ng Timog Aprika si Andrea Meza ng Mehiko bilang Miss Universe 2020. Ito ang pangatlong tagumpay ng Mehiko sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Julia Gama ng Brasil, habang nagtapos bilang second runner-up si Janick Maceta ng Peru.
Mga kandidata mula sa pitumpu't-apat na mga bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Mario Lopez at Miss Universe 2012 Olivia Culpo ang kompetisyon. Sina Miss Universe 2014 Paulina Vega at Miss Universe 2017 Demi-Leigh Tebow ang nagsilbing mga expert analyst, samantalang si Miss USA 2019 Cheslie Kryst ang nagsilbing backstage correspondent. Nagtanghal si Luis Fonsi sa edisyong ito.
Itinampok rin sa edisyong ito ang FYI bilang opisyal na broadcaster ng palabas sa unang pagkakataon. Ito ay naipalabas sa daan-daang milyong mga manonood mula sa 160 bansa.
Noong 3 Marso 2021, inanunsyo ng Miss Universe Organization na ang kompetisyon ay gaganapin sa 16 Mayo 2021 sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Florida, Estados Unidos. Ipinagliban mula sa huling bahagi ng 2020 hanggang sa unang bahagi ng 2021 ang kompetisyon dahil sa pandemya dulot ng COVID-19. Ang edisyong ito ang pangatlong pagkakataon sa kasaysayan ng kompetisyon kung saan ginanap ang kompetisyon sa sumunod na taon.
Noong 21 Abril 2021, inanunsyo ng Miss Universe Organization ang mga bagong host para sa kompetisyon na sina Mario Lopez at Olivia Culpo, na papalit kay Steve Harvey. Ang dahilan kung bakit hindi pinangunahan ni Harvey ang edisyong ito ay maaaring may salungatan sa iskedyul ni Harvey. Si Harvey diumano ay nasa Timog Aprika para sa shooting ng ikalawang season ng Family Feud Africa isang buwan bago ang kompetisyon. Gayumpaman, binanggit ni Harvey sa Twitter na siya ay babalik para sa susunod na edisyon ng Miss Universe.
Ang mga kalahok mula sa pitumpu't-apat na mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Maraming mga kompetisyong pambansa ang ipinagliban o ganap na nakansela dahil sa pandemya ng COVID-19. Dahil dito, dalawampu't-walo sa mga kandidata na naatasan upang kumatawan sa kanilang bansa ay mga runner-up sa kanilang nakaraang kompetisyong pambansa, o napili sa isang casting process.
Tatlong kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang bansa/teritoryo matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok. Iniluklok ang second runner-up ng Miss Belgium 2018 na si Dhenia Covens bilang kandidata ng Belhika sa Miss Universe matapos na tumangging lumahok sa kompetisyon ang Miss Belgium 2020 na si Céline Van Ouytsel dahil sa takot sa pandemya ng COVID-19 sa Estados Unidos. Iniluklok si Natalia Piguła, first runner-up ng Miss Polski 2019 upang kumatawan sa Polonya matapos na dumanas ng spinal disc herniation ang Miss Polski 2019 na si Magdalena Kasiborska.
Si María Fernanda Aristizábal, ang Senorita Colombia 2019, ang orihinal na nakatakdang kumatawan sa Kolombya sa edisyong ito. Gayunpaman, nawalan ng prangkisa ng Miss Universe ang Senorita Colombia Organization, dahilan upang hindi kumalahok si Aristizábal sa kompetisyon. Ang prangkisa ng Miss Universe ay napunta kay Natalie Ackermann, pinuno ng Miss Universe Colombia Organization na kinoronahan si Laura Olascuaga bilang Miss Universe Colombia 2020. Subalit, noong ika-6 ng Abril 2022, iniluklok ni Ackermann si Aristizábal upang kumatawan sa Kolombya sa ika-71 edisyon ng kompetisyon. Si Amandine Petit, Miss France 2021, ay iniluklok upang kumatawan sa bansang Pransiya sa edisyong ito matapos ang pakikipagpalitan kay Clémence Botino, Miss France 2020, na kakatawan sa Pransiya sa susunod na edisyon dahil sa posibleng date conflict sa pagitan ng Miss Universe 2021 at Miss France 2022.
