Lucrecia Kasilag

Si Lucrecia Roces Kasilag (31 Agosto 1918 – 16 Agosto 2008) ay isang tagapagturo, kompositor, administrador, gumaganap na artista at negosyanteng pang-kultura.

Siya ay kilala sa tawag na "Tita King" at itinuturing na "Grand Lady of Philippine Music" dahil sa mga nagawa nito sa larangan ng musika sa Pilipinas. Iginawad sa kanya ang pagiging Pambansang Alagad ng Sining sa Musika noong 1989.

Lucrecia R. Kasilag
Lucrecia Kasilag
Kapanganakan
Lucrecia Roces Kasilag

31 Agosto 1918(1918-08-31)
Kamatayan16 Agosto 2008(2008-08-16) (edad 89)
NasyonalidadPilipino
Kilala saTocatta for Percussions and Winds,” “Divertissement and Concertante,” mga musika para sa “Filiasiana,” “Misang Filipino” at “De Profundis”, “Love Songs,” “Legend of the Sarimanok,” “Ang Pamana,” “Philippine Scenes,” “Her Son,” “Jose,” “Sisa,” “Awit ng mga Awit Psalms,” “Fantaisie on a 4-Note Theme,” at “East Meets Jazz Ethnika
ParangalPambansang Alagad ng Sining, Presidential Award of Merit as Woman Composer, Presidential Award of Merit, Republic Cultural Heritage Award, Patnubay ng Sining at Kalinangan Award, Outstanding Filipino Award for the Arts
LaranganMusika
Pinag-aralan/KasanayanPhilippine Women's University, University of Rochester
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas
Lucrecia Kasilag
Musika
1989

Unang yugto ng buhay

Ipinanganak si Lucrecia Roces Kasilag noong Agosto 31, 1918 sa San Fernando, La Union kina Marcial Kasilag Sr. at Asuncion Roces. (Bagamat nakasaad sa Encyclopedia of Philippine Art ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas na ang taon ng kapanganakan ni Lucrecia Kasilag ay 1918, sinabi niya mismo na siya ay ipinanganak ng 1917.) Siya ay pangatlo sa anim na magkakapatid.

Edukasyon

Ang nagmulat kay Lucrecia Kasilag sa larangan ng musika ay ang kanyang ina na si Asuncion Roces na isang guro sa musika. Sa murang edad ay natuto siyang tumugtog ng bandurya at gitara.

Natapos niya ang elementarya sa Paco Elementary School bilang balediktoryan. Sa Philippine Women's University High School niya natapos ang sekundaryang edukasyon bilang balediktoryan at sa Philippine Women's University ang Batsilyer sa Sining sa Ingles bilang cum laude.

Kumuha siya ng mga leksiyon sa pagtugtog ng piyano kina Concha Cuervo at Pura Lacson-Villanueva at ng diploma bilang guro sa musika sa Kolehiyo ng Musika ng St. Scholastica's College. Pagkatapos ay nag-aral siya ng Batsilyer sa Musika sa Philippine Women's University at noong 1950 ay Master of Music sa Eastman School of Music sa Pamantasan ng Rochester sa New York.

Siya ay isa sa mga iskolar ng programang Fulbright.

Propesyon

Naging Dekano si Lucresia Kasilag ng Kolehiyo ng Musika at Fine Arts ng Philippine Women's University mula 1953 hanggang 1977. Nagturo din siya sa Kolehiyo ng Santa Eskolastika (St. Scholastica’s College), Assumption College, at sa Konserbatoryo ng Musika ng Unibersidad ng Pilipinas.

Pinamumunuan niya ang Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (Cultural Center of the Philippines) bilang presidente sa loob ng 17 taon mula 1969 hanggang 1986 at ang League of Filipino Composers sa loob ng 35 na taon.

Humawak siya ng mahalagang posisyon sa National Music Council of the Philippines, Philippine Society for Music Education, National Music Competition for Young Artists Foundation, Asian Composers League at ang Regional Music Commission of Southeast Asia.

