Ang Barbados ay isang pulong bansa na matatagpuan sa silangang bahagi ng Dagat Caribbean at sa kanluran nito ang Karagatang Atlantic, bahagi ng silangang mga pulo ng Lesser Antilles, kasama ang mga bansang Saint Lucia at Saint Vincent and the Grenadines bilang mga malalapit na mga kapitbahay.
Barbados | |
---|---|
Salawikain: Pride and Industry "Pagmamalaki at Industriya" | |
Awitin: In Plenty and In Time of Need "Sa Kasaganahan at Oras ng Pangangailangan" | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Bridgetown 13°05′52″N 59°37′06″W / 13.09778°N 59.61833°W |
Wikang opisyal | Ingles |
Katawagan |
|
Pamahalaan | Unitaryong republikang parlamentaryo |
• President | Sandra Mason |
• Prime Minister | Mia Mottley |
Lehislatura | Parliament |
• Mataas na Kapulungan | Senate |
• Mababang Kapulungan | House of Assembly |
Independence from the United Kingdom | |
• Part of the West Indies Federation | 3 January 1958 – 31 May 1962 |
• Sovereignty | 30 November 1966 |
• Admitted to the UN | 7 December 1966 |
• Joined CARICOM at the Treaty of Chaguaramas | 1 August 1973 |
• Republic established | 30 November 2021 |
Lawak | |
• Kabuuan | 439 km2 (169 mi kuw) (183rd) |
• Katubigan (%) | Negligible |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2022 | 267,800 (174th) |
• Senso ng 2010 | 277,821 |
• Densidad | 660/km2 (1,709.4/mi kuw) (17th) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $5.436 billion (175th) |
• Bawat kapita | $18,738 (90th) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $6.220 billion (165th) |
• Bawat kapita | $21,442 (50th) |
TKP (2021) | 0.790 mataas · 70th |
Salapi | Barbadian dollar ($) (BBD) |
Sona ng oras | UTC−4 (AST) |
Gilid ng pagmamaneho | left |
Kodigong pantelepono | +1 -246 |
Kodigo sa ISO 3166 | BB |
Internet TLD | .bb |
Nasa 430 km² (166 milya kuadrado) ang sukat nito, at kapatagan ang karamihang bahagi, kasama ang ilang mga matataas na bahagi sa interyor ng pulo. Matatagpuan ito sa 13º hilaga ng Ekwador at 59º kanluran ng Prime Meridian, mga 434.5 km (270 milya) hilaga-silangan ng Venezuela.
Namamayani ang mga coral at batong-apog (limestone) sa Barbados. Isang tropikal na may hindi nagbabagong mga nagpapalitang-hangin at may mga ilang basa at malambot na mga lupa (marsh) at mga latian ng bakawan. Mayroon din mga lupain ng mga tubo at naglalakihang mga pastulan sa ilang bahagi ng interyor ng pulo na may magandang pagkatanaw sa dagat.
Isa ang Barbados sa may pinakamataas na mga pamantayan sa kabuhayan at antas ng karunungan sa pagbasa at pagsulat at sang-ayon sa UNDP ng Mga Nagkakaisang Bansa, ang kasalukuyang nasa una sa talaan ng sumusulong bansa sa daigdig. Pangunahing destinasyon ng mga turista ang pulo.
Mga bansa sa Karibe |
---|
Antigua and Barbuda | Bahamas | Barbados | Cuba | Dominica | Dominican Republic | Grenada | Haiti | Jamaica | Saint Kitts and Nevis | Saint Lucia | San Cristobal at Nieves | San Vicente at ang Kagranadinahan | Trinidad and Tobago |
Mga dumidepende: Anguilla | Aruba | British Virgin Islands | Cayman Islands | Guadeloupe | Martinique | Montserrat | Navassa Island | Netherlands Antilles | Puerto Rico | Turks and Caicos Islands | U.S. Virgin Islands |
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Barbados, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.