Sa edisyong ito unang lumahok ang Kamerun at bumalik ang mga bansang Gana at Rusya na huling sumali noong 2018. Buhat ng pagpataw ng mga lockdown at paghihigpit sa paglalakbay, labinsiyam na bansa at teritoryo ang hindi sumali sa edisyong ito na kinabibilangan ng Alemanya, Anggola, Bagong Silandiya, Bangglades, Ehipto, Gineang Ekwatoriyal, Guam, Heyorhiya, Kapuluang Birhen ng Estados Unidos, Kenya, Litwanya, Monggolya, Namibya, Niherya, Santa Lucia, Sierra Leone, Suwesya, Tansaniya, at Turkya. Nakatakda sanang kumalahok si Tangia Zaman Methila ng Bangglades ngunit hindi ito nakasali dahil sa mga mga lockdown at paghihigpit sa paglalakbay.
Kalaunan ay nagpositibo sa COVID-19 si Vanessa Castro ng Paragway noong 4 Mayo 2021, tatlong araw bago magsimula ang kompetisyon sa Estados Unidos. Noong 7 Mayo 2021, nag-netibo na si Castro sa COVID-19 at pinayagan na itong lumipad sa Miami upang lumahok sa kompetisyon.
Pagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Miss Universe 2020 | |
1st runner-up | |
2nd runner-up |
|
3rd runner-up |
|
4th runner-up |
|
Top 10 |
|
Top 21 |
|
§ – Binoto ng mga manonood upang mapabilang sa Top 21
Parangal | Kandidata |
---|---|
Best National Costume |
|
Spirit of Carnival Award |
|
Social Impact Award |
|
Dahila sa mga mahigpit na hakbang kaugnay ng pandeyma ng COVID-19, ilang mga pagbabago sa pormat ng kompetisyon ang ipinatupad ng Miss Universe. Dahil sa mas maliit na bilang ng mga kandidata ang kumalahok sa edisyong ito kumpara sa mga nakaraang edisyon, tinanggal ang continental grouping at pinili ang dalawampu't-isang mga semi-finalist sa kabuuan— ang pinakamaraming bilang ng mga semi-finalist sa kasaysayan ng kompetisyon. Ang mga resulta ng paunang kompetisyon at ng closed-door interview ang nagpasiya sa unang dalawampung mga semi-finalist. Isinagawa ang internet voting kung saan ang mga manonood ay maaaring bumoto para sa isa pang kandidata upang umabante sa semifinals. Diretsong lumahok sa swimsuit competition ang dalawampu't-isang mga semi-finalist imbis na dumaan sa opening statement, at kalaunan ay pinili ang sampung semifinalist. Lumahok sa evening gown competion ang 10 semifinalist, at limang pinalista ang sumabak sa paunang question-and-answer round at sa final question round.
Pitumpu't-apat na kandidata ang lumahok para sa titulo.