Mga nagawa

Si Lucrecia Kasilag ang dahilan sa pagkakatatag ng Bayanihan Folk Arts Center noong 1957 at katuwang na tagapagtatag ng Bayanihan National Dance Company.

Bilang kompositor, nakalikha si Lucrecia Kasilag ng 250 komposiyon, mga areglo ng mga katutubong awit, awit sining, mga piyesang pang-solo at instrumental at mga akdang pang-orkestra. Ilan sa mga nagawa niyang pang-orkestra ay ang “Love Songs,” “Legend of the Sarimanok,” “Ang Pamana,” “Philippine Scenes,” “Her Son,” “Jose,” “Sisa,” “Awit ng mga Awit Psalms,” “Fantaisie on a 4-Note Theme,” at “East Meets Jazz Ethnika.” Siya ay nag-eksperimento sa pamamagitan ng pagsasanib ng katutubong instrumentong pangmusika sa pagtatanghal ng isang orkestra. Kabilang dito ang kanyang ginawang “Tocatta for Percussions and Winds,” “Divertissement and Concertante,” at ang mga musika para sa “Filiasiana,” “Misang Filipino” at “De Profundis.”

Mga parangal na natanggap

Sa bisa ng isang proklamasyon ng Pangulo ng Pilipinas, inihayag na Pambansang Alagad ng Sining (National Artist) si Lucrecia Kasilag sa larangan ng musika noong 1989.

Natanggap din niya ang Presidential Award of Merit as Woman Composer noong 1956, Presidential Award of Merit at gold medal for leadership and outstanding contribution sa musika at sining noong 1960, Republic Cultural Heritage Award para sa ginawa niyang “Toccata for percussions and winds” noong 1960 at “Misang Pilipino” noong 1960 at 1966, Patnubay ng Sining at Kalinangan Award ng Lungsod ng Maynila noong 1954 at 1973 at Outstanding Filipino Award for the Arts ng Philippine Jaycee International noong 1991.

Kamatayan

Pumanaw si Lucrecia Kasilag noong Agosto 16, 2008 sa Paco, Manila sa edad na 90.

Mga sanggunian

Tags:

Lucrecia Kasilag Unang yugto ng buhayLucrecia Kasilag EdukasyonLucrecia Kasilag PropesyonLucrecia Kasilag Mga nagawaLucrecia Kasilag Mga parangal na natanggapLucrecia Kasilag KamatayanLucrecia Kasilag Mga sanggunianLucrecia KasilagArtistaGuroKompositorMusikaPamamahalaPambansang Alagad ng Sining

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Karagatang Kanlurang PilipinasMga Gobernador-Heneral ng PilipinasMga AetaRadyoKatapanganMao ZedongRenasimiyentoBarkoImpraestrukturaSucesos de las Islas FilipinasKasunduan sa VersaillesJosephine BrackenTeleseryeAnekdotaBernardo CarpioBundok ApoMga HudyoCOVID-19KatinigInhenyeriyang henetikoUgandaCharo Santos-ConcioKagawaran ng Kalakalan at Industriya (Pilipinas)Imelda MarcosMalabonEl filibusterismoQuezonCharles DarwinThomas EdisonMariano PonceJose PalmaIglesia ni CristoSimbahan ng BarasoainKagawaran ng KalusuganPamamanhikanImperyong OtomanoGlobalisasyonAng Pitong Huling SalitaThe SmithsPag-ibigIndonesiaMithiinMiriam Defensor–SantiagoCoco MartinPambansang Pulisya ng PilipinasBabaeEmilio AguinaldoTalaan ng mga senador ng PilipinasTukoDistribusyón ng salitang-tinutukoy (paksa)Fidel V. RamosPia WurtzbachUsogMontesquieuKooperatibaBiyernes SantoKaragLeonardo da VinciTeleponoOptimismoBugtongPagpapatiwakalCalamba, LagunaPantayong pananawPandiwaWikaBarong TagalogGABRIELAAnahawMabalacatRamayanaTurkiyaLapisPagbabago ng klimaAgham panlipunanRodrigo DuterteMaikling kuwentoKapatid sa kasalPampublikong sektor🡆 More