Bansa/Teritoryo | Kandidata | Edad | Bayan |
---|---|---|---|
Albanya | Paula Mehmetukaj | 23 | Tirana |
Arhentina | Alina Luz Akselrad | 23 | Córdoba |
Armenya | Monika Grigoryan | 21 | Ereban |
Aruba | Helen Hernandez | 20 | Oranjestad |
Australya | Maria Thattil | 28 | Melbourne |
Bahamas | Shauntae Miller | 28 | Pulo ng Long |
Barbados | Hillary-Ann Williams | 25 | Christ Church |
Belhika | Dhenia Covens | 27 | Amberes |
Belis | Iris Salguero | 24 | San Pedro |
Beneswela | Mariángel Villasmil | 25 | Ciudad Ojeda |
Biyetnam | Khánh Vân Nguyễn | 26 | Lungsod ng Ho Chi Minh |
Brasil | Julia Gama | 27 | Porto Alegre |
Bulgarya | Radinela Chusheva | 25 | Sofia |
Bulibya | Lenka Nemer | 24 | La Paz |
Curaçao | Chantal Wiertz | 22 | Willemstad |
Dinamarka | Amanda Petri | 23 | Copenhague |
Ekwador | Leyla Espinoza | 25 | Quevedo |
El Salvador | Vanessa Velásquez | 25 | San Salvador |
Eslobakya | Natália Hoštáková | 26 | Bratislava |
Espanya | Andrea Martínez | 27 | Leon |
Estados Unidos | Asya Branch | 23 | Booneville |
Gana | Chelsea Tayui | 25 | Keta |
Gran Britanya | Jeanette Akua | 29 | Lungsod ng Londres |
Hamayka | Miqueal-Symone Williams | 24 | Mona |
Hapon | Aisha Harumi Tochigi | 25 | Chiba |
Hayti | Eden Berandoive | 24 | Aquin |
Honduras | Cecilia Rossell | 25 | Copan Ruinas |
Indiya | Adline Castelino | 22 | Udupi |
Indonesya | Ayu Maulida | 23 | Surabaya |
Irlanda | Nadia Sayers | 26 | Belfast |
Israel | Tehila Levi | 19 | Yavne |
Italya | Viviana Vizzini | 27 | Caltanissetta |
Kambodya | Sarita Reth | 26 | Nom Pen |
Kamerun | Angèle Kossinda | 28 | Douala |
Kanada | Nova Stevens | 26 | Vancouver |
Kapuluang Birheng Britaniko | Shabree Frett | 24 | Tortola |
Kapuluang Kayman | Mariah Tibbetts | 27 | Bodden Town |
Kasakistan | Kamila Serikbai | 18 | Kyzylorda |
Kolombya | Laura Olascuaga | 25 | Cartagena |
Kosobo | Blerta Veseli | 23 | Gjilan |
Kosta Rika | Ivonne Cerdas | 28 | San José |
Kroasya | Mirna Naiia Maric | 22 | Zadar |
Laos | Christina Lasasimma | 27 | Vientiane |
Lupangyelo | Elísabet Hulda Snorradóttir | 22 | Reikiavik |
Malaysia | Francisca Luhong James | 25 | Kuching |
Malta | Anthea Zammit | 26 | Żebbuġ |
Mawrisyo | Vandana Jeetah | 29 | Flacq |
Mehiko | Andrea Meza | 26 | Lungsod ng Chihuahua |
Miyanmar | Thuzar Wint Lwin | 22 | Hakha |
Nepal | Anshika Sharma | 24 | Jhapa |
Nikaragwa | Ana Marcelo | 24 | Estelí |
Noruwega | Sunniva Frigstad | 21 | Vennesla |
Olanda | Denise Speelman | 24 | Groningen |
Panama | Carmen Jaramillo | 26 | La Chorrera |
Paragway | Vanessa Castro | 28 | Asunción |
Peru | Janick Maceta | 27 | Lima |
Pilipinas | Rabiya Mateo | 24 | Lungsod ng Iloilo |
Pinlandiya | Viivi Altonen | 24 | Tampere |
Polonya | Natalia Piguła | 27 | Łódź |
Porto Riko | Estefanía Soto | 29 | San Sebastian |
Portugal | Cristiana Silva | 19 | Porto |
Pransiya | Amandine Petit | 23 | Caen |
Republikang Dominikano | Kimberly Jiménez | 24 | La Romana |
Republikang Tseko | Klára Vavrušková | 21 | Kostelec nad Orlicí |
Rumaniya | Bianca Tirsin | 22 | Arad |
Rusya | Alina Sanko | 22 | Azov |
Singapura | Bernadette Ong | 26 | Bukit Timah |
Taylandiya | Amanda Obdam | 27 | Phuket |
Timog Aprika | Natasha Joubert | 23 | Centurion |
Timog Korea | Hari Park | 21 | Incheon |
Tsile | Daniela Nicolás | 28 | Copiapó |
Tsina | Jiaxin Sun | 23 | Beijing |
Ukranya | Yelyzaveta Yastremska | 28 | Kyiv |
Urugway | Lola de los Santos | 23 | Paysandú |
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Miss Universe 2020, